Kabanata 4

3.6K 149 116
                                    

Veronica's PoV

"Ikaw?!!" gulat kong sigaw sa kanya.

"Oo ako bakit may problema ka?"

"Paano eh, hindi mo nga ako kilala kanina. Actor ka ghorl?''

Napatawa naman siya sa sinabi ko. Parang kanina lang eh halos hindi niya ako kilala tas ngayon bigla kong malalaman kilala niya ako at ang kung saan talaga ako nanggaling.

"Alangan namang sabihin ko sa harap nila binibini." tugon niya naman sa akin na parang may pinapahiwatig.

Inirapan ko na lang siya at umupo sa tabi ni Lola Mysterious. Bigla naman may kumatok na dalaga at may sinabi kay Lola.

"Ah magandang hapon Nanang Amanda ganun din sayo Señora Veronica at....Kapitan Carrasco" bati nito sa aming tatlo. Na-weirduhan naman ako sa itsura nito pagka-banggit niya sa pangalan ng anak ni Lola Mysterious dahil namumula ang kaniyang mukha.

"Oh Carmela iha magandang hapon din sa iyo. Ano ang maipaglilingkod ko?" tanong sa kanya ni Lola Mysterious.

"Uhmm pinapatawag po kayo ng Señor Presidente para sa isang pagpupulong."

"Oh siya kami ay pupunta na. Veronica mabuti pa ay sumama ka na sa amin upang makalang-hap ka ng sariwang hangin."

Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanila sa paglabas. May mga maliliit lang na kubo dito at lahat ay nagtutulungan. Nakita ko naman ang dalagang inismiran ko kanina na nakaupo sa harap ng isang pinto.Nang makalapit kami sa kinaroroonan ng babae ay agad na napatingin sa akin si Lola Mysterious.

"Veronica, dito ka muna sasamahan ka ni Carmela kung gusto mong maglibot-libot." tumango lamang ako at ngumiti bilang tugon kay Lola Mysterious. Umupo muna kami ni Carmela sa isang bangko kaharap ang babaeng tinutukoy ko kanina.

" Binibini, ikaw ba ng nagligtas sa aking kasintahan kanina?" tanong nito na sa tingin ko ay akin.

"Ako nga binibini, ngunit sa pagkaka-alam ko ay walang kasintahan ang heneral" sagot ko rito.

"Oo nga naman Maria, walang kasintahan si Goyo. Mukhang ikaw ay nananaginip ng gising binibini." Agad naman akong napatingin sa isang babaeng katabi ko ngayon. Biglaan itong sumulpot, kabute ka ghorl?

Umirap naman si Maria at siya'y umalis na.

"Magandang hapon mga binibini. Ikaw ang nagligtas kay Goyo hindi ba? Ako nga pala si Felicidad Aguinaldo......dating kasintahan ni Goyo." sambit nito ngunit parang malungkot ang pagkakabigkas niya sa mga huling kataga.

"Ah.. ako nga pala si Veronica Nable Jose." Pagpapa-kilala ko sa aking sarili.

"Tama nga ang balita ika'y sobrang ganda. Nanalaytay sa iyo ang dugong kastila. Nagagalak akong makilala ka Veronica ako'y aalis na rin dahil may kailangan pa akong gawin." Pagpapaalam ni Felicidad.

Ngumiti lamang ako bilang tugon. So siya ang ex ni Goyo. Well maganda at mabait naman ata siya. Habang nagmumuni-muni ako ay napansin ko iyong puno sa malayo.

"Uhmm Carmela?" pag-aagaw ko ng pansin dito sa katabi ko.

"Bakit po señora?" tanong nito. Hindi ako sanay sa tawag nitong señora sa akin.

"Veronica na lamang."

"Ah ehhh nakakahiya naman po nag-mula po kayo sa alta sociedad kaya nararapat lamang po na tawagin ko kay----" Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin dahil sumabat ako.

"Ngunit ito ang aking kagustuhan. Tanggalin mo na ang po at opo....ituring mo akong kaibigan dahil gusto kitang maging kaibigan." Deretsahang wika ko sa kanya. I like her vibes she reminds me of my best friend si Carmen.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon