Kabanata 19

1.9K 90 29
                                    


Veronica's PoV

"Tara na kasi.." pagpupumilit ko kay Goyo. Kasalukuyan kami ngayong nasa ka-niyugan (coconut farm). Pinapunta kami dito ni Lola Mysterious upang kumuha ng mga niyog para sa gagawin niyang ginataan.

"Mamaya na dito muna tayo. Ayaw mo bang kasama ako?" wika niya sa akin. Kanina ko pa siya pinipilit na umuwi na dahil nakakatakot yung daan pabalik pero ang ginawa niya nahiga lang siya sa bangko.

"Palagi naman tayong magkasama." ani ko naman. Nakita kong may isang kabayo pang kulay itim na nakatali sa tabi nung brown na kabayo na ginamit namin kanina.

"Kaninong kabayo iyon?" tanong ko sa kanya, tinignan naman niya yung kabayong itinuturo ko. 

"Sakin..bakit?" tanong niya.

Ngumiti ako. "Pahiram." wika ko at tumakbo papalapit doon. 

"Veronica, marunong ka ba?! mag-iingat ka!" sigaw niya sa akin habang hinahaplos ko ang mukha nung kabayo. Nang mapa-amo ko ito ay sumakay na ako, medyo naging mahirap nga lang dahil nakasuot ako ng baro't saya.

Sobrang saya ko dahil sa wakas ay nasanay rin ako kahit nalilislis ang aking suot na baro't saya. Nakarating ako sa isang talampas at mula dito ay natatanaw na ang Tirad Pass. Muling nagbalik sa akin lahat ng alala nung unang araw ko dito.

"Napakabilis mong magpatakbo ng kabayo." hingal na hingal na wika ni Goyo na sumunod sa akin sakay nung brown na kabayo niya. 

 "Sanay akong mangabayo noh," wika ko. Tumawa naman siya at doon ko lang narealize na double meaning pala yung sinabi ko.

"At magaling naman akong magpaputok habang nangangabayo." ani niya. Napanganga naman ako dahil iba ang pumasok sa aking isipan. Halah Lord! inosente po ako promise.

"Kung ano man iyang iniisip mo binibini...marahil ay tama." natatawa niyang wika.

 "Ha? anong sinasabi mo?" inosente kong tanong sa kanya. Umiling lang siya sa akin.

"Tara na nga. Baka kung ano pang masabi mo riyan." wika ko at nauna nang bumalik sa lugar kung saan namin iniwan ang mga niyog. Pagkadating ko roon ay bumaba agad ako at itinali ang itim niyang kabayo. Bumalik naman ako sa bangko at binitbit ang dalawang niyog.

"Ano?" tanong ko sa kanya nang lumapit ako sa kinaroroonan nito. 

"Wala, halika na nga." ani niya. Tahimik kaming dalawa hanggang sa makadating na kami sa mansiyon.

"Anong nangyari diyan sa paa mo Veronica?" nag-aalalang wika sa akin ni Imelda. Napatingin naman ako sa aking paa. Nasugat pala ako, hindi ko manlang naramdaman ang hapdi nito. Manhid hanggang mamatay.

"Ah, ewan ko hindi ko din alam eh." tugon ko sa kanya dahil hindi ko din naman kung anong nangyari sa akin. Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna ako sa aking kwarto upang malinis ang aking sugat.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Goyo na sumunod pala sa akin. Tinanguan ko lamang siya bilang sagot. Nilinis ko na lamang ang aking sugat habang siya ay tinititigan lamang ako.

"Matutunaw ako niyan, mahal." ani ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at tinabihan ako.

"May itatanong ako sa iyo." wika niya. Tumayo naman ako upang ibalik sa aparador ang hindi maubos ubos na first aid kit ko. 

"Ano iyon?" tanong ko.

"Paano kung ang taong mahal mo ay nagmula pala sa ibang panahon?" tanong niya na naging dahilan upang mabitawan ko yung pouch.

"Ha? Ah ewan ko....kung nanggaling man siya sa ibang panahon ay....." napatigil muna ako saglit dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Bakit nga ba niya natanong?

Nanatili lamang siya na nakatitig sa akin habang naghihintay ng sagot ko. "Mamahalin ko pa rin siya. Dahil ang ang tunay na pag-ibig ay walang pinipiling panahon." ani ko.

"Bakit mo nga pala natanong?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang...masaya akong malaman yan." nakangiti niyang tugon sa akin habang nakapamulsa.  Nagtataka man ako at medyo kinakabahan dahil baka nabasa niya ang talaarawan ko ay tumango na lamang ako.

"Ikaw? anong mararamdaman mo?" tanong ko naman sa kanya. Napatikhim naman siya sa akin.

"Hindi ko alam. Dahil.........taong mahal ko ay pareho kami ng panahon na pinanggalingan." wika niya.

Nagulat naman ako. Hindi kaya siya yung....... "at napakaimbosible naman kung may mga taong nanggaling sa ibang panahon at napunta rito." patuloy niya. Napahinga naman ako ng maluwag, pero mas mabuti sana kung siya nga talaga iyon.

"Oh siya, aalis na ako dahil may kakausapin pa akong importanteng tao."  pagpapa-alam niya sa akin. Bago pa siya makalabas ng tuluyan ay muli siyang tumingin sa akin at nagsalita. "Kahit ano pang mangyari mahal pa rin kita." wika niya.

Nakatulala lang ako sa pinto kahit na wala na siya roon. Bakit bigla akong kinabahan? May mangyayari ba ulit? Bakit ang pakiramdam ko ay may itinatago siya sa akin? Sino ka nga ba talaga Goyo at anong mayroon sa iyo?

Nang tawagin ako ni Imelda upang maghapunan ay napansin kong wala pa si Goyo. Naalala kong sinabi niya kaninang may importante siyang kakausapin marahil ay isang pagpupulong muli. Balisa ako mula nang tanungin ni Goyo sa akin iyon. Napatingin naman ako kay Lola Mysterious nang tawagin niya ako. Isa pa siya eh mukhang may tinatago sila sa akin.

"Veronica, may bumabagabag pa sa iyong isipan?" tanong niya sa akin. "Wala naman po Lola." wika ko sa kanya.

"Kung si Goyo man iyan, nagpunta siya sa bayan dahil upang kausapin si Kapitan Ignacio. Nga pala, nakawala raw si Maria at ang sabi nila ay may mga baril siya at magtutungo raw dito ang nakakatakot nga niyan eh may napatay siyang mga tao." Nagulat naman kaming lahat sa balita ni Juan. Nabaliw na nga talaga si Maria at mukhang gaganti pa siya. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit kinakabahan ako?

"Por diyos por santo, kailangang mapahigpit ang seguridad dito sa atin upang walang masaktan kung sakali mang magtutungo dito ang baliw na si Maria." saad ni Lola Mysterious. Tama nga siya baka kung ano pa ang gawin ni Maria sa amin.

"Ako na po ang bahala Nanang. Ibabalita ko rin po ito kay Tisoy, dahil mukhang mas delikado pa si Maria kaysa sa mga tulisan." wika ni Juan.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo agad ako sa aking kwarto upang makapag-half bath ako. Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ay kinuha kong muli ang aking talaarawan upang makapagsulat.

Pebrero 17, 1900
    Napakadaming tanong ang gumugulo sa aking isipan at nais kong malaman lahat ng kasagutan ng mga ito sa lalong madaling panahon. Isa na sa mga ito kung bakit natanong kanina ni Goyo iyon sa akin. May nalalaman ba siya? At nakawala raw si Maria sa kulungan, maghahasik ba siya ng lagim?

Naguguluhan,
   Veronica Estrelle.

Nagtungo ako sa azotea ng aking kwarto upang magpahangin. Napakatahimik ng paligid dahil gabi na. Andaming tumatakbong katanungan sa aking utak. Dalawang linggo na lang ay babalik na ako sa aking panahon pero hanggang ngayon ay nanatiling lihim ang aking katauhan.

Noong isang araw ay kinuhanan kami ni Joven ng litrato. Para siyang wedding picture namin ni Goyo, nakasuot siya ng kanyang uniporme habang ako ay nakasuot ng magarang baro't saya.  Nilagay ko iyon sa aking kwarto dahil ito lamang ang mananatiling alaala ko sa panahong ito.

3rd Person's PoV

Nakatayo ngayon si Amanda sa ilalim ng puno ng Acaccia sa hardin ng mga Nable Jose habang pinagmamasdan ang dalagang si Veronica na ngayon ay nakaupo lamang sa azotea ng kanyang silid. Ramdam niyang gulong gulo na ang dalaga sa mga nangyayari, pero ayaw niyang sagutin ang mga katanungan nito dahil magugulo lamang ang mga nakatakdang mangyari.  Napansin niyang may naglalakad patungo sa kanyang kinaroroonan at agad niya itong nilingon.

Napangiti naman siya nang makilala ang binatang ito. "Kumusta?" wika ng matanda.

"Ayos lang po Nanang." sagot naman ng binata sa kanya na ngayon ay tinatanaw rin ang dalaga sa malayo.

"Malapit na po siyang makabalik sa kanyang panahon." wika ng binata kay Amanda. Napangiti naman si Amanda dahil dito.

"Malapit na nga....kayong makabalik." ani ng matanda. Napatango naman ang binata pero sa loob niya'y masaya siya dahil sa wakas ay dumating na ang taong susundo sa kanya.

"Hindi ko pa po ba maaring sabihin sa kanya kung sino nga ba talaga ako?" tanong ng binata. Napaseryoso naman bigla si Amanda dahil dito.

"Hindi at huwag mong gagawin. Darating ang tamang araw para dito." seryosong wika ng matanda.

Namayani ang katahimikan sa paligid dahil hindi alam ng binata kung ano ang isasagot niya sa babaylan na kaharap niya. Aalis na sana siya nang biglang may sinabi ang matanda sa kanya.

"Huwag na huwag mong susubukan maghintay ka hanggang sa siya na mismo ang makadiskubre sa iyong tunay na pagkatao......Gregorio."

itutuloy...

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon