Epilogo

2.7K 111 24
                                    


Imelda's PoV (after Goyo/Greg and Veronica's death year 1900)

"Nahanap niyo sila?" tanong ni Carmela kina Tisoy at Vicente na kakarating lang.

"Hindi pa." wika ni Vicente na kakatapos lang uminom ng tubig. Hindi ako makaimik dahil alam ko kung nasaan na sila.

Maaring nakabalik na sila sa kanilang panahon. Oo, alam ko ang kanilang sikreto sa hindi sinasadyang pagkakataon. Ang sikreto na dadalhin ko hanggang sa aking kamatayan.

"Nahanap na sila!!! Kolonel Enriquez!! Nahanap na po sila!!" sigaw ng kararating na sundalo. Napatyao naman kaming lahat.

"Nasaan na sila?" tanong ni Vicente .

"Nasa dulo po ng ilog." sagot ng sundalo.

Agad kaming nagtungo roon ngunit pareho lamang kami ni Tisoy na tahimik. Alam kong alam niya rin dahil nakatala ito sa talaarawang iniwan sa akin ni Veronica. Mahigit tatlumpong minuto kami naglakbay bago makarating sa kinaroroonan nila, ang kanilang walang buhay na katawan.

Hindi ko mapigilang mapahagulgol nang makita ko ang mga ito pero sa loob ko'y masaya ako dahil alam kong nakabalik na sila sa panahong kanilang tunay na pinanggalingan.

Isang linggo ang kanilang naging burol dito sa mansiyon ng mga Nable Jose, nandito rin ang pamilya ni Goyo. Napagdesisyunan ng lahat na ilibing ang kanilang mga labi sa mismong hardin upang mabisita pa rin namin sila anumang oras.

"Imelda, pumasok ka na mamaya." wika sa akin ni Juan at nauna na siyang pumasok sa loob.

Kasalukuyan ako ngayong narito sa likod ng bahay, hawak-hawak ko ang talaarawan ni Veronica kung saan nakatala lahat ng kanyang mga sikreto at masasayang alala rito. Susunugin ko ito gaya ng bilin ni Veronica na nakasulat sa liham na iniwan niya sa akin kasama ang talaarawan.

Imelda,
     Lubos akong nagpapasalamat na ikaw ay aking nakilala. Nagkaroon ako ng kaibigan at kapatid sa panahog ito dahil sa inyo ni Carmela. Maaring hindi ako makakapagpa-alam ng maayos sa inyo kung kaya't nais kong iparating mo kay Carmela ang aking pamamaalam. Nga pala kay Carmela na ang sagot ko sa kanyang katanungan ay Estrella. Wag kang mag-alala dahil kailan man ay hindi ko kayo makakalimutan. Sa oras na mabasa mo ang liham na ito ay may nais sana akong ipagawa sa iyo, ito ay ang pagsunog mo sa aking talaarawan. Sunugin mo ito sa likod ng aming mansiyon kasabay ng pagtatakipsilim. Alagaan mong mabuti ang iyong sarili. Adios.

Veronica Estrelle Flores.

Habang pinapanood ko ang unti unting pagiging abo ng talaraawan ay bumabalik sa aking isipan ang mga masasayang alaala namin. Isa lang ang hiling ko sa mga oras na ito yun ay ang pagtatagpo muli ng kanilang landas ni Goyo sa kanilang panahon at ang maging masaya sila.

Paalam aking kaibigan, hanggang sa muli.

Veronica's PoV

"OMG!!Arayyy!!" sigaw ni Stacey nang matalisod siya habang umaakyat kami dito sa Pasong Tirad.

Lumapit naman sa kanya si Vincent at itinayo ito. "Mag-iingat ka kasi palagi ka na lang nadadapa." wika niya kay Stacey.

"Pake mo ba!" bulyaw sa kanya ni Stacey at tumalikod na. "Wow!! Thank you ah!!" sigaw naman pabalik ni Vincent.

Nag-aaway na naman sila. Narito kami dahil nag-aya si Goyo, ewan ko ba kung ano trip niya eh last week katatapos lang ng aming honeymoon sa New Zealand. Isang buwan kaming nag-stay doon and yes, kasal na kami.

I smiled when we already reached the peak of Tirad Pass. "Wow! ang ganda." manghang manghang wika ni Stacey habang kumukuha ng pictures.

"Sana pala sumama ako noong nagpictorial kayo dito." dagdag niya. We took our photo together kahit kulang kami ng isa.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon