CHAPTER 3

6K 124 2
                                    


"Hala ang laki ng bahay Cath oh!" manghang manghang sabi saken ni Lucil kahit kita ko rin naman.

Pero sang-ayon naman ako sa kanya, ang laki laki  nga ng bahay, hindi lang basta bahay dahil Mansion na talaga.

Nasa labas palang kami ng gate pero tanaw na namin ang malaking bahay sa loob.

Balang araw talaga bibilhan ko sina mama at papa ng ganito. Hindi ako titigil hanggang hindi ako makakita ng magandang trabaho.

"Sino po sila?" tanong ng guwardya sa amin ni Lucil.

"Ah tiyahin ko po si Manang Rosario, kami po yung inaasahan na bagong katulong" sagot ni Lucil.

"Ah sige pasok na kayo" Agad na nagmadali ang  guwardya sa pagbukas ng maliit na gate sa gilid.

"Diretso lang kayo jan. tatawagan ko lang si Manang Rosario" sabi niya sabay pasok sa guard house at may tinawagan sa telepono.

Dahan dahan naman kaming naglakad ni Lucil papunta sa pintuan ng mansion.

Hindi pa man kami masyadong nakakalapit ay biglang  bumukas ang isang side ng pintuan.

"Lucillllllll hijaaaa!" masayang salubong ni tiyang Rosa sa kanya.

Hindi ata ako napapansin. Malapit naming kapitbahay sina Lucil at Tiyang Rosa doon sa Probinsya.

Kaso nga lang paminsan-minsan lang kung umuwi si Tiyang Rosa don dahil matagal na siyang nagtatrabaho dito sa Maynila.

"Nga pala tiyang, hulaan mo kung sino kasama ko" masayang sabi ni Lucil at hinatak ako palapit sa kanila.

Binigyan ko lang ng tipid na ngiti ang tiyahin niya. Nabigla naman siya agad.

"Catallina? Ikaw ba yan?" nagtataka ngunit masayang tanong niya saken.

"Opo tiyang" sagot ko sa kanya at nag mano narin.

"Jusko ang lalaki niyo na, ang ganda at ang tangkad tangkad mo pa hija mukha kang model"

Nahiya naman ako agad sa sinabi niya dahil hindi talaga ako sanay na may nagsasabi sa akin ng mga ganyan.

Oo matangkad talaga ako 5'7 ako eh tsaka medyo may itsura nga sabi nila.

"Hindi naman po" sagot ko sa kanya na ikinatawa ni Lucil.

"Sus. Masyado ka talagang humble. Alam mo ba tiyang Magna Cumlaude yang si Catallina kaka graduate lang po niyan" pagmamayabang naman ni Lucil.

Siniko ko naman siya dahil nakakahiya kung ano anong pinagsasabi.

"Oh talaga? Hindi ka naman pala bagay maging katulong lang Catallina eh" sang ayon naman ni Tiyang Rosa.

"Oh ikaw bata ka kung hindi ka lang bulakbol sa klase ede sana graduate kana rin diba?"

"Eh tiyang naman ayah na naman tayo. Atleast diba naka abot ako ng second year college" sagot naman ni Lucil.

Ng matapos na ang usapan at kamustahan ay pumasok na kami sa loob.

Kung maganda sa labas grabe mas trineple yung ganda sa loob. Ang laki pa, palasyo na ata ito eh.

May nakita akong limang kasambahay at lahat sila may kanya kanyang uniform. Si Tiyang Rosa yung parang mayor doma nilang lahat, kasi siya na yung pinaka matagal na nagtrabaho dito eh.

Pumunta na kami sa magiging kwarto namin para naman makapagpahinga at makapaghanda na kami para bukas.

"Oh dito yung maid's quarter ha? Pero hindi tayo dito matutulog. Don tayo sa kabilang kwarto. Malaki naman yung kwarto ko kaya kasya tayong tatlo don"

The CEO's SeductionKde žijí příběhy. Začni objevovat