CHAPTER 16

5.3K 120 5
                                    


Tinanghali na kaming dalawa pagpasok sa opisina, pinagtitinginan pa kami ng ibang empleyado.

Inuwi niya muna ako sa apartment at binalikan para sabay na daw kaming pumasok, hindi ko nga maintindihan kung bakit niya pa yun ginawa. Masyado na naming ginagalingan yung pagkukunware namin. Teka? Kasali ba yung ano sa pagkukunware namin?

Winala ko nalang sa isip ko yung nangyari at tinuon na sa trabaho ang buong atensyon ko. Pa minsan minsan ay pinapatawag ako ni boss sa loob, pero lumalabas rin ako agad dahil baka kung ano pa ang mangyari, kailangan ko na talagang umiwas.

Natapos ang buong araw ko at papauwi na ako ngayon, nag aabang ako ng masasakyan ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Where are you? Ihahatid na kita" napatingin naman ako sa paligid at umatras ng kaunti.

"Naghihintay ng masasakyan dito sa may gilid ng entrance" sagot ko naman.

"Wait there" at binaba niya na ang tawag kaya nag hintay nalang ako sa kanya.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

May silver na sasakyan ang huminto sa harap ko, pero hindi ko yun pinansin at akmang aalis na para makita ko ang pagdating ni boss sungit.

Lumingon pa ako sa gilid kung saan lumalabas yung mga sasakyan galing sa parking lot, pero wala parin siya.

Tumunog na naman yung cellphone ko, hudyat na may nag text.

"Silver" yun lang yung nakalagay sa text na galing kay boss sungit.

Napaliit naman ang mata ko at tumingin sa silver na sasakyan. Baka siya to? Iba na naman yung sasakyan niya, kanina itim yun ah?

Lumapit naman agad ako don at kinatok ng mahina ang bintana. Bumukas naman agad yun at kinindatan niya lang ako at sinara ulit.

Napalingo lang ako at binalewala yun, umikot na ako sa kabila para makasakay na agad.

Ng makarating kami sa apartment ay nagpaalam na agad siya kasi may pupuntahan pa daw. Saan naman kaya? Anong gagawin niya don? Ay teka, ano bang pake ko?

Pumasok na ako sa loob ng maalala na wala na pala akong bigas na lulutuin, naku namannnn nakalimutan ko bumili nong isang linggo. Hays.

Umuulan pa naman sa labas, pero kakasimula palang naman. Lumabas na ako para makabili ng bigas don sa may kanto, may tindahan kasi don.

Pagkatapos kong bumili ay dali dali akong pumasok sa gate pero napatigil ako ng may makitang babae na naglalakad at basang basa sa ulan.

Naka pantulog pa siya, ano kayang nangyari sa kanya. Dali dali akong lumapit sa kanya at pinayongan siya.

"Ayos ka lang?" halata namang hindi siya maayos bakit ko pa tinanong?

Napatingin naman siya saken at ngumiti, ang putla niya pero ang ganda niya parin.

"Pasok muna tayo don sa loob, ang lakas kasi ng ulan eh" aya ko sa kanya kahit hindi ko naman siya kilala.

Pero wala naman akong masamang nararamdaman sa kanya kaya ayos lang siguro yun. Mukha naman siyang mabait hindi naman siguro ako nanakawan nito, tsaka wala rin siyang mananakaw saken.

Pagkapasok namin sa loob ay agad ko siyang binigyan ng tuwalya at binigyan ng pamalit. Habang nasa loob siya ng banyo ay nagluto na muna ako.

Paglabas niya sa banyo ay nahihiya pa siyang lumapit sa may mesa.

"Sa--salamat" sabi niya saken. Ngumiti naman ako sa kanya at tiningnan siyang mabuti.

"Bakit ka nagpa ulan? Tsaka nakapantulog ka pa" pang uusisa ko naman.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now