CHAPTER 21

4.2K 86 0
                                    


"Happy Birthday"

Akala ko nanaginip lang ako kaya binalewala ko lang, pero napabangon ako bigla ng may pumipisil pisil sa dibdib ko. Halos mapatili ako sa takot ng makitang sobrang dilim ng kwarto. Pero bigla akong napasapo sa ulo ko ng may marinig akong pamilyar na tawa.

May kung anong tumunog at biglang nagbukas agad ang ilaw, nasa may pinto si Silvestre at may hawak na cake. Habang papalapit siya saken ay tsaka niya naman sinindihan ang maliit na kandila. Napangiti ako habang tinitingnan siya, umayos agad ako ng upo ng tuluyan na siyang makalapit.

"Happy Birthday" ulit niya sabay lahad ng cake.

"Dami mong pakulo ah, anong oras na ba?" una kong tanong sa kanya kesa magpasalamat. Kaya dinugtungan ko agad yun "Salamat"

"You're welcome. And uh ... its past 12" simpleng sagot niya at nilapit saken ulit ang cake.

"Blow your candle first"

Pumikit muna ako ng mariin at isinapuso ang lahat ng hiling ko. Pagkatapos hipan ng kandila ay napapikit na naman ako dahil sa flash ng camera nitong si Silvestre.

"Alam mo sa susunod patayin mo muna yung flash mo kung magnanakaw ka ng picture ko" mayabang kong sabi sa kanya na ikinahalakhak niya naman.

Binaba niya muna yung cake sa may side table at binigyan ako ng marahan na halik. Alas dose pa pala, saktong March 5. Kahit gustong gusto kong tapusin itong ginagawa namin ngayon ay hindi muna ako bumigay. Hinihila na ako ng antok at medyo nahihilo parin ako dahil sa byahe kanina. Ang hirap talaga pag hindi ka lakwatsera.

Tinanong ko na siya kanina tungkol sa kompanya, hindi naman porke't siya yung may ari non ay basta basta nalang siyang aalis. Nag file pala siya ng leave ng dalawang araw, sinama niya narin daw ako. Medyo nakahinga ako ng maluwag don, baka mamaya sabihin ng ibang empleyado porket girlfriend ako binibigyan na ako ng especial na pakikitungo.

Alas Dyes na siguro yun ng makarating kami dito sa Boracay, at pagkapasok ko palang sa loob nitong suit namin ay agad akong nagsuka.

Tumigil ako sa paghalik sa kanya at umiwas ng sinubukan niya na naman akong halikan.

"Inaantok pa ako, matulog na muna tayo" tinawanan niya ako at kinagat pa ang ilong ko.

"Alright. Pagbibigyan kita sa ngayon, but be ready for tomorrow" mapanloko niyang sabi sabay tayo at kinuha ang cake para mailagay sa loob ng mini ref.

Ewan ko lang, pero parang biglang nagising yung diwa ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na isang araw, magkakaganito ako ,na makakaranas ako ng ganito.

Napatabon ako ng comforter ng biglang pumasok ang hangin galing sa labas, bukas kasi yung sliding door patungo sa terrace kung saan mo matatanaw ang dagat. Masyadong maganda, masyadong nakakaingganyo pero pagod ako kaya humanda rin saken yang dagat na yan bukas.

Naaalala ko tuloy sina mama at papa, tuwing birthday ko rin dati pumapasyal kami lage sa dagat. Alam na alam kasi nila na gusto ko talaga sa dagat, ewan sobrang relaxing at ang sarap ng ihip ng hangin. Kaya nga laking pasalamat ko ng dinala ako dito ni Silvestre, bakit niya kaya naisipan na dito ako dalhin? Baka sinabihan ni mama na gusto ko dito.

Tumabi na siya saken at niyakap ako, pinulupot niya agad ang mga binti niya saken. Ang bigat pa naman pero ayos lang, mas komportable ako at pansin ko rin na mabilis siyang makatulog pag ganon.

Pinaglalaruan ko lang yung mga daliri niya na nasa may tiyan ko.

"Akala ko ba inaantok kana" bulong niya saken.

"Matutulog na nga" sagot ko at tumagilid para yakapin siya pabalik.

Siniksik niya sa leeg ko yung ulo niya at binibigyan ng mararahan na halik. Hindi nagtagal ay parang nag-iiba na yung paglandas niya ng dila sa leeg ko.

The CEO's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon