CHAPTER 5

5.4K 110 9
                                    


Naka upo lang ako dito sa may lamesa ko at inaayos ang mga papeles na dadalhin ko mamaya sa board meeting ni boss.

Biglang tumunog yung telepono na naka konekta sa loob kaya agad kong sinagot.

"Hello po sir. Ano pong kailangan nyo?" magalang kong tanong sa kanya.

"You" sagot niya naman sa kabilang linya na ikinatahimik ko.

"Po?" ulit kong tanong dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.

"I said, YOU! Come to my office now" sagot niya at pinatay agad ang tawag.

Gusto niya lang naman pala akong makita ano bang mali don? Jusko naman Catallina ang dumi dumi ng utak mo kung ano ano nalang iniisip mo.

Dali dali akong pumasok sa opisina niya dahil baka magsungit na naman to.

Pagkapasok ko palang ay tiningnan na naman niya ako mula ulo hanggang paa. Heto na naman po siya jusko bat ba siya ganyan?

"Bakit po sir?" Tanong ko sa kanya para mawala na yung titig niya saken.

"Whats your waistline?" diretsang tanong niya saken habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ko.

"Waistline ko po?" nagtataka kong tanong sa kanya dahil bat niya naman tatanungin kong anong waistline ko?

"Bingi ka ba?" masungit niyang tanong saken sabay kuha ng papel sa mesa niya at binigay saken.

"Ano po 'to sir?"

"Baka papel" pilosopo niyang sagot saken na ikina inis ko naman. Pero dapat hindi halata kaya ngumiti nalang ako sa kanya.

"Ano pong gagawin ko dito?" magalang kong tanong sa kanya habang peke ang ngiti.

"Isulat mo dyan ang sagot sa tanong ko"

Kahit nagtataka ay umo-o parin ako.

"Isulat mo vital stats mo dyan bilis tsaka mag early lunch ka pagkalabas mo dito. The meeting will be 1 hour earlier" sabi niya saken sa bored na tono habang nilalaro yung ballpen niya sa kamay niya.

Kahit nagtataka ay sinulat ko parin yung vital stats ko. Aanhin niya ba to?

33-25-36

Pagkatapos kong isulat yun ay nagpaalam na akong lalabas at kakainin.

Bago ako pumuntang cafeteria kinuha ko muna don yung adobo na nasa clear tupperware at nakisuyo ako don sa tiga luto sa cafeteria na initin.

Tiningnan ko ang relo ko at 11:30 na , kaya naman binilisan ko ang pagkain para mabigyan ko na ng tanghalian si boss sungit.

Kakatok na sana ako sa pintuan niya ng bigla itong bumukas.

"Goodnoon po" bati ko sa lalaking kakalabas lang ng opisina niya.

"Hello there Gorgeous . May I know who you are?" tanong niya saken habang ang laki ngiti.

"Catallina po sir" sagot ko sa kanya.

"Oh I'm Calvin its nice to meet you Catallina. What brought you here?" tanong niya ulit saken sabay tingin sa dala kong tupperware.

"Ako po yung bagong secretary ni Mr.Delgado"

Napa 'oh' pa talaga yung bibig niya. Binuksan niya ulit yung pintuan at nasilip ko doon si boss sungit na tumingin naman sa kanya.

"Hey dude you didn't tell me you have a very beautiful and sexy secretary huh" sigaw ni Sir Calvin galing sa pinto na ikina kunot naman ng noo ni boss sungit sabay tayo.

"Fuck off asshole!" sigaw namn ni boss sungit at binugaw si Sir Calvin paalis.

"See you again Catallina" sabi ni Sir Calvin saken na sinamahan pa ng kindat.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now