CHAPTER 24

3.8K 79 11
                                    


Parang nagising ang diwa ko galing sa malalim na tulog. Ang sakit ng katawan ko, pakiramdam ko para akong nabugbog o ano. Nakapikit parin ako at dinaramdam ang kakaibang pagod sa katawan. Ano bang nangyari?

Bago pa man lumalim ang pag-iisip ko ay nakarinig na ako ng mumunting hikbi sa kung saan. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at napapikit ulit dahil sa ilaw na nanggagaling sa itaas.

"C-Catallina?" na uutal ng kung sino ang tumawag saken.

Dumilat ulit ako at unti unting hinanap ang boses. Nabigla ako ng makita si Lucil na nakatayo sa gilid ko,  umiiyak. Binigyang pansin ko rin ang sarili na may suot na hospital gown, napatingin ako sa paligid at napagtantong nasa hospital nga ako. Pero anong ginagawa ko dito? Bakit ako andito?

"A-ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong at lumapit na ng tuluyan saken.

"B-bakit ako nandito Lucil?" nagtataka kong tanong sa kanya at nilibot uli ang paligid.

"Bakit ka umiiyak?" sunod kong tanong.

Biglang pumasok sa isipan ko si Silvestre, magtatanong na sana ako ng maalala ang nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ulit ng biglaang pagkirot. Naramdaman ko ang pagkataranta ni Lucil sa gilid ko.

"Catallina? A-ayos ka lang? Wag kang gumalaw, tatawag ako ng doctor, teka lang--"

Hindi pa man siya nakatapos sa sasabihin ay pinutol ko na.

"Ayos lang ako, bakit ako nandito Lucil? "

Umiwas siya ng tingin saken bago nagbuntong hininga at pinahid ang mga luha na nasa pisngi.

"Tumawag kasi yung mama mo saken kaninang umaga. Nag missed call ka raw ng madaling araw, tapos tinatawagan ka raw pero nag ala una nalang ng hapon hindi ka pa rin ma contact. Nag-alala na rin ako kaya dali dali akong pumunta sa condo niyo, pero sarado. Naabotan pa ako ng alas tres doon hanggang sa makakuha ako ng spare key a-at don k-kita nakitang nakahandusay a-at walang malay"

Bigla kong naalala yung nangayari, papunta ako sa sala ng bigla akong nahilo. Tsaka si mama, dahil sa pagmamadali kong pagtawag kay Silvestre napindot ko ang numero niya.

"A-alam ba ni mama na andito ako?" nagmamadali kong tanong kay Lucil at agad naman akong nabuhayan ng loob sa paglingo niya.

"Hindi ko na sinabi dahil alam ko naman ang nangyari sa papa mo. T-teka lang, gutom ka na ba? Alas otso na ng gabi Catallina"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Alas otso na? Kaya ba sobrang sakit ng katawan ko dahil halos isang araw na akong nakahiga dito? Tinulungan ako ni Lucil na umayos sa pwesto ko, sumandal ako sa may headboard at nagpahinga sandali bago lumabas si Lucil para tawagin ang doctor at para kumuha narin ng pagkain.

Sa pag-iisa ko sa loob ay muli kong naalala ang pangyayari kagabi. Hindi ba yun panaginip? Totoo ba yung nangyari? Totoo ba yung nalaman ko? Totoo ba yung sinasabi ng babae kagabi? Kung totoo man, siguro nga wala ng pake saken si Silvestre. Kung meron man, sana sandamakmak na tawag na ang nakuha ko. Pero paano naman? Halos isang araw akong walang malay. Alam niya kaya na andito ako? Kung malaman niya, mag-aalala kaya siya saken?

Habang nag-iisip ng bagay bagay ay biglang tumulo ang mga luha ko. Nakaka awa ka Catallina, sabi ko sa sarili ko. Nakaka awa ka, pinaglaruan ka lang pala. Ginawa ka lang parausan sa mga nakalipas na buwan. Wala ba siyang konsensya? Hindi niya man lang ba naisip ang posibilidad pag nalaman ko na kabit lang ako? Pero kung kabit ako, bakit hindi tumutol ang Daddy niya sa akin? Bakit gustong gusto ako ng mga Tita niya? Bakit wala namang nababanggit saken si Calvin? Bakit parang ayos lang naman lahat sa relasyon namin?

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now