Kabanata 1

4.9K 192 50
                                    

Veronica's PoV

Tulala akong bumalik sa kwarto matapos ang nangyari kanina. Naisipan kong panoorin yung dinownload kong movie.

Mahigit kumulang dalawang oras din siya pero super worth it. Parang naging crush ko din si Del Pilar doon. Pero sa huling parte nito ay parang naapektuhan ako ng todo dahil sa sulat ni Goyo para kay Remedios. Hindi ko ma-explain pero I'm so affected. Or feeling Remedios lang talaga ako?

Maga-alas tres na ng maisipan kong bumaba at maglibot libot sa hacienda. Malapit ito sa Tirad Pass sa pagkaka-alam ko ay mga 30 minutes lang mula dito iyon. Nagsuot ako ng boots,isang leggings na black at loose shirt lang.

Aba alangan naming mag-gown pa ako o mag-costume e mangangabayo lang nman ako diba? Mangangabayo I mean yung sasakay sa kabayo hindi yung ano hmm HAHAHA.

"Oh Veronica saan ang punta mo?" tanong sa akin ni Lola nang pababa na ako sa entrada ng mansion.

"Ah La, mag-fifiring lang po ako at maglilibot lang naman."

"Firing ba kammo? Halika muna." sabi nito sa akin at inaya ako sa likod ng bahay.

Nagulat ako nang may binuksan si Lola Esmeralda na isang lagusan.Nakatago ito sa likod ng isang malaking kahoy. Agad naman niya ako pinasunod sa kanya sa pagbaba niya ng hagdan.

Wow..yan lang ang masasabi ko dahil sa aking nakita. Mga lumang modelo ng baril. Historian kaya tong si Lola?or baka naman owner ng museum na hindi ko alam?

May kinuha siyang isang mahabang baril na parang yung gamit nila Goyo kanina sa pinanood ko at inabot niya sakin ito.

"Yan apo, aralin mong gamitin ang ganyang klase ng baril. Dahil balang araw ay magagamit mo yan." sabi nito sa akin na nagpatindig ng aking balahibo.

Pagkatapos 'non ay pumanhik na ako sa kwadra at kinuha si Maria yung puting kabayo ko at pumunta na sa firing area nitong hacienda.

I spend almost 45 minutes learning the correct way to use that old gun. Mejo madali lang naman siyang gamitin kaya hindi ako nahirapang aralin ito.

Pumunta ako sa paanan ng Mt. Tirad dahil madilim na rin kaya hindi na ako umakyat. Mga 10 minutes lang ako doon at napagpasyahan nang bumalik.

Pero habang pabalik na ako ay may nakasalubong akong matanang babae na nakasuot ng balabal nakatingin siya sa aking habang nakangiti. Pinatigil ko si Maria sa harap nito at kinausap siya.

"Uhmm Lola saan po kayo pupunta? Pagabi na po ah?" Tanong ko rito.

"Jan sa Pasong Tirad,binibini." Napangiti naman ako nang tawagin ako nitong binibini dahil kakaunti na lamang ang mga taong gumagamit nito. Pero agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niyang pasong tirad.

"Po? ano pong gagawin niyo roon?" tanong ko sa kanya.

"May bibisitahin lang ako...." yan lang ang aking naintindihan dahil parang bulong na lang ang mga narinig ko. Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya. Paalis na sana ako ngunit napatigil ako sa kanyang sinabi.

"Kamukhang-kamukha mo siya Veronica at pati ang iyong ugali. Malapit na, mag-handa ka binibini. Regresarás y lo salvarás." kasabay ng pagsabi niya iyon ay bigla na lang umihip ang hangin at siya'y naglaho na sa dilim.

Pagkabalik ko sa mansion ay handa na ang hapunan. Papasok pa lang ako sa dining area ay tinawag ako ng isa sa mga katulong ni Lola.

"Ma'am may tawag po kayo..." Sabi nito sabay abot sa akin ng telepono.

"Hello, Veronica Estrelle Flores speaking."

"Ma'am, this is Captain Legarda sa June 15 na po yung start ng training as ordered by the president."

"Ah, okay I'll be there tomorrow"

After the dinner ay sinimulan ko nang mag-impake dahil sa nalalapit na training ng militar sa Bulacan. Pero hindi ko parin matanggal ang sinabi sa akin ng matanda, may Spanish ata iong sinabi pero hindi ko na matandaan.

Maaga akong gumising para sa aking byahe. Nagpaalam na ako kay Lola pero may sinabi ito sa aking bago ako umalis kanina.

"Regresarás y lo salvarás, iha, ikaw ang nakatakda. Babalik ka upang baguhin ang kapalaran ni del Pilar. Ililigtas mo siya apo malapit na." ani nito na siyang nagpagulo sa aking isipan.

Hindi ko alam pero parang naniwala ako sa kanya dahil may inabot pa ito sa aking isang lumang panyo na may nakaburdang Mi Amore Veronica. Binilin niyang wag ko daw itong wawalain.

Mabilis lumipas ang mga araw at ito na ang last day namin dito sa Bulacan. Madami akong natutunan gaya ng pag-tahi ng sugat at pagtanggal ng bala.Naaral ko na rin naman yung sa med school pero ang cool pa rin kung mismong sa kampo kayo magte-train.

Habang naglalakad ako upang maglibot libot sa paligid nitong kampo ay nakasalubong ko ang isang napakapamilyar na matanda.

" Veronica..." tawag nito sa akin kaya lalo akong nagtaka kung bakit niya ako kilala. Tumingin-tingin ako sa Paligid at dalawa lang kaming narito kaya't lumapit ako sa kanya.

"Lola? kilala niyo po ako?" tanong ko rito.

"Ikaw ang nag-iisang apo ni Esmeralda kaya't ikaw ang babago sa kapalaran ni del Pilar. Ililigtas mo siya Veronica. Babalik ka sa taong 1899 at sa mismong araw at lugar ng labanan sa Pasong Tirad." sabi nito na nagpataas ng aking balahibo.

Naalala ko na siya, siya yung matandang nakasalubong ko noong hunyo sa daan papuntang Tirad Pass.

Pero naalala ko nang sabi niya kamukhang kamukha ko siya at bigla kong naalala yung painting ni Veronica Nable Jose. Hindi kaya?

"Lola, sabi mo noon kamukha ko siya ibig bang sabihin ay si Veronica Nable Jose ang iyong tinutukoy?" Tanong ko rito at agad siyang tumango.

"Iha makinig ka, iligtas mo siya ngayon na ang oras tandaan mo ikaw si Veronica Nable Jose sa panahong iyon at ito ang una niyong pagkikita. Kunin mo ito." sabi nito sa akin at iniabot ang isang bag. Naguguluhan parin ako at tinititigan lang niya ako.

Biglang nag-sink in sa akin na ako ay magtatime travel upang baguhin ang kapalaran ng isang bayani. At siya ay si Gregorio del Pilar.

Magsasalita pa lang sana ako nang bigla akong itulak nng matanda sa sahig kaya ako nasubsob dito. Pero nang tatayo na sana ako ay may narinig akong paparating at guess wala na si Lola.

"He said this way, if we go here we will get a nice view of the place"

Agad akong nagtago sa likod ng isang puno at tinignan ang paparating. OMG the uniforms.. the guns.... isa lang pumasok sa utak ko para akong nasa movie pero shit this is real tama si Lola...I'M IN THE YEAR 1899!

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon