Veronica's PoV
Mahigit isang linggo nang wala si Goyo. Isang linggo ko na rin suot ang itim na balabal na ito. Palagi lamang akong nasa azotea ng mansiyon habang tinatanaw ang bukana ng kakahuyan, nagbabaka sakaling makita ko siya sakay ng kanyang kabayo.
"Veronica...ayos ka lang?" tanong sa akin ni Lola Mysterious na ngayon ay kakapasok lang sa aking kwarto. Ngumiti lamang ako ng tipid sa kanya. Umupo siya sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay.
"Veronica...sa tingin mo'y wala na siya?" biglang tanong niya kaya't napatingin ako sa gawi niya.
"Hindi ko po alam..ngunit malakas ang kutob kong buhay siya. Maaring nawawala lang siya o di kaya'y parang sa mga teleserye may nakapulot sa kaniya at nagpapagaling na lang siya bago bumalik." wika ko.
Napatango naman si Lola sa akin. "Marahil ay tama ka ngunit hindi natin alam Veronica.." ani ni Lola. Napa-isip naman ako kung hindi naman siya namatay dahil sa bala eh bakit hanggang ngayon ay narito pa rin ako kahit wala na siya. Papaalis na sana si Lola nang tawagin ko siya.
"Lola kailan po ako makakabalik?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin. "Sa tamang panahon.." seryoso niyang wika bago tumalikod. Napatulala naman ako ng mga dalawang minuto bago naisipang kunin ang aking talaarawan.
Enero 5, 1900
Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas at wala pang Goyo ang bumabalik.
Marahil ay totoo ngang wala na siya ngunit bakit ganon' hindi pa ako nakakabalik sa
tunay kong panahon. Posible kayang buhay pa siya?Naguguluhan,
Veronica FloresNaisipan kong bumaba muna sa sala upang sana'y makipagkwentuhan kina Imelda dahil nababago't na ako dito sa loob ng kwarto. Bago ako lumabas ay pinasadahan ko muna ang aking sarili sa salamin. Namumugto pa rin ang mga mata ko dhail sa pag-iyak at namamayat na rin ako. Masama to dahil baka magkasakit na naman ako.
Pababa na ako ng hagdan nang mapansin ko ang katahimikan sa paligid. Napatingin naman ako sa sala ng bahay at doon ay nakita ko si Angelita na nakatayo habang ang isang lalaking naka-uniporme ng pang-militar ay nakaluhod sa kaniyang harap. Bumaba ako upang malaman ang nangyayari.
"Carmela, anong nangyayari?" takang tanong ko kay Carmela na tinabihan ko sa upuan. Napahawak naman siya sa kanyang dibdib bago sumagot.
" Oh, Veronica ako'y ginulat mo. Iyan si Kapitan Julian nakakatandang kapatid ni Goyo." tugon niya.
So it means siya ang maaring ama ni Angelita na sinabi sa akin noon ni Goyo. "Anak, patawarin mo ako..hindi ko alam. Hindi ako tumigil sa paghahanap sa inyo ni Mariana." naiiyak na wika ni Julian sa harap ng kanyang anak na ngayong ay naluluha na rin. Nakita kong nakapulupot ang braso ni Imelda kay Juan habang lumuluha gayundin ang katabi kong si Carmela kay Tisoy. Sana all.
"Ang sabi po s-sa akin ni I-inay kapag n-nakita ko d-daw po ang tunay kong Tatay ay patawarin ko raw po siya, k-kaya po pinapatawad ko na kayo." nakangiti ngunit humihikbing wika ni Angelita sa kanyang ama. Naluha naman ako sa tagpong iyon, para akong nakasaksi ng isang live drama lalo na nung nagyakapan ang mag-ama.
"Masaya akong nagkita na kayo ng anak mo Julian." wika ni Lola Mysterious. "Maraming salamat po sa pag-aruga niyo sa aking anak, Nanang Amanda." tugon ni Julian kay Lola Mysterious.
"Walang anuman. O siya halina kayo't tayo'y kumain na, masamang pinaghihintay ang grasya." ani ni Lola Mysterious, kaya kami'y tumayo lahat at pumunta sa hapag. Masaya ang salu-salo ngunit natahimik ang lahat nang biglang mag-salita si Julian.
"Nilagang karne ng baka...ito'y paborito ni Goyo." walang nakapag-salita sa amin dahil dito.
"Vicente, ito bang binibini sa aking harap ang tinutukoy mong nagpa-bago sa aking kapatid?" tanong ni Julian kay Vicente.
"Oo, siya nga." tipid niyang sagot. Napangiti naman sa akin si Julian at ganun din ako sa kanya.
Matapos ang tanghalian ay nagtungo ako sa likod ng mansiyon dahil naroon ang Ilog ng Pag-asa na tinatawag nila. Naalala kong dito ko sana planong papuntahin si Goyo pagka-balik niya dahil plano kong mag-confess sa kanya, ngunit sa kasamaang palad ay nangyari ito. Umupo muna ako sa isang bato at pinagmasdan ang paligid.
Siguro'y tama ngalang na tawagin itong Ilog ng Pag-asa. Sobrang payapa ng lugar, tanging kaluskos lamang ng mga dahong tinatangay ng hangin , mga huni ng ibon at ang ragasa ng ilog ang iyong maririnig. Nakakabighani ang tanawin sana nga lang ay kasama ko siya ngayong nagtungo rito.
"Veronica, kamusta?" tanong sa akin ni Vicente na kakarating lang.
"Eto...hanggang ngayon ay nagbabaka sakaling buhay pa siya." malungkot kong tugon. Huminga naman siya nang malalim bago nag-salita.
"Mahal mo?" tanong niya. Tumingin naman ako sa kanya at tumango.
"Tadhana nga naman napakalupit. Pinatatagpo ang dalawang tao at kung mahuhulog na sila sa isa't isa 'tsaka naman niya paghihiwalayin." napatingin naman ako sa kanya.
"Mukhang may pinaghuhugutan ka, ginoo?" tanong ko. Huminga ulit siya ng malalim at inilibot ang paningin sa paligid.
"Nahulog ako sa aking kababata noon. Naging kami ngunit naghiwalay kami dahil kay Maria. Palaging siya ang dahilan kung bakit maraming nag-hihiwalay sa aming bayan noon. Ikinalat niyang inaalok ko siya ng kasal habang kami pa ng aking kababata. Walang katotohanan ang lahat ng iyong kaya lang naniwala ang aking iniibig." kuwento niya.
"Hanggang sa isang araw ay nabalitaan ko nalang na lumipat na sila sa Cervantes habang nasa dagupan kami ni Goyong. Tatlong taon na ang nakakalipas hanggang sa dumating ang araw na napadpad kami sa Cervantes at doon ay nakita ko siya. Handa akong ligawan siyang muli. Kaya lang ay...nag-paraya ako dahil nililigawan na pala siya ng kaibigan ko." napangiti siya nang mapait nang banggitin niya ang huling linya. Sino ba yung tinutukoy niya? Malabong ako kahit nililigawan naman ako ni Goyo.
"Sino yung babaeng yun?" curious kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya muli bago sumagot.
"Si Carmela..." tugon niya. Oh Crap! kaya naman pala napakatahimik niya kapag nasa paligid lamang si Carmela, lalo na kapag kasama niya si Tisoy. Hanga ako kay Vicente dail nagawa niyang isakripisyo ang iniibig niyang babae para sa kanyang kaibigan.
"Pasensya na hindi ko na dapat tinanong." wika ko ngunit umiling lamang siya. "Ayos lang. Oh siya mauuna na ako dahil aasikasuhin pa namin iyong gagawing bakod. Mag-iingat ka Veronica." sagot niya sa akin.
" Nawa'y makita mo na ang babaeng inilaan talaga para sa'yo Vicente, mag-iingat ka." Wika ko sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin at tuluyan nang umalis. Naiwan muli akong tulala rito. Napansin kong naiwan ni Vicente ang gitara niya sa aking tabi. Kinuha ko iyon at naisipang kumanta na lang muna.
" Isang hakbang patungo,
Sayo kahit di sigurado.
Kung mayroon mang sasalo,
Isa, dalawa, tatlo..susugal ako."May mga taong pagtatagpuin ngunit sa huli'y hindi naman para sa talaga ang isa't isa. May mga taong pinagtagpo at tinadhana ngunit sa maling panahon.Veronica...sabi sakin ni mama kaya raw niya ito ipinangalan sa akin dahil ang ibig daw sabihin nito ay 'Epitome of Beauty and Love, bringer of success' ngunit bakit ganoon? Basta ako'y iibig sa isang tao sa una lang masaya dahil sa huli ako ang palaging sawi.
Mukhang tama nga sila, ang pagmamahal ay mapanlinlang...hindi mo alam kung kailan ito darating at hindi mo alam kung kailan ito matatapos.
" Kung mayroon mang sasalo,
Isa, dalawa, tatlo...susugal ako."Kung kinakailangang sumugal ako para lamang umayon ang tadhana sa amin ni Goyo ay gagawin ko. Hindi ko lubos maisip na sobrang ikli lamang ng pinahiram sa aming panahon ng maykapal. Tama siguro si Vicente, sadyang malupit talaga ang tadhana.
Naluha ako dahil sa aking kinanta ngunit napatigil ako nang may magsalita sa likod ko.
"Nakakabighani ang iyong boses..."
itutuloy..................
BINABASA MO ANG
Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]
Historical FictionBattle Above The Clouds Series #1 Veronica Estrelle is a military doctor at bumalik siya sa taong 1899 bilang si Veronica Nable Jose sa mismong araw at lugar kung saan ay papatayin ng mga amerikano ang batang heneral. Kailangan niyang iligtas sa kam...