CHAPTER 23

4.1K 90 6
                                    


"I ... can go with you, you know"

Pagpipilit na naman ni Silvestre sa gusto niya. Kaninang umaga habang inaayos ko yung iba niyang gamit ay nakikipagtalo na siya sa akin. Gusto niyang i-cancel ang businesses trip niya para sumama saken pauwi.

Maganda nga iyon pero ayoko dahil kaya ko naman umuwi mag-isa. Kahit nag-aalala siya saken dapat mas unahin niya pa rin dapat yung trabaho niya.

"Wag na kasi. Andito na tayo, nasan na ba si Calvin?" sabay tingin ko sa paligid para mahanap yung kaibigan niya.

Bumuntong hininga lang siya ng mapagtantong hindi talaga ako papayag sa gusto niya.

"I can't concentrate there knowing that you're not okay" malumanay niyang sabi sabay hawak sa pisngi ko.

Hinawakan ko ang kamay niya na andon at pinilit ibaba para mas mahawakan ko ng buo.

"Ayos lang naman ako. Tsaka sabi nga ni mama diba? Ayos na si Papa, bibisita lang ako" nginitian ko pa siya para mapaniwala sa sinasabi ko.

Pero ang totoo, malungkot talaga ako. Nasasaktan sa mga nangyayari, kaya natatakot akong sumaya ng sobra grabe kasi yung kapalit.

"Hey dude!" tawag ng kung sino galing sa gilid namin.

Sabay pa kaming napalingon sa malaking ngisi na si Calvin na parang sobrang excited sa pag-alis nila.

"Oh hey Catallina, you going with us?" baling niya saken pagkalapit.

Umiling lang ako bilang sagot at bumaling ulit kay Silvestre na nakatingin saken.

"Sige na. Ma le-late na kayo sa flight niya. Mag ingat ka"

Parang may kung ano sa mga mata niya na sinasabing wag ko siyang payagan umalis pero baka guni guni ko lang yun. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak ng bigla niya itong hinigpitan. Lumapit siya saken at niyakap ako sabay halik sa noo ko.

"Take care okay? I'll call you pagdating namin don. I love you" sabay halik saken ng marahan sa labi.

"I hate love" bulong bulong ni Calvin sa gilid at tumalikod samen.

Kung nasa mood lang ako ngayon kanina ko pa siya tinawanan sa reaksyon niya pero binalewala ko nalang yun at nagpaalam na kay Silvestre sa pag-alis niya. Nakatalikod siya sa paglalakad habang papasok sa loob ng airport. Kaway lang ako ng kaway sa kanya at ngiti ng ngiti. Nang makita kong nakapasok na siya, agad akong tumalikod dahil may kung anong sakit akong naramdaman. Hindi ko alam kung bakit, pero nalulungkot ako.

Pagkatapos ng mahabang byahe pauwi ay dumiretso pa ako sa hospital. Gulat na gulat nga si papa ng makita ako, imbis na sumaya pinagalitan pa ako dahil lumiban daw sa trabaho para lang sa kanya eh ayos lang naman daw siya.

Kahit sabihin niyang ayos lang siya, hindi parin mawala saken na mag-alala. Lalo pa ng mapansin kung medyo namumugto ang mga mata ni mama, kahit anong tanong ang gawin ko hindi naman siya sumasagot ng maayos.

Nagpapahinga ako ngayon sa loob ng kwarto ko habang iniisip si Silvestre. Nakarating na siguro yun? Gabing gabi na e, kaninang umaga pa naman sila naka alis. Pero bakit hindi pa siya tumatawag? Ayoko naman na ako ang umuna sa pagtawag dahil baka marami pa yung ginagawa o di kaya hindi pa nakarating.

Natulog lang ako ng mahimbing sa gabing yun dahil sa sobrang pagod. Kahit medyo may kakaibang nararamdaman ay binalewala ko nalang, bukas na kita papansinin dahil sobrang pagod na ako para sa araw na'to.

Kinabukasan ng magising ako nakarinig pa ako ng ingay sa labas ng mga nahulog na pinggan.

Paglabas ko nakita ko si Papa na may ginagawa sa kusina. Dali dali akong lumapit sa kanya at tinulongan siya.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now