CHAPTER 12

4.9K 120 8
                                    


Natapos yung pagpapakilala at pagkilala namin sa isa't isa. Marami naman akong nalaman sa kanya, tulad ng nag iisa rin siyang anak tapos yung mommy niya wala dito sa Pilipinas dahil hindi naman daw kasal sa Daddy niya.

Half Spanish din siya kaya pala minsan may kausap siya sa cellphone at hindi ko maintindihan kung ano. At ito pa graduate siya ng Suma Cumlaude, grabe ang talino niya pala.

Kasalukuyan akong inaayusan ngayon dito sa condo ni boss sungit. Nakapikit lang ako habang nag me-make up itong bading sa akin.

Tinandaan ko talaga ang mga bagay na tungkol kay boss sungit para mas makatotohanan naman daw.

"Ang ganda mo hija no?" biglang sabi ng bading na nasa harap ko.

Napadilat naman ako at napangiti sa sinabi niya. Maya maya binihisan na ako, napatingin ako sa salamin.

Ako ba talaga 'to? Mukhang di probinsyana ah. Ang ganda pa ng gown na ginawa saken. Kulay pula na hapit na hapit sa katawan ko at may slit sa kanang bahagi ng binti. Bukas na bukas naman yung sa likod at hindi rin ganon kakita yung dibdib ko.

Gusto nga sana nong designer na medyo taasan yung sa may dibdib para mas maganda pero nagalit si boss sungit hmp.

"Ayan ang ganda mo na lalo" masayang sabi nong bading.

"Hehe salamat" nahihiya kong tugon.

"Ilang taon kanang girlfriend ni Mr. Delgado?" pang uusisa niya.

Natahimik naman ako, tama hindi namin yun napagusapan nako. Ano ba isasagot ko? Months lang ba o ano? Pero bago pa man ako makapag salita ay biglang bumukas yung pintuan.

"You ready?" tanong agad saken ni boss sungit.

Tiningnan ko siya mukhang ulo hanggang paa. Ang gwapo niya sa suot niya, bagay na bagay sa kanya. Black slacks and coat, white yung longsleeve sa loob na bukas pa ang dalawang butones at may pula pang nakalagay sa may bulsa ng suot niya.

Nagpasalamat na siya don sa bading at umalis narin kami.

"You look great" bulong niya sa tenga ko pagkababa namin sa elevator papuntang parking lot.

Namula lang ako sa sinabi niya, bumibilis yung tibok ng dibdib ko.

Pero natawa ako sa kaloob looban ko ng hindi na naman niya ako pinagbuksan ng pintuan. Jusko ayos na sana eh, ayos na pero hindi parin talaga gentleman.

Ang yaman talaga nito, ibang sasakyan na naman yung gamit niya eh.

Tahimik lang kami sa byahe ng maalala ko yung tanong ng bading kanina. Nilingon ko siya pero seryoso siya sa pag da drive kaya ibinalik ko ulit sa harap yung tingin ko.

"Spill it out" napalingon ulit ako sa kanya dahil bigla siyang nagsalita.

"I know you want to tell something. Ano yun?" sabay tingin niya saken saglit at binalik ulit ang tingin sa daanan.

Jusko ang gwapo naman ng nilalang na'to. Tinatamaan ng ilaw galing sa labas ang mukha niya habang nagmamaneho. Mukha siyang anghel na masungit.

"What? You'll just stare at me?" masungit niya ulit na tanong.

Oo nga pala may itatanong nga pala ako.

"Ah, kanina kasi tinanong saken nong nag ayos saken kung ilang taon na ba tayong nagsasama. Diko nasagot eh" sabi ko sa kanya at tumungo para tingnan ang mga kamay ko.

"6months" sagot niya naman.

Ah baka 6months yung dapat kong isagot kung sakali man na may magtanong ulit.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now