Kabanata 18

1.8K 79 16
                                    


Veronica's PoV

Sobrang aga kong nagising, tinignan ko ang antigong orasan na nasa loob ng aking kwarto alas kwatro pa lang ng madaling araw. Nagtungo ako sa banyo ng kwarto upang maghilamos. Nang matapos ako ay kinuha ko muna ang aking talaarawan at naupo sa kama upang mag-sulat.

Pebrero 14, 1900
        Kahapon ay bumisita kami sa bagong bahay nina Carmela. May nalaman akong isang kwento tungkol sa Ilog ng Pag-asa at sa isang binatang nanggaling sa hinaharap na kagaya ko at napunta sa panahong ito bilang isang sundalo. Ang sabi sa akin ni Lola ay nandito parin daw siya at nasa paligid lang namin siya. Ang hula ko ay si Vicente pero malabo dahil matagal na siyang kilala nina Carmela at kasabay pa nitong lumaki si Goyo. Naalala ko iyong sinabi sa akin ni Sgt. Gomez noon na nagpunta raw si Cpt. Enriquez sa likod ng campo sa Bulacan at wala itong malaya na natagpuan, ngunit isa ako sa mga nag-asikaso sa kanya noon ang sabi niya nahilo lang daw siya...so malabong siya yung binatang napadpad dito. Gulong-gulo na ako. Sino ba siya? at bakit siya nandito?

Veronica Estrelle.

Pagkatapos kong mag-sulat ay muli kong itinago ang talaarawan ko sa loob ng aparador. Mahirap na baka may makabasa pa ng mga nilalaman. Nakaramdam ako ng uhaw kaya kinuha ko ang isang lampara at nagtungo sa kusina upang makakuha ng maiinom. Dahan-dahan lamang ang aking paglakad hanggang sa kusina dahil tulog silang lahat sa loob ng bahay kaya ayaw kong makaistorbo.

"Ay! Palaka!" sigaw ko nang biglang may humawak sa aking balikat.

 "Ang gwapo ko namang palaka." nakilala ko naman agad kung sino ang taong gumulat sa aking.

"Ang aga mo yatang gumising," wika sa akin ni Goyo. 

"Bakit bawal?" pamimilosopo ko sa kanya natawa naman siya dahil sa sinabi ko.

"Kay aga aga namimilosopo ka na naman." ani niya at niyakap ako mula sa likod. Ito ang palagi niyang ginagawa sa akin and it's my comfort. 

"Eh ikaw, bakit ang aga mong gumising?" tanong ko sa kanya.

 "Bakit bawal?" panggagaya nito sa akin. Kumawala naman ako sa kanya at hinarap siya. Tinignan ko siya ng matalim bago tumalikod at inilagay ang ginamit kong baso sa hugasan.

"Biro lang, sasamahan kasi namin ni Vicente si Nanang Amanda sa bayan upang bumili ng mga sahog sa iluluto niya mamaya." wika niya. Pupunta sila sa bayan? Parang gusto kong sumama nababagot na kasi ako rito.

"Sama ako. Anong oras ba tayo aalis?"  tanong ko sa kanya. 

"Mamayang alas singko bababa na tayo upang alas sais ay makakadating na tayo sa pamilihan." wika niya.

"Areglado! sige maliligo na ako." paalam ko sa kanya. Aalis na sana ako pero hinila niya ako pabalik at dinampihan ng halik sa aking labi.

"Nakakarami ka na ng nakaw na halik, heneral." ani ko sa kanya at kumaway papaalis.

Nagsuot lamang ako ng simpleng baro't saya parang beige ang kulay niya. Nagdala rin ako ng pera dahil baka may makursunadahan akong bilhin doon. Bago ako bumaba ay pinasadahan ko muna ang aking sarili sa salamin.

Napako ang tingin ko sa suot kong kwintas, yung ibinigay sa akin ni Goyo. Dadalhin ko to hanggang sa bumalik na ako sa tunay kong panahon. Nang makuntento na ako na tignan ang napakaganda kong sarili charot, ay bumaba na ako. GGSS ka beh?

"Mga babae nga naman kay tagal mag-ayos ng sarili." pagpaparinig sa akin ni Goyo.

 "Ano?" tanong ko sa kanya.

"Ang sabi ko maganda ka pa sa umaga." banat niya sa akin sabay kindat. Napangiti naman ako sa kanya.

"Kaya mahal kita eh." natatawang wika ko sa kanya. Napatikhim naman si Vicente na ngayon ay nakasakay na pala sa kanyang kabayo gayundin din si Lola Mysterious na nakasakay na rin sa isang itim na kabayo. Wow? Sa tanda niyang niyan kaya pa niya.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon