Kabanata 14

2.1K 87 24
                                    


Veronica's PoV

Nagising ako dahil sa init na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tinitigan ang kisame upang magising ang aking diwa. Nang okay na ako ay nagtungo ako sa banyo ng kwarto at naligo, pagkatapos kong maligo ay pumili ako ng susuotin. Pagkatapos kong magbihis ay nagtungo muli ako sa aking kama at inayos ito.

Habang nag-aayos ay may napansin ako liham sa ilalim ng kama ko. 'Veronica Estrelle' iyan ang nakasulat sa ibabaw ng envelope kaya agad ko itong binuksan at binasa ang laman niya.

Mahal kong apo,
Alagaan mo ang iyong sarili. Wag kang masyadong mag-alala sa hinaharap dahil tama lahat ng iyong ginagawa riyan. Gawin mong makabuluhan ang bawat araw na lumilipas. Sa oras na bumalik ka sa hinaharap alam kong labis kang mag-daramdam sapagkat maiiwan mo ang iyong minamahal. Wag kang mag-alala dahil puro ang pag-ibig na kanyang ipinapakita. Aayon ang tadhana....

Esmeralda Tatiana.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa iniwang liham sa akin ni Lola Esme. Sana nga'y totoo ang huling linya ng sulat. Alas sais pa lang ng umaga kaya napagdesisyunan kong bumaba na. Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi habang papababa ng hagdanan. Napawi ang ngiti ko nang makita si Felicidad na kausap ni Goyo sa salas. Ano na namang ginagawa niyan rito?

Napatingin si Goyo sa gawi kaya nag-iwas kaagad ako ng tingin. At dahil attitude ako, nilagpasan ko lang sila at dere-deretsong nagtungo sa labas ng bahay na naka-busangot. Nakita ko roon sina Carmela na may hawak na nilagang kamote.

Linapitan ko sila at nagtanong. "Carmela? Bakit nandito si Felicidad?" napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Ah yun ba? Ewan ko bumalik siya eh ang sabi may naiwan siyang gamit pero nung naglinis kami sa kwartong tinuluyan nila ay wala namang mga naiwan doon." tugon niya.

"Tama, hindi ko nga gusto ang presensiya niya eh." wika naman ni Imelda na kakarating lang din kagaya ko mukhang bagong ligo rin siya. "Tama nga kayo...ayaw ko rin sa kanya." ani ko at natawa kaming tatlo. Presenting ang mga attitude ng 1900, charot.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumeretso sa hapag kainan ng bahay. Nakabusangot pa rin ako hanggang ngayon, napairap naman ako dahil magka-tabi pa sila Felicidad at Goyo sa hapag. Padabog naman akong umupo sa harap nila katabi ko si Joven na parang nagulat sa nangyari.

"Oh iha? anong problema bakit parang galit ka?" tanong sa akin ni Lola Mysterious. Napangisi naman ako ng sarkastiko bago sumagot. "Nakakita po kasi ako ng higad kanina kaya ayun nawala bigla ang saya ko." walang emosyon kong sagot at tinignan si Goyo.

"Higad na naman?" mahinang wika ni Goyo pero narinig ko. "Oo bakit may problema ka?" mataray na tanong ko sa kanya. Napatikhim naman siya at yumuko na lang. Anong akala niya nakakatawa yang pakikipag-usap niya sa ex niya?? tsk.

Pagkatapos ng agahan ay agad akong bumalik sa kwarto at nagkulong muna doon dahil wala ako sa mood. Nakakainis kasi siya ang lakas ng loob na makipag-usap sa ex at sa harap pa ng nililigawan niya. Wengya. Sa inis ko ay nasipa ko iyo ibaba ng aparador ko at bumukas siya.

Nilapitan ko ito at nagulat ako sa nakita ko, yung gitarang ibinigay sa akin ni Lola noon na kulay kahel. Wow, hanggang dito ba naman narito siya. May nakasulat na Estrelle sa likod niya kaya alam kong sa akin to. Paano kaya yun? Baka dinala ni Lola dito...may magic ba siya? Kinuha ko ito at nagtungo sa azotea upang tumugtog.

"Sandali na lang, maari bang pabigyan.
Aalis na nga, maari bang hawakan.
Ang iyong mga kamay...sana ay maabot ng langit.
Ang iyong mga ngiti...sana ay masilip."

"Huwag kang mag-alala di ko ipipili---TANGINA!" hindi ko natapos ang kinakanta ko dahil biglang may gumulat sa akin.

"Punyeta...namura pa ako." wika ni Goyo na ngayon ay nakatayo sa likod ko. Hinarap ko naman siya.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon