-Kabanata 15-

2K 77 5
                                    

Veronica's PoV

Lumipas ang mga linggo at sa awa ng Diyos ay naging maayos naman ng aming pag-sasama ni Goyo. Kasalukuyan ako ngayong nasa hardin upang tignan ang mga tanim na rosas nang may biglang sumulpot na kabute este babae.

"Ang gaganda ng mga rosas dito noh?" ani ni Felicidad.

"Tama nga napakaganda lalo na't sariwa." wika ko sa kanya.

"Sariwa nga...pero bakit yung ibang bulaklak tinatapon eh maganda naman."dagdag pa niya. Mukhang may ibang kahulugan yung sinasabi niya.

"Baka naman hindi sariwa kaya tinapon." nakangiti kong wika sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya. "Tama ka nga. Wag ka lang magpapatapon." sarkastiko niyang sabi. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti bago magsalita.

"Wag kang mag-alala binibining Felicidad dahil maganda naman ako at sariwa hindi gaya ng....ibang bulaklak diyan, maganda nga hindi naman sariwa." pagkasabi ko rito ay tumalikod na ako at nagtungo sa loob ng bahay.

Nanatili lamang ako sa loob ng kwarto dahil wala sina Goyo dahil bumaba sila ng bayan upang dumalo sa isang pagpupulong. Naging tahimik rin ang buong Luzon dahil sa naging magandang ugnayan ng bansa at Estados Unidos. Dahil wala rin lang naman akong magawa, kinuha ko ang aking talaarawan at nagsulat bago pa ako mabaliw sa pagkaboring.

Enero 24, 1900

   Isang linggo at isang buwan na lang ay babalik na ako sa aking tunay na panahon. Alam kong mahihirapan ako dahil sobrang napamahal na ako sa mga tao rito. Nagkaroon ako ng mga kaibigan na itinuturing akong kapatid, nagkaroon ako ng pangalawang ina at higit sa lahat nakatagpo ako ng tunay na pag-ibig. Kung hindi ko man mapipigilan ang oras at tadhana sana manlang ay sa susunod kong buhay ay kami pa rin ang itinadhana.

Veronica Estrelle

Pagkatapos kong mag-sulat ay biglang may kumatok sa aking pintuan. "Pasok.."  mahinahon kong sabi habang tinatago ang talaarawan ko.

"Ate Nika..." napatingin naman ako kaagad kay Angelita na umiiyak ngayon habang hawak hawak ang kanyang saya. Agad ko naman siyang dinaluhan dahil nag-aalala ako sa kanya para na namin siyang anak anakan dito.

"Oh bakit Angelita?Anong nangyari?" tanong ko. "S-si Teresa p-po k-kasi eh t-tinulak ako." hikbi niya. Si Teresa ay yung batang anak ng isa sa mga sundalo dito ka-edad lang siya ni Anglita. "Halika, puntahan natin." aya ko sa kanya at dere-deretso kaming bumaba. Nagtungo kami sa hardin kung saan naroon si Teresa.

"Teresa...." mahinahon kong tawag sa bata habang si Angelita ay nasa likod ko. "Bakit po Ate Nika??" natatakot na wika sa akin ni Teresa.

"Anong nangyari??" tanong ko sa kanya. "K-kasi po si A-angelita tinapon y-yung mga dahon ko." naka-pout na sabi niya sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya at ni Angelita.

"Hayst mga bata...kung maglalaro kayo huwag kayong mag-away, at kung may hindi kayo magka-intindihan ay mag-usap kayo. Naiintindihan niyo ba?" pangaral ko sa kanila. "Opo ate." magalang na tugon nila sa akin.

"Anong sasabihin niyo sa isa't isa?" ani kong muli. "Pasensya na Angelita." wika ni Teresa kay Angelita at niyakap ang kaibigan. "Pasensya na rin Teresa." ani rin ni Angelita at niyakap rin ang kaibigan.

Napangiti naman ako dahil nagka-ayos na ang dalawang bata. "Mahilig ka sa bata, mahal." nagulat ako sa pagsulpot ni Goyo sa aking tabi at hinawakan niya ako sa bewang. Kabute ka ghorl?

"Ah oo." tipid kong sagot sa kanya. "Kung gayon gumawa tayo ng dose." bulong niya sa akin. Napaigtad naman ako at hinapas siya sa braso. "Hay nako, napakapilyo mong nilalang." wika ko.

"Mahal mo naman." wika pa niya at namula ang aking mukha dahil doon. "Sabi mo eh." wika ko at inaya nang umuwi sa bahay si Angelita habang si Teresa ay umuwi na rin dahil nagbabadya nang umulan.

Nagtungo kami kaagad sa hapagkainan kung saan naroon na ang lahat. Napansin ko namang may isang matandang babae na nakaupo sa tabi ni Vicente.

"Magandang hapon po." wika ko sa kanya. "Magandang hapon rin iha." ngumiti lamang ako sa kanya at umupo na sa tapat niya habang si Goyo ay naupo rin sa tabi ko.

"Ina, nais ko pong ipakilala sa inyo si Veronica ang aking kasintahan." nagulat ako dahil sa sinabi ni Goyo. Ina?? so it means siya si Doña Felipa? Naks shet di ako ready sa meeting the parents portion dahil wala naman akong ipapakilala sa kanya.

"Nagagalak akong makilala ka Veronica, ako si Felipa del Pilar. Alam mo bang ito ang unang beses na ipakilala sa akin ni Goyo ang kasintahan niya?" wika niya sa akin. Matanda na siya pero nangingibabaw pa rin ang kagandahan niya.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon