Kabanata 25

1.7K 61 1
                                    


3rd Person's PoV



"Everyone attention!" sigaw ni Cpt. Enriquez sa kanyang pinamumunuang battalion. "Today, we will be meeting Gen. Gregory del Pilar he will be our new Commanding Director of our headquarters here in Bulacan. Is that clear?!"



"Sir! Yes!Sir!" sabay sabay na sagot ng mga sundalo. Nagkaroon sila ng kaunting pagtitipon dahil sa pagdating ng heneral sa kampo.



Si Gregory del Pilar ay isa sa mga magaling na sundalo sa bansa at siya ang pinakabatang heneral sa henerasyong ito.Madaming mga babae ang nahuhumaling sa heneral dahil sa itsura at kakisigan nito.

Nagmula siya sa mga angkan ng del Pilar kung kaya't hindi maipagkaila ang kakaibang kagwapuhan na taglay ng binata. Ubod ng kaseryosohan ang binata kaya wala masyadong lumalapit sa kanya dahil nga raw may pagkasuplado.



Pagkatapos ng pagtitipon ay nagtungo ang heneral sa kanyang nakatakdang silid upang magpahinga. Ang kanyang silid ay mayroong maliit na terasa at nag-iisa lamang siya roon.

Napagpasiyahan niyang magpahangin muna saglit, habang siya ay nakatanaw sa ibaba ay napansin niya ang isang dalagang nakasuot ng itim na bestida na naglalakad sa harap ng medicube ng kampo.



Papalubog pa lang ang araw kaya medyo maliwanag pa. Tumigil saglit ang dalaga at inayos ang kanyang buhok at aksidenteng nagtama ang mga mata nila ng heneral ng tumingin siya sa taas. Biglang naging mabagal ang galaw ng kanilang paligid kahit na sandali lamang silang nakatinginan. Sa loob loob ng binatang heneral ay nagagandahan siya sa dalaga.



Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagtungo muli sa baba ang binata dahil napagpasiyahan niyang maglibot libot muna sa kampo. Napag-alaman rin niyang ang dalagang iyon ay isang doktora na nagnga-ngalang Veronica Estrelle Flores at kasalukuyan siyang nagsasanay bilang isang army doctor. Lumipas ang mga araw at mas lalong nahuhulog ang heneral sa dalaga.



Hindi man niya ito nakausap man lang kahit isang beses sa loob ng dalawang buwan na pananatili niya roon dahil busy siya sa trabaho ay hindi pa rin niya makalimutan ang mala-anghel na mukha ni Veronica.

Nailipat si Gregory sa kampo sa Nueva Ecija at hindi niya aakalain na sa pagtungtong niya sa lugar na iyon ay mababago bigla ang kanyang buhay.Habang nagjo-jogging si Gen. del Pilar sa likod ng kampo kung saan matatagpuan ang Ilog ng Pag-asa ay may lumapit sa kanyang isang matandang babae.



"Ginoo, nais mo bang makabalik sa nakaraan?" tanong ng matanda. Nagulat naman ang heneral dahil sa kanyang narinig. 'Bumalik sa nakaraan?' ang tanong niya sa kanyang isip.



"Po?" ani ng binata. Napangiti naman ang matanda.

"Ikaw ang apo sa talampakan ni Julian del Pilar, ang pang-ikatlong henerasyon. Apo ka ni Gregorio del Pilar ang kapatid ng iyong Lolo Julian, hindi nga maipagkakaila na kamukhang kamukha mo siya at ang pangalan mo ay nakasunod sa kanyang pangalan." saad ng matanda.



"Ano po ang inyong punto?Sino po kayo at ano ang inyong tunay na kailangan sa akin?" tanong ni Gregory.



"Napakarami mong katanungan kung kaya't dederetso na ako sa aking punto. Ako si Amanda tawagin mo akong Nanang Amanda, sa akin humiling ang Lolo Goyo mo bago siya namatay. Ang kanyang hiling ay sa magkakaroon siya ng kamukha sa ikatlong henerasyon ng pamilya del Pilar na maggagaling sa angkan ng kuya niyang si Julian at ikaw iyon." Pagpapaliwanag ng matanda.



"At ang lalaking iyon ay ang siyang nakatakda na bumalik sa nakaraan upang baguhin ang kaniyang kapalaran. Ikaw ang nakatakdang bumago sa kapalaran ng iyong Lolo Goyo....Greg." dagdag ng matanda.

Nagulat naman ang heneral sa kanyang narinig. Gusto man niyang isiping baliw na ang matanda pero kilala niya ang kanyang Lolo Julian at kung sino siya.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon