Kabanata 26

1.7K 66 9
                                    

Author’s Paalala:
So itong PoV ni Goyo or Gregory ay magsisimula sa Battle Above the Clouds or Labanan sa Pasong Tirad. Konting flashback lang muna. Basta basahin niyo nalang dzaih.

Feliz dià de la independiencia La Islas Filipinas!!
__________________________________________

Goyo’s PoV

“Heneral!!Dapa!!!” sigaw ng isang babae at tumakbo ito papunta sa akin at niyakap ako. Sabay kaming bumagsak sa damuhan at nagulat ako nang makarinig ako ng tatlong putok ng baril. Agad naman siyang tumayo at may binaril sa mga talahib na nasa aking likuran kanina.

“Asintado!!” sigaw pa niya na parang ang saya saya niya. Napakunot naman ang aking noo dahil hindi ko akalaing may isang babae na pumunta rito sa habang may gyerang nangyayari.

Biglang tumingin sa akin ang babae at nagulat ako nang mamukhaan ko ito. “Kung tatanungin mo ang aking pangalan ako si Veronica hindi ako espiya at higit sa lahat bumangon ka na diyan at tapusin ag labang ito.” ani niya.

Hindi ako pwedeng magkamali siya si Veronica Estrelle Flores yung trainee. Agad naman akong bumangon ngunit nagulat ako nang bigla niyang itutok sa akin ang kaniyang baril kaya itinaas ko kaagad ang aking mga kamay. Pero hindi ako atamaan nang pinutok niya ito.

Napatingin naman ako sa aking likuran at nakahinga nang malalim dahil sa nakita ko ang isang amerikanong wala nang buhay. Naalala ko na sa oras na ito ay wala na ang tunay na Gregorio del Pilar at patay na rin sana ako kung hindi ako niligtas ng babaeng ito. Ibinalik ko ang aking tingin kay Veronica at nginitian siya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Siya na kaya ang babaeng tinutukoy ni Nanang?

“Tutulungan ko kayo sa labang ito. Tara na.” wika niya. Magsasalita pa sana ako pero nagtungo na siya sa mga kabayo at sumakay sa isa sa mga nandoon.

Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko akalaing siya ang taong magliligtas sa aking buhay. She’s so beautiful.  Natauhan naman ako nang bigla siyang sumigaw.

“Oh? Heneral tara na baka maubos pa ang mga tauhan mo kung tatayo ka lamang riyan!” sigaw niya. Agad naman akong natauhan at naglakad patungo sa isa pang kabayo.

Napatingin ako kina Tisoy at Guerrero bago ako tumingin kay Veronica. “Tara na at tapusin na natin ito.’’ ani ko at sumakay na sa aking kabayo.

Hindi ko lubos maisip kung paano ko nakakayang pamunuan ang brigada ni Lolo Goyo lalo na’t wala pang mga makabagong kagamitan sa pakikipaglabanan. Kailangan kong gawin lahat ng aking makakaya upang mapigilan ang pagdating ng mga Amerikano sa Cervantes upang maprotektahan si Aguinaldo at ang mga tao roon.

Nang makarating kami sa ikatlong transiyera kung saan naroroon si Vicente ay tinignan niya agad ang kasama kong dilag at ibinalik sa akin ang tingin niya na puno ng pagtataka.

“Goyong sino siya?” tanong niya sa akin at ibinaling muli ang tingin niya kay Veronica.

“Niligtas niya kanina ako nang muntik na akong mabaril ng mga amerikano.”  sagot ko sa kanya.

“Sigurado ka bang hindi siya espiya ng mga kano?” tanong niya ulit. mahina akong tumawa bago sumagot sa kanya.

“Hindi sigurado ak---” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makarinig kami ng tatlong putok ng baril mula kay Veronica.

“Asintado!!” sigaw niya. Napatulala kami ni Vicente dahil mukhang napatay na niya ang heneral sa kabilang panig.

“Tama ka nga...hindi siya espiya.” bulong sa akin ni Vicente na nakatulala pa rin kay Veronica. Napalunok ako dahil hindi ko akalaing mahusay siya sa pagbaril.

“Ano mga ginoo titigan niyo lamang ako? Lumaban kayo wala na ang kanilang utak!” sigaw niya sa amin. Natauhan naman kami ni Vicente at agad kumilos.

“Wala na ang una at sa ikalawang transiyera ay sina Juan na lang ang natitira. Si Kapitan Garcia napuruhan din pero nakuha na siya nina Guerrero upang dahil sa ligtas na lugar.” hingal na hingal na wika ni Vicente.

“Kaya natin to.” sagot ko sa kanya. Naging madali ang labanan dahil wala na ang kanilang utak. Natalo ang pwersa ng mga amerikano.

Mataas pa ang sikat nang araw nang bumalik kami sa kampo. Napansin ko naman kanina pa nahihirapan si Veronica maglakad dahil siguro sa pagod. Tutulungan ko sana siyang buhatin ang hawak niyang bag pero napatigil siya sa paglalakad.

“Uhmm Tinyente, mukhang ikaw ay natamaan ng bala.” wika niya kay Vicente. Napatingin naman ako sa braso ni Vicente, tama nga siya at mukhang marami nang nawalang dugo.

“Halika.” aniya at naglakad patungo sa isang malaking bato. Binuksan niya ang kanyang dalang bag at nagulat ako dahil mayroon itong mga laman na alcohol at  iba pang gamit pangmedisina mula sa modernong panahon.

“Heneral maari mo ba akong ikuha ng maligamgam na tubig at pamunas?” wika niya sa akin. Tumango lamang ako at naghanap ng pwedeng kuhaan ng mga ito. Mabuti na lang at may malapit lang na bahay mula rito kaya may nahingan ako.

Nang makabalik ako ay agad niyang hinugasan ang sugat ni Vicente. “Medyo masakit at mahapdi ito ginoo.” wika niya.

Kinuha niya ang suot niyang balabal at ginupit niya ito ng tatlong bahagi. Pinakagat niya kay Vicente ang isang piraso bago tanggaling ang bala. Napapadaing naman si Vicente lalo na nung nilagyan na niya ito ng alcohol pagkatapos niyang tahiin ang sugat.

“Yan tapos na. Tatanggalin ko ang tahi pagkalipas ng isang linggo pero dapat ay palagi iyang mahugasan upang hindi maimpeksiyon” pagpapa-alala ni Veronica. 

“Binibini sino ka? at paano mo natutunang gumamit ng baril at manggamot? Kakaiba rin ang iyong mga gamit.” wika naman sa kaniya ni Vicente.

Napatitig ako sa kanya. Ano kayang irarason niya? Matalino siyang babae dahil sa mga ginawa niyang estratehiya kanina. Napatikhim naman siya at umiwas ng tingin bago sumagot.

“Ah..yun ba? Ako si Veronica Nable Jose. Nagmula ako sa Norte naglalakbay kami noon ng aking tiya nang mabihag siya ng mga kawatan at ako ay tumakas kaya napadpad ako rito sa Pasong Tirad. Mahigit dalawang araw na akong nagpapalaboy-laboy dito. Yung paggamit ko ng baril ay natutunan ko lang sa aking Tiyo na ngayon ay yumao na. Tas itong mga gamit at pangagamot ay......” paliwanag niya.

“Ano?”

“Ano?”

Sabay naming tanong sa kaniya ni Vicente.

“Napapanood ko lang ang aking tiya na gawin iyan at ang mga gamit ko ay inimbento ko lamang. Wag kang mag-alala safe---este ligtas iyan hindi ka mamamatay hehe.”

Muntik naman akong matawa dahil sa sinabi niyang inimbento niya ang mga ginamit niya. Matalino nga siya dahil nakagawa siya ng alcohol at betadine. SANA ALL.

“Kung gayon Veronica wala kang mapupuntahan mabuti pa’y sumama ka na sa amin papuntang kampo. At maraming salamat sa panggagamot.” nakangiting tugon sa kaniya ni Vicente. Nauuna naman kaming naglakad ni Vicente.

Napatingin naman ako kay Veronica nang maramdaman kong napatigil siya sa paglalakad. May inilabas siyang tubig, pamunas, suklay at salamin mula sa kanyang dalang bag, inayos niya saglit ang kaniyang sarili. Napatitig naman ako sa kanya, naiiba talaga ang kanyang kagandahan.

Kung nagpakilala sana ako sa kanya noong nasa headquarters pa ako sa Bulacan, maalala kaya niya ako?

Palagi ko siyang nakikita lalo na kapag tapos na ang kanilang daily training at bumabalik na siya sa medicube pero ni minsan hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nang napatingin siya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

“Ika’y napakaganda pala binibini kapag maayos ang iyong itsura pero kahit madungis pa ang iyong mukha ay nangingibabaw parin sa iyo ang kagandahang taglay mo.’’ wika ko sa kanya.

“Ah heneral wag mong gamitin sa akin ang iyong matatamis na linyata na nagamit mo na sa iba’t ibang babae...at wag mo kong itulad sa kanila” nakangiting sagot niya sa akin.

Napatawa naman ako ng mahina. Mukhang ang alam niya ay ako ang tunay na Goyo na palikero.

“Hmmm... Goyo na lamang binibini at ika’y huminahon sa pagkat hindi kita itutulad sa kanila dahil ika’y nag-iisa at ikaw ang pinakamatapang na babaeng nakilala ko.” seryosong wika ko sa kanya.

Napaatras naman siya at muntik na siyang madapa dahil sa gulat pero agad ko naming nahawakan ang kanyang bewang upang hindi siya tuluyang masubsob sa lupa. Napatingin kami sa mata ng isa’t isa at parang bumagal ang takbong ng oras at parang may dumaloy na kuryente sa aking katawan.

Natigil ang tagpongiyon nang bigla akong tawagin ni Vicente. Napatikhim lamang ako at ngumiti kay Veronica bago tuluyang magtungo sa kinaroroonan ni Vicente.

“Kakaiba ang pagtitig mo kay Veronica. Wag mong sabihing tinamaan ka na.” bulong niya sa akin.

Napangiti naman ako sa kanya at inakbayan siya. “Balang araw, makukuha ko rin ang matamis niyang OO.” wika ko sa kanya.

“Susuportahan kita riyan.” sagot niya sa akin at nagpatuloy na kaming maglakad.

At hindi naman ako nabigong makuha iyon.

__________________________________________

: )






Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon