Prologo

7.3K 235 88
                                    

Veronica's PoV

"Tita Nica who is he?" turo ng aking pamangkin sa litrato ni Gen. Gregorio del Pilar. Napangiti naman ako sa kanya.

"He is Gen. Gregorio del Pilar. The hero of Tirad Pass, he was a very great and brave man." sagot ko sa aking pamangkin. Narito kami ngayon sa Philippine Army General Hospital dito sa Taguig kung saan nagtratrabaho ako bilang isang Military Doctor.

"Eh siya po? Tita you kinda look like her." Turo naman niya ngayon sa isang litrato na kung saan ay naroon ang heneral at isang babae. Napangiti naman ako ng mapait bago sumagot sa kanya.

"She is Veronica Estrelle, the greatest love of the general." Sagot ko sa kanya. 

"You have the same name tita." Inosenteng sagot ni Natasha ang anak ni Kuya.

"Yes, do you know that Veronica changed the general's personality?" Tanong ko sa kanya. At her young age 5 years old she is very talkative and she always observe what is happening around her. Napailing siya sa akin.

"Do you want me to tell you their lovestory?" Tanong ko muli sa kanya at ngayon ay napatango siya at ngumiti.

"Okay then...listen..." i stated and begin narrating their lovestory....

Our lovestory.....

Hunyo 1, 2021

Kaka-graduate ko lang ng aking kursong criminology. Nasa bahay lang ako ni Lola kahit bakasyon na dahil hindi ako sumama kila mama sa Switzerland upang dalawin si papa. Dahil sa pagka-inip naisipan kong manood nalang ng movie.

Wala akong magustuhan sa mga English movies ngayon kaya naghanap ako ng mga Filipino movies. Habang nagi-scroll ako nakita ko ang movie ni Paulo Avelino na Goyo: Ang Batang Heneral.

Crush na crush ko tong si Paulo kaya naman dinownload ko ito dahil na rin sa pagka-crush ko sa kanya at hindi ko pa ito napapanood. Yung Heneral Luna ay napanood ko na at nalaman kong sequel nito ang Goyo.

Habang hinihintay na matapos mag-download ay kumain muna ako para hindi na rin mainip dahil sobrang bagal ng pldt gosh!. Habang ako ay kumakain ay pinagmasdan ko itong bahay ni Lola. Pansamantala akong nandito dahil wala rin naman akong kasama sa bahay namin.

Naagaw ng aking atensiyon ang isang painting ng isang babaeng hula ko ay nasa 15 palamang ang age naka upo ito sa isang bato habang tinatanaw nito ang mga bulubundukin. Pinagmasdan ko ito . Napakaganda niya at talagang bagay sa kanya ang kulay rosas niyang baro't saya. Ngayon ko lang napansin ang painting na ito dito dahil na rin sa hindi naman ako ma-obserba sa paligid.

"Oh, Veronica gising ka na pala?"

Halos mapalundag ako sa gulat nang biglang sumulpot si Lola Esmi sa aking tabi.

"Opo Lola kanina pa, saan po ba kayo galing?"

"Galing akong palengke apo, halika na sa hapag at kumain ng aking biniling bibingka." Sagot nito sa akin at nauna nang dumeretso sa dining area. Bago pa man ako pumanhik doon ay pinagmasdan ko muna ang painting.

'sino kaya to?' bulong ko sa aking sarili at tumuloy na sa hapag.
Habang kumakain ay kating kati na akong magtanong kay Lola tungkol sa painting doon sa may malapit sa pinto ng veranda. Pero pinipigilan ko ang aking sarili at tinapos na lamang ang pagkain at bumalik ulit sa may painting. Habang tinigtignan ko ito ay hindi ko maiwasang mamangha.

" Wow." bulong ko.

"Parang manghang mangha ka sa obrang iyan iha." Biglang sabi ni Lola na nasa tabi ko na pala, kaya't muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil sa biglaan na namang pag-sulpot nito.

"Ah, opo Lola ang ganda niya sino po ba iyan?" takang tanong ko rito.

"Yan, ay aking lola sa tuhod si Remedios Nable Jose kapatid ng nanay ng aking Lola na si Dolores." sagot nito sa akin habang nakatitig sa painting. Remedios Nable Jose parang narinig or nabasa ko na iyan ah...

Nag-iisip ako nang sobrang lalim nang bigla kong naalala ang movie'ng dinownload ko. TAMA! nassa description ang pangalan niya siya ang Last Love ni Heneral Del Pilar.

"Lola, hindi ba siya ang huling minahal ni Gen. Del pilar?'' Napahinga naman ng malalim si Lola.

"Yun ay ang akala ng lahat iha.." sagot nito at naguluhan naman ako. Naglakad si Lola patungo sa balkonahe at tinanaw ang kanyang hacienda.

"Una, ang akala nila ay si Lola Dolores at pangalawa naman ay si Lola Remedios pero ang totoo niyan ay hindi apo. Labing lima pa lamang siya ay pumanaw na ito." halos maibuga ko naman ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi ni Lola.

"Bakit naman po? at paano?i mean sino?" gulong gulo kong tanong sa kanya. Ang sinabi sa article na nabasa ko noon ay si Remedios Nable Jose ay ang pinakahuling babaeng inibig ni Goyo at pinangakuan niya ito ng kasal pagkabalik niya ngunit siya ay nabigo dahil namatay siya.

" Marahil ay gulong gulo ka iha. Hayaan mong ipaliwanag ko sayo ang lahat." Wika nito habang tumitingala sa langit.

" 15 years old daw noon si Lola Remedios nang siya ay mahulog sa kanilang hagdan at nabagok ang kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang pag-panaw. Ang akala nila ay siya ang huling pag-ibig ni Goyo. Ngunit ang lahat ng ito'y isang malaking kasinungalingan dahil kahit kailan walang Remedios na nakilala ang batang heneral....halika apo." patuloy ni Lola at inanyayahan akong pumasok sa loob ng bahay.

Habang tinititigan ko ang painting ay napansin ko ang sulat sa ibaba nito. 'Remedios Nable Jose'

"Veronica, iha halika dito" tawag sa akin ni Lola papuntang atique. Ngayon lang ako makapunta dito dahil hindi kami pinapayagan ni Lola na pumunta dito. Pagka-pasok ko ay hindi ko maiwasang mamangha dahil may sofa at parang library pala ito.

"Lola, ano pong gagawin natin dito?"

"Siya ang huling pag-ibig ni Goyo iha. Veronica Nable Jose" pagka-sabi palang ni Lola nito ay agad niyang hinawi ang isang kurtinang nakaharang sa isang painting ng napakagandang dilag na nakasakay sa isang kabayo.

Agad naman akong napatulala ng tignan kong maigi ang painting. A-ako ang babaeng nasa painting. Mula buhok, face features at lahat akong-ako. Tinignan ko naman si Lola na ngayon ay nakangiti sa akin.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon