CHAPTER 31

4.3K 93 6
                                    


Madaling araw pa lang ay hawak hawak ko na ang cellphone ko. Kanina pa ako naghahanap ng Genevive sa facebook pero ni wala namang tumutugma sa mga naging babae ni Silvestre. Yung iba ang jejemon pa ng mga pictures at posing kaya imposible naman diba. Gusto kong tanungin si Zoe pero madaling araw pa lang, tsaka baka wala rin naman siyang litrato non.

Huminga ako ng malalim at binaba na ang cellphone para sana magpatuloy sa pagtulog. Pero may kung ano sa akin at biglang sumagi ang mukha ng babaeng nakasagutan ko kahapon.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ang narinig kahapon.

"Yes this is Genevive Guevara ... "

Muli akong bumangon at nag isip isip. Hindi lang rin naman siya ang Genevive sa mundo diba? Marami namang Genevive kaya imposible .... O di kaya posible, kasi bakit niya ako kilala? Bakit niya kilala si Silvestre? Ibig bang sabihin siya yung ex ni Silvestre, kaya nong una palang naming pagkikita ay doon na agad sa condo ni Silvestre? Bakit nga ba hindi ko naisip agad yun? Yung pabalik balik niya sa kompanya habang nag aantay sa lobby, yung mga sinabi niya sa akin nong nagtagpo kami sa daan? Yung mga sinabi niya kahapon?

Kung siya nga yun, ibig sabihin ba nagkabalikan na sila? Siya rin ba yung babaeng sumagot sa tawag ko nong nasa Paris si Silvestre? Kaya pala pamilyar ang boses niya. Napailing ako at napapikit ng maramdamang may mainit na likidong tumulo sakeng pisngi.

Ano ba ang pinasok ko? Sobrang bobo ko ba para hindi mahalata ang mga ganon? Hinayaan ko lang ang sarili ko na mahulog sa mga patibong niya. Hinayaan ko lang ang sarili na maloko ng isang lalaking katulad niya. Ginamit niya lang ako. Parausan habang nasa malayo yung totoo?

Pinahid ko ang mga luha na galing sa mata, hindi oras ng pag iyak ngayon. Hindi na ako pwede maging mahina, kung ganon nga ang ginawa niya saken siguro ay nagbubunyi na siya ngayon sa kaloob looban. Lahat ng pinakita at ginawa niya ay kunware lang para mapa amo ako. Hayaan mo Silvestre, may oras ka rin saken.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagising dahil sa mga katok galing sa pinto. Nakapikit pa ako habang naglalakad para sana mabuksan kung sino man ang kumakatok.

"Hala senyorita, bakit ganyan yung mukha niyo?" gulat na tanong saken ni Joy.

Nagtaka ako sa sinabi niya at napataas pa ng isang kilay.

"Bakit?" humihikab kong tanong.

"Namumugto yang mga mata mo. Umiyak ka ba?"

Bigla akong nagising sa sinabi ni Joy. Namumugto ang mga mata ko? Ganon ba kahalata? Hindi naman marami ang iniyak ko kaninang madaling araw ah?

"H-halata ba?"

"Opo naman. Tsaka alas 10 na po ng umaga senyorita baka sa haba ng tulog mo yan"

"Alas 10 na pala? Uhhh sige Joy maliligo muna ako"

"Sige senyorita, dito lang po ako sa labas maghihintay"

Tinanguan ko lang siya bago sinara ang pinto. Huminga ako ng malalim bago naglakad papuntang banyo. Nang makapagbihis na at lahat ay agad akong bumaba at medyo pinapadali pa ako ni Joy dahil andyan daw si Keannu.
Ano naman kung andyan yun? Hindi naman kami close, at malamang si lola lang yung pinunta dito.

Nang makababa ay wala naman akong nakitang tao sa malawak na sala.

"Wala naman ah?" lingon ko kay Joy habang nasa hagdanan paren.

"Baka pinatawag ni Donya, senyorita"

Dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng umagahan, hindi ko na sila inabala sa mga gagawin. Kukunin ko na sana yung tinapay ng inunahan na ako ni Manang Josefa, yung nag aalaga kay Mama noon.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now