CHAPTER 34

4.9K 105 36
                                    


Naging maayos naman ang party ni Yllana pero yung kaba at takot na nararamdaman ko kanina ng makita si Silvestre ay andito pa din. Hindi ko masabi sabi kay Mama na andito siya dahil hindi na naman siguro importante yun.

Kanina pa ako balisa at alam kung napapansin na nila yun. Kahit si Keannu kanina pa nagtatanong kung ayos lang ba ako, galit daw ba ako sa pagbibiro niya tungkol sa amin kanina sa harap ng bisita ni Lolo.

"H-hindi naman. Bat naman ako magagalit?" sagot ko.

"I just thought"

"Magpapahangin na muna ako Keannu" paalam ko.

"Should I go with you or you want to be alone?" tanong niya.

"Matulog ka nalang, alam ko namang pagod ka"

Nagpaalam narin ako kina Lola at Lolo. Nasa parehong cabin lang kami ni Mama kaya ng pumasok ako at nagbihis ng panligo ay nagpaalam narin ako. Gabi na, pero gusto kong maligo. Matagal tagal narin kasi simula ng magtampisaw ako sa dagat.

Kahit malamig ang simoy ng hangin ay hindi ko yun inalintana at agad ng hinubad ang roba kong suot. Naka puting one piece swimsuit lang ako at tuluyan ng lumusong sa dagat. Hindi naman ganoon ka dilim dito dahil may mga ilaw naman sa malapit kahit papaano.

May dalawang yate rin sa malapit kaya ayos lang. Wala naman sigurong pating dito o ano man. May mga naliligo rin naman, kaso medyo malayo sa akin. Dito talaga ako sa pinakagilid para mapag-isa at makapag isip isip. Habang pinapalutang ang sarili ay hindi ko naiwasan na isipin ang itsura kanina ni Silvestre habang pinapalabas ni Keannu na anak namin si Yllana.

May kung anong sakit na naramdaman ako sa puso ng makita ang galit niya. Lumangoy nalang ako ulit at nilibang ang sarili sa malamig na tubig dagat.

Tumili ako ng biglang may kung anong humawak sa mga paa ko galing sa ilalim.

"Ahh! Tulong!" pero mukhang malabo ata na may makarinig saken dahil medyo nakalayo na ako sa kakalangoy.

Pilit akong kumakawala sa hawak ng kung sino pero hindi ko talaga kaya. Mas lalo lang akong kinabahan ng hindi pa siya umaahon. Tao ba'to? o baka engkanto ito ay gusto akong lunurin? Mas lalo akong nagsikap pero wala akong nagawa. Lumubog pa ako at medyo nakainom ng tubig dagat.

"Oh fuck. Are you okay?" gulat na gulat ako sa nagsalita kahit pa man nahihirapan na akong huminga.

"H-huh?" yun lang ang tanging naisagot ko sa lalaking nasa harapan ko bago dumilim ang lahat sa paligid.

Akala ko panaginip lang ang nangyari, patay na ba ako? Dinilat ko ang mga mata at nabigla ng puro puti ang nakikita ko. Patay na talaga ako? Hinawak hawakan ko pa ang katawan ko at kinapa ang puso, tumitibok naman. Nilibot ko ang tingin at napagtantong nasa maliit na kwarto ako. Napahawak ako sa ulo ng makaramdam ng kaunting pagkahilo, parang umaalon yung pakiramdam ko. Nasan kaya ako? Sinong nagdala saken dito? Na kidnap ba ako?

Mukha ni Silvestre ang agad na sumalubong sa mga tanong ko. Dala ang isang maliit na tray na may laman na mga pagkain. Niligay niya yun sa may paanang parte ng kama tsaka umambang lalapit saken.

"Diyan ka lang. Wag kang lalapit. Nasan ako? Bakit ako andito? Bakit ka andito?" mabilis kong tanong sa kanya.

"Eat first" walang emosyon niyang sabi.

"Ayoko! Sagutin mo muna ako!" sigaw ko sa naiinis na tono.

"I won't answer you unless you eat your food" mahinahon parin siyang nagsasalita pero wala kang mababakas na emosyon galing sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng may marinig na hampas ng tubig sa kung saan. Agad akong tumayo at muntikan pang mahulog buti nalang ay nahawakan niya ako agad.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now