Kabanata 24

1.7K 77 12
                                    


Veronica's PoV



Maaga akong nagising dahil lilipat ako ngayon sa V.Luna and sa condo kami magi-stay ni Stacey kasi isang oras din ang pagbiyahe namin mula dito sa Taguig hanggang Quezon City. Papalabas na ako ng bahay dala ang aking maleta nang biglang tumawag sa akin si Stacey.



"Hello Dra. Chua?"bungad ko.



"Hello Dra. Flores, where are you na?" tanong niya.



"Nasa bahay pa ako, bakit?" sagot ko.



"Oh. Pasuyo naman marz." saad niya.



"Yeah, sure ano yon?" tanong ko sa kanya.



"May kailangan kase akong medical records ng isang general and nasa PAGH pa kasi yon. I'll call Alliah para siya na maghanap nun and kukunin mo na lang sa lobby." wika niya.



"Oh sure, sige i'll hang up na and papunta na ako doon.Bye." i said before hanging up the call.



Sumakay na ako sa aking kotse at tumungo na sa PAGH. Buti na lang at hindi ko pa nakalimutang magdrive. Dahil hindi masyadong traffic ngayon limang minuto lang ang tinagal ng aking byahe patungo sa PAGH.



"Hi, Doc. May nakalimutan po ba kayo?" tanong sa akin ng isang staff doon.



"Ah. No may pinapakuha lang si Dra. Chua na medical records ng isang patient dito." sagot ko. Tumango naman siya at nagpaalam na.



Habang hinihintay ko sa lobby ng hospital si Alli ay nakita ko si Cpt. Enriquez. Naalala ko naman bigla si Vicente at yung kinuwento sa akin ni Imelda tungkol sa isa pang timetraveler na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung sino.



"Hi Lt. Flores!!" bati niya sa akin. Yes, kaming mga military doctor ay may mga ranks din.



"Hi Captain." bati ko rin sa kanya.



"Kamusta na?" tanong nito sa akin. "I'm doing good naman. Ikaw?" wika ko.



"Eto gwapo pa rin." biro niya natawa naman ako dahil dito. Kabaliktaran niya nga si Vicente.



"May tanong ako." wika ko sa kanya. Napataas naman ang kanyang kilay sa akin.



"Are you by any chance....connected sa family ni Col. Vicente Enriquez? Yung friend ni Gregorio del Pilar if alam mo yun..." i asked him.



"Ah!! Oo kapatid siya ng tatay ng lolo ko. Sa kanya nga naisunod pangalan namin ni Daddy eh." sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko...hindi kaya posible na siya yung timetraveller?



"Cpt. Enriquez, totoo ba yung sinabi nung sundalo sa gate ng headquarters noon sa Bulacan?" tanong kong muli. Natawa naman siya dahil dito.



"Nako. Wag kang maniwala dun Doc. Tinatakot ka lang niya and yung totoong nangyari kasi hindi naman ako pumunta doon, nasa may garahe lang ako." natatawang sagot niya. Napatango na lang ako.



"Nga pala Doc. Anong ginagawa mo dito? Dito ka na-assign?" tanong niya.



"No. May pinakuha lang sa akin si Dra. Chua dito and sa V. Luna kami." sagot ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napataas ako ng kilay sa kanya.



"Ha?! V. Luna?! As in Victoriano Luna Hospital?!" pasigaw na tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.



"Eh ang sabi niya dito siya sa PAGH." kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

 "Sino?" tanong ko.


"Si ano...Dra. Chua." mahina niyang wika. Napangiti naman ako dahil may nasesense akong iba. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Alliah.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon