CHAPTER 9

5.2K 128 5
                                    


"Po?" gulat akong napatingin sa kanya.

Kasalukuyan kami nasa loob ng opisina niya dahil may sasabihin daw siya. Hindi ko naman alam na ganito pala yung sasabihin niya. Nakakaloka.

"Catallina can you stop that behavior? Alam kong narinig mo'ko kaya wag kang paulit ulit" inis niyang sagot saken.

Baka naman kasi mali yung narinig ko diba? Baka naman kasi. Tss

"Pe--pero bakit ako po?"

"Why not you?" balik niya ng tanong saken.

"They don't know who you are okay? So you're perfect to act like my girlfriend"

"Hindi ba nakakahiya yun sir? Baka mamaya kung ano anong itanong saken at masabi kong secretary mo lang ako at galing akong probinsya. Mapapahiya ka non" kumbinsi ko sa kanya dahil totoo naman talaga, baka mapahiya pa siya dahil saken.

"I don't see any problem with that thing"

Huh? Walang problema don? Mayayaman yung andon at alam mo naman ang mayayaman mga matapobre yan.

"Ayoko po sir, hanap nalang kayong ibang mag aastang girlfriend niyo. Tulongan po kitang maghanap" masigla kong sabi sa kanya sabay ngiti.

"I. WANT. YOU. TO. ACT. LIKE. MY. GIRLFRIEND. PERIOD." nanghina naman ako agad sa sagot niya saken.

"Okay I'll double your salary" parang pumalakpak naman ang tenga ko sa narinig ko.

"Talaga po?" paninigurado ko sa kanya.

"Talaga"

"Malaki rin bonus ko sa pasko?" baka sakali lang naman.

"Tss woman" napailing siya sa sinabi ko at natahimik naman ako don.

Sobra nanga siguro yung hinihingi ko.

"Okay I'll make your bonus higher than the usual. Happy?" sarcastic niyang sabi saken.

Lumiwanag naman ang mukha ko at nilahad ang kamay ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya ng makita ang kamay ko.

"Deal" sabi ko at winagayway ang kamay ko sa harap niya at nilahad ulit.

Ngumisi naman siya at tinanggap ito.

"So what do you want to do now babe?" malandi ang tono ng boses niya ng sinabi niya yun.

"babe?" taka kong tanong.

"Yes babe?" mapang asar niya namang sagot.

"Nagtatanong po ako sir kung ano ang babe"

"Well its our endearment, we should practice you know. Our reunion will be in 3days. So you should act like you really know me a lot" sabay kindat niya saken.

Lumabas naman ako pagkatapos at nag isip isip kung ano ang susuotin ko sa araw na'yon. Wala naman kasi akong mga pang party o kahit anong damit na pwede sa ganon.

Ah bahala na, problema niya na yun.

"Come with me" nagmamadali siyang lumakad kaya nagmadali rin akong sumunod sa kanya.

Muntikan pa akong matapilok dahil sa bilis ng lakad ko kaya napalingon siya saken.

Umayos naman agad ako at nginitian siya.

"Tss" at nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa basement.

San ba kami pupunta?

"San po tayo sir?" tanong ko ng pinatunog niya ang sasakyan at binuksan ang driver's seat.

"Langit" ngisi niya at pumasok na sa loob ng kotse.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now