Kabanata 13

2.3K 97 34
                                    

Veronica's PoV



Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Gulat na gulat ako sa aking nakikita, si Goyo buhay na buhay. 

Ngunit sabi nga nila kung may hindi pa nasasabi ang isang yumao mumultuhin ka daw niya, siguro'y may hindi pa nasasabi sa akin si Goyo o baka naman may gusto siyang marinig mula sa akin. Nakatitig lang sa akin si Goyo habang nakangiti, nakasuot siya ng puti niyang uniporme.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Goyo...alam kong gusto mo nang mamayapa at yun rin ang gusto ko para sa kaluluwa mo. At kung narito ka man dahil may gusto kang marinig mula sa akin eto sasabihin ko na...MAHAL KITA GOYO!!" napapikit ako dahil sa nasabi ko. 

"Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa heneral." dagdag ko pa. Napamulat ako nang biglang humalakhak ang multo ni Goyo.

'Halah!Lord, pati ba naman multo tumatawa?'

Bigla akong tumili at napapikit nang hinawakan niya ang aking balikat. Oo, hindi ako takot makipagbarilan o sa dugo kahit nga mag-opera ako okay lang pero jusko multo! hindi ko kaya. 

"Mag-hunos dili ka binibini." mas napatili pa ako nang mag-salita siya.

"Alam ko naman gusto mo ako pero bakit mo ako minumulto? Goyo, kung hindi ka namatay sasagutin naman kita ehh.." wika ko habang naka-pikit pa rin ako. 

"Mabuti naman kung ganoon." natatawa niyang sabi sa akin. Bigla naman akong natauhan. Kung multo siya edi sana hindi niya ako nahahawakan diba? Unti-unti kong dinilat ang aking mata.

"Veronica...hindi ako multo, totoo ako. Nailigtas ako ng isang matanda mula sa aking pagkakahulog. Kumalma ka." nagulat ako dahil sa kanyang sinabi. Kung ganon' buhay siya?

"Goyo?! Buhay ka?!" gulat na gulat kong tanong sa kanya ngumiti naman siya bago sumagot. 

"Oo, buhay na buhay aking binibini." wika niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at hinawakaan ko pa siya sa braso. O to the M to the G! he's real at huli na nung maalala ko yung sinabi ko kanina. I confessed my feelings for him na wala sa oras.

"Ah eh...a-ano.. m-mabuti n-na lang a-at n-nakaligtas ka h-hehe." nauutal kong wika sa kanya at namumula na yata ang aking mukha dahil sa kahihiyaan. Pero di ko naman alam na buhay talaga siya. Napatingin naman ako sa kamay niya doon ko lang napagtanto na hawak niya ang panyo at tulang inilagay ko noon sa ibabaw ng kanyang kama.

"Veronica...y-yung sinabi mo kanina?" namula naman siya sa kanyang sinabi at napakamot sa kanyang batok. Kinikilig ba ang heneral?

Hindi ko naman alam ang aking isasagot sa kanya. Umamin na ako ano pa nga bang gagawin ko? Ide-deny ko pa ba? Tumingin ako ng diretso sa kanyang mata bago lumapit at niyakap siya.

Nabigla naman siya sa aking ginawa, bahala na. Hinarap ko siya muli at tinignan sa mata. "Goyo....m-mahal kita at wag mo nang uulitin 'yon dahil ikamamatay ko ito." wika ko sa kanya at nagsimula na namang mag-unahan ang aking mga luha. Agad niyang pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang hinlalaki at hinalikan niya ako sa noo.

"Huwag kang mag-alala Veronica, pangakong hindi na kita muling iiwan." wika niya habang niyayakap ako.

Wala na akong ibang maisip kundi ang mahalin siya habang nandito pa ako. Masakit mang isiping baka isang araw gumising na lang akong nasa kasalukuyan na ako. Ngunit ang sabi ni Lola Mysterious 'Baka umayon ang tadhana sa inyo.', hindi namang masamang umasa na sana maki-ayon ang tadhana sa amin.



"Mahal kita, aking heneral." bulong ko sa kanya habang yakap yakap namin ang isa't isa. "Mahal rin kita, mi amore."



Kakabalik lang namin sa bahay at sinalubong agad ako ni Carmela na parang nagmamadali.
"Veronica, saan ka ba nanggaling kanin--- GOYONG?!" nabitawan naman niya ang hawak niyang bilao at napa-sign of the cross nang makita kung sino ang kasama ko.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon