CHAPTER 11

4.9K 126 10
                                    


Nag alarm na talaga ako para sa araw na'to para naman maaga akong matapos sa paglalaba at paglilinis nitong apartment.

Baka mamaya biglang dumating si boss sungit hindi pa ako tapos sa mga gawain ko.

Alas 6 palang ng umaga pero tapos na akong mag umagahan, hinanda ko na agad yung mga lalabhan ko, sa labas ko nalang ipag-hihiwalay yung mga de color at puti.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang may kumatok. Baka yung landlord? Pero nakapagbayad na naman ako ng 5months advance eh? Tsaka bat ang aga naman ata?

Laking gulat ko ng makita si boss sungit pagbukas ko ng pinto.

Ang fresh fresh parang bagong pitas na strawberry. Naka white t-shirt lang siya na may maliit na tatak na Gucci sa gitna. Naka board short ang rin sya na kulay itim. Ang puti ng paa niya, kaka inggit ha.

Ang pogi naman nitong nasa harap ko samantalang ako wala pang ligo jusko! Yung buhok ko tinali ko lang ng walang ka suklay suklay. Naka short na nipis at blouse na puti lang ako.

Dugyot na dugyot pa ako , teka dugyot naman talaga ako kahit anong suot ko?

"Hala sir ang aga mo naman" sabi ko ng makabawi sa pagka gulat.

"Tsaka bat niyo po alam na dito yung kwarto ko?" tanong ko ulit.

"Why not?" sabay pasok niya sa loob. Nilibot pa niya ang tingin sa loob ng kwarto ko, siguro nilalait na niya to sa kaloob looban niya.

"Eh maglalaba pa po ako eh, tsaka nag breakfast na po ba kayo?" tanong ko sa kanya at binaba muna yung basket ng mga lalabhan ko.

May hawak siyang paper bag na brown, ano kaya yun?

"Not yet, Ikaw ba?" sabay upo sa kama ko.

Lumiit bigla yung kama ko dahil sa kanya. Ang laki niya naman po kasi. Maliban don sa ano eh talagang Malaking lalaki siya, talagang MALAKI.

"Tapos na po ako sir eh, pero may natitira pa naman po ata don sa sinangag ko kanina teka lang po"

Nagmamadali pa akong lumapit sa mesa pero pinigilan na niya ako.

"Its okay, nagdala rin ako ng breakfast coz I thought you're still asleep" aniya sabay tayo at lapit sa akin.

Ay sa lamesa pala.

"Ah sige po sir, hmm ano ba? maglalaba nalang po muna ako don sa labas. Dyan lang naman po sa baba sa gilid ng gate" pag eexplain ko sa kanya dahil alangan naman na tingnan ko siya dito habang kumakain siya diba?

"Just wait for me, I'll be fast" strikto niyang sagot kaya wala akong nagawa kundi umo-o.

Bakit ko pa siya hihintayin? Ayaw niya bang maiwan dito sa loob mag-isa? Wala namang multo dito.

Habang hinihintay ko siyang kumain nag decide nalang ako na ipaghiwalay muna yung mga labahan ko.

Umupo nalang ako sa sahig malapit sa kama ko, nakatalikod ako sa kanya habang inaayos yung mga damit ko.

Bigla pa akong nataranta ng makita ang mga panloob ko, hindi naman sa assuming ako ha? pero alam niyo na naman si boss sungit na medyo mapaglaro yan.

Hindi pa man ako natatapos sa ginagawa ay bigla siyang lumapit saken. Napatingala naman ako sa kanya.

"Tulongan na kita" 

"Ah--ano--ah wag na po sir tapos narin po to" nagmamadali pa akong tumayo dahil nakakahiya naman tutulong daw siya, pano kung makita niya yung mga panloob ko?

Nakakahiya yun.

"Okay, tutulongan nalang kita maglaba" sagot niya at kinuha saken ang basket at nauna ng lumabas.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now