CHAPTER 17

4.8K 112 7
                                    


Kinabukasan, sobrang aga ko sa opisina. Kahit sina Zoe ay wala pa, nagulat naman ako ng bumukas bigla yung opisina ni Silvestre. (OO AYAW KO NA SIYANG TAWAGING BOSS SUNGIT)

Bakit kaya ang aga niya? Alas sais y media palang naman, pinasadahan ko ng konti yung suot niya, hindi naman yun yung suot niya kahapon. Akala ko dito na natulog eh.

Tumungo nalang ako at hindi  siya nilingon o tinapunan man lang ng tingin ulit, hanggang ngayon medyo nasasaktan parin ako sa sinabi niya kahapon at lalo na sa ginawa kay Mark. Teka? Ano naman ngayon kung sinabi niya nga yun saken? Ano naman ang mali doon? Totoo namang hamak na sekretarya niya lang ako.

Napailing ako sa mga iniisp at hindi napansin na andyan pa pala sa harap ng lamesa ko si SILVESTRE.
Wala akong balak na imikan siya, kung tanggalin niya man ako ngayon ay buong puso kung tatanggapin.

"Uh--" napatigil siya sa pagsasalita na padabog kong binababa yung mga papeles. Hindi parin ako tumitingin sa kanya. Bahala siya dyan!

"Can we talk?" ulit niya sa naputol niyang sasabihin kanina.

Nanatili parin yung ulo ko na nakatungo, pero yung mata ko napatingin sa itaas. Bigla naman akong napabaling agad sa hawak kong papel kasi naman yung umbok sa gitna yung sumalubong sa mga mata ko. Jusko, ang aga aga, ang halay na ng nakikita ko.

"Are you fucking listening to me Miss Torres!?" napabaling ako sa kanya gamit ang galit na mga mata.

Yan diyan siya magaling! Sigaw ng sigaw, hindi marunong maghintay o mag pasensya!

"Bat ka ba sumisigaw! Gusto mo'kong kausapin pero sinisigawan mo'ko!" bulyaw ko pabalik sa kanya. Wala na talaga akong pake kung boss ko siya o ano pero naiirita at naiinis ako sa kanya.

"Then why the hell are you shouting at me too!" sigaw  niya saken pabalik at umikot para makalapit sa gilid ko.

"Kasi sumisigaw ka! Wag mokong sigawan! Kahit boss kita, ayoko ng sinisigawan ako!" medyo pasigaw pero sa mababang boses lang dahil baka maabutan kami ng iba dito at kung ano pa ang isipin.

Napahawak siya sa sentido niya habang ang kanang kamay naman ay nakahawak sa mesa ko. Tiningnan niya ako sa mata at napabuga ng hangin. Medyo nahalata ko sa mata niya na may eyebags siya, wala siguro tong tulog. Pero gwapo parin naman siya. Teka? Galit ka sa kanya Catallina! Wag mong ipuri!

"Look. Can we please talk? Pumasok tayo sa opisina" ngayon ay kalmado na siya habang nakatingin parin saken.

"Ano namang pag-uusapan natin? Mang-iinsulto ka na naman?" masungit kong tanong sa kanya at tinaasan pa siya ng kilay. Marahan siyang napapikit at umiling.

Tumayo naman ako agad kaya naging hudyat yun sa kanya at nauna na siyang pumasok sa opisina. Hinintay niya pa ako sa may pinto at pagkapasok ko ay ni lock niya yun.

"Bakit naka lock?" nagtataka kong tanong, hindi niya lang ako sinagot at giniya don sa may couch sa loob ng opisina niya.

Pagkaupo ko don ay umupo rin siya sa tabi ko, umusog ako ng konti dahil ayokong nagkakadikit kami. Naiinitan ako!

Tumikhim muna siya at mataman akong tinitigan. Medyo naiilang naman ako kaya umirap ako sa ere para maramdaman niya na ayaw ko sa ginagawa niya.

"Im sorry for yesterday" panimula niya. Hindi parin ako kumikibo at naghintay sa mga susunod niyang sasabihin.

"I was furious and uh-- mad" nilingon ko na siya ngayon.

"Kaya mo tinanggal sa trabaho si Mark? Alam mo bang iyak ng iyak yung tao kahapon?" naiinis pero kalma parin akong nagtanong sa kanya.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now