Kabanata 21

1.7K 67 15
                                    



Veronica's PoV



Hindi ako mapakali alas-otso na ng umaga pero narito pa rin ako sa aking kwarto. Hindi ko alam kung lalabas pa ba ako dahil kinakabahan ako sa kung ano ang maaring mangyari sa labas. Lahat sila ay nagluluto para sa gagawing konting salu-salo mamayang tanghalian. Ngayon ay ang aking huling araw dito at pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.



Habang nakaupo ako sa aking kama at nag-iisip kung lalabas ba ako o hindi ay nakarinig ako ng katok mula sa aking pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Imelda na nakangiti. "Maligayang kaarawan Veronica!" masayang bati niya sa akin.



Pinapasok ko siya sa loob at isinara ang pinto. Pagkasara ko ay nagulat ako dahil bigla nalang siyang umiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, niyakap rin naman niya ako ng sobrang higpit.



"Anong problema Imelda? Nag-away na naman ba kayo ni Juan?" tanong ko sa kanya. Umiling lamang siya sa akin.



Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Veronica...hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako." hagulgol niya. Hindi ko naman alam ang gusto niyang iparating.



"Bakit?" tanong ko. Huminga muna siya ng malalim bago muling magsalita. "Hindi ko sinasadyang mabasa ang iyong talaarawan kahapon nang mahulog mo ito sa hardin." paliwanag niya at iniabot ang diary sa akin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Ibig sabihin alam na niya.



"Veronica, alam kong sobrang halaga ng iyong naging misyon dito sa aming panahon kaya inilihim mo ang lahat ng ito. At alam ko ring huling ito na ang huling araw mo dito." wika niya. Naiyak na rin ako dahil hindi ko akalaing malalaman niya ang aking sikreto.




"Maraming salamat dahil kung hindi dahil sa'yo malamang ay hawak na ng mga amerikano ang aming mga buhay ngayon." patuloy niya.



"Patawarin mo ako, hindi ko gustong ilihim sa inyo ang lahat ng ito." umiiyak kong wika sa kanya. 


"Shhh, ayos lang. Wag kang mag-alala wala akong ibang pinagsabihan nito." pagpapatahan niya sa akin.



"Veronica, hinding hindi kita makakalimutan." Ani niya habang nakayakap sa akin. 


"Ganun din ako Imelda hindi kita makakalimutan. Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin." nanatili kami sa ganong posisyon ng ilang minuto.



"Oh siya, tama na ang drama. Magpakasaya ka dahil kaarawan mo ngayon Veronica at baballik ka na sa tunay mong kinabibilangan." wika niya sa akin.



"Uhmm. Imelda maaari ba akong humingi ng pabor sa iyo?" ani ko. Napatingin naman siya sa akin at tumango.



"Maaari mo bang alagaan ang bahay na ito. Lalo na ang litrato namin ni Goyo." wika ko.



"Pangako. Huwag kang mag-alala aalagaan ko ito." tugon niya. Niyakap ko siyang muli bago kami bumaba upang makisalo sa tanghalian.



"Maligayang Kaarawan Veronica!" masayang bati nila sa akin. Napangiti naman ako na halos kumpleto silang lahat.



" Maligayang kaarawan mahal ko." masayng bati sa akin ni Goyo at iniabot sa akin ang isang kumpol ng pulang mga rosas.



"Maraming Salamat sa inyong pagpunta." tugon ko sa kanila. Naiiyak na naman ako dahil alam kong ito na ang huling araw ko dito.



"Handa na ang mga pagkain!!" sigaw ni Carmela na ngayon ay nasa kusina. Dalawang linggo na siyang buntis at ang sabi niya gusto niyang ako ang pumili ng magiging pangalan ng kanilang magiging anak ni Tisoy.



Habang kumakain ang lahat ay isa isa ko silang pinagmasdan. Inalala ko lahat ng nangyari sa akin, noon ay ni isang kaba wala akong naamdaman ewan ko rin ba kung bakit pero naging panatag ang aking loob. Masaya akong kapag nagkaroon man ng kaunting problema ay nareresolba agad ito. Nagpapasalamat rin ako dahil nakilala ko ang mga taong ito at sila ang parang naging pamilya ko sa panahong to.



Si Carmela at Imelda na laging nandiyan para sa akin at parang naging kapatid ko na. Si Vicente na parang naging Kuya ko. Si Joven na parati kong inuutusan pero hindi manlang nagrereklamo para ko na siyang naging batang kapatid. Si Tisoy at Juan na laging nariyan upang tuksuhin ako o kami ni Goyo. Si Angelita na parang naging anak anakan namin ni Goyo at naghahatid ng kasiyahan sa amin. Si Lola Mysterious na laging gumagabay sa akin kahit sobrang misteryoso niya.



At higit sa lahat si Goyo na minahal ko at minahal ako ng sobra. Siya ang dahilan kung bakit ako narito pero kahit kailan hindi ko magawang mainis sa kanya. Siya ang naging sandalan ko sa panahong ito. Sa kanya ko natutunang umibig ng tunay. Masakit mang isipin na iiwan ko siya rito pero wala akong magagawa.



Sa kanila ko naramdaman ang tunay na pakiramdam ng pamilya dahil sa aking panahon palaging nasa opisina si mama at si papa naman nasa abroad. Habang si Kuya nasa ibang bansa rin nagtratrabaho. They can provide what I need, napag-aral nila ako ng medisina sa UP at pinayagan nila akong magtraining sa AFP bilang isang military doctor and I'm so thankful because of that. Ang ayaw ko lang ay nawawalan na sila ng oras sa akin.



Naiiyak ako hindi lang dahil aalis na ako kundi pati na rin sa masaya ang naging birthday ko at marami kaming nagcelebrate. Noon kasi ay parating sa ospital na ako magbirthday at kung minsan hindi ko na ito sinecelebrate.



"Veronica? Bakit ka umiiiyak?" tanong sa akin ni Goyo. Pinunasan ko naman agad ang aking mga luha bago sumagot.



"Wala masaya lang ako." sagot ko.



"Ha? may masaya bang umiiyak?" pamimilosopo niya sa akin. Umirap naman ako sa kanya dahil naninira na naman siya ng moment.



"Biro lang. Tears of Joy nga." wika pa niya.



"Tam----" napatigil ako dahil nabigla ako sa sinabi niya. "Ano ka mo?" tanong dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.



Magsasalita na sana siya nang biglang makarinig kami ng isang putok ng baril galing sa labas. Nagsitayuan naman kami lahat at lumabas sina Vicente upang tignan ang kaguluhang nangyayari. Bumalik naman si Tisoy at Goyo habang may hawak na baril.



"Mga guardia de honor narito sila at kasama ni Maria. Ang tingin ko'y ipaghihiganti nila si Luna at ang pakay ni Maria ay...ikaw Veronica."



_______________________________________

A/N:



Hello mga marz so ayun ewan ko kung maganda ba nagiging takbo ng istoryang ito. Comment niyo na lang kung okay ba o hindi or just dm me on my social media accounts. Don't forget to vote. SALAMUCH!! Mahal kayo ni Goyo 


Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon