Chapter 3

534 33 2
                                    

CHAPTER 3

[ Battlefield ]

---

Alex's Point of View

Ibinagsak ko ang kahon na naglalaman ng mga gamit ko sa desk na inasign saakin.

Mabilis na lumipas ang araw at natapos ang second semester, nagpapasalamat na lang ako na walang bumagsak na estudyante dahil yoong iba naman ay pumasang awa kahit papaano, mukhang naghabol talaga sila sa finals.

Katulad ng pakiusap saakin ni Head ay pansamantala akong nag resign sa Lyceum, pagkapasok ko pa lang ng Headquarters kanina ay panay mga bagong mukha ang nakita ko.

Bahagya ko nang nakuha kung bakit ako pinabalik.

Napailing ako at nagpagpag ng kamay, si Head at ang issue niya sa mga baguhan.

Napapameywang ako at pinagmasdan ang kabuuan ng opisina.

Hindi ito ang dati kong pwesto, iyon ang una kong napuna. Marahil ay iba na ang gumagamit at ito lang ang bakante kaya ito ang ibinigay saakin, mas napalapit ako sa bintana kaysa noon na halos katabi ko lamang ang vending machine.

"Kay Cash ito."

Napalingon ako kay Head nang magsalita siya, pinagmamasdan din ang kabuuan ng opisina ni Cash na ngayo'y ako na ang gagamit pansamantala.

Dumako ang tingin niya sa desk at bahagya siyang napangiwi nang mapansin na hindi iyon kalinisan, "Maglilinis ka nga lang ng kaunti."

Napakuyom naman ako ng labi at pasimpleng binasa ito. Wala naman akong magagawa, hindi ko matatagalan ang ganito kaduming opisina.

"Kanino ko po ibibigay ang ibang papeles?" tanong ko habang binubuklat ang isang folder na pinapatungan ng stapler, agad ko rin iyong pinagsisihan dahil maraming papel ang nakaipit dito kaya bahagya iyong nagsilaglagan.

Tinignan ko pa kung pati ang swivel chair ay maalikabok, nang makitang malinis naman ito ay patalon akong umupo dito at iginalaw ng kaliwa't kanan.

"Saiyo, ikaw na ang maghahawak ng mga iyan," sagot ni Head saakin.

Napatigil ako sa pag galaw ng swivel chair sa narinig ko,  pinagmasdan ko pa si Head kung seryoso ba siya sa sinabi niya.

Nang tinaasan niya ako ng kilay ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, "Ang pagkakaintindi ko po sa usapan natin ay kaso lang ni Cash ang hahawakan ko."

Bahagyang natawa si Head sa sinabi ko.

"Malinaw na pinabalik kita sa NBI, Alex," ani niya nang makabawi mula sa pagkakatawa, "Wala akong natatandaang kasunduan na kaso lamang ni Cash ang re-resolbahan mo."

Napasinghot naman ako ng hangin at itiniuon ang likuran ko sa swivel chair, nilaro laro ko pa ang labi ko dahil malalim akong nag-iisip.

Gusto kong sabihin na wala rin naman kaming napag-usapan na maghahawak ako ng ibang kaso, nag bigay ako ng deductions ukol sa nangyari kay Cash kaya tanggap ko na saakin mapupunta ang kaso niya. 

Pero ibang usapan kung babalik ako sa dati kong pang araw araw na gawain.

"Wala na si Sebastian, Alex,"  putol ni Head sa katahimikang namuo sa pagitan namin, napatigil naman ako sa paglalaro ng labi.

"Wala akong sinasab--"

"Hindi," matigas niyang putol sa balak kong sabihin, sa tono niya ay parang gusto niyang pag-usapan ang ayaw kong tapika, "Ang sabi mo saakin noong pumasok ka ng NBI, naghahanap ka ng hustisya dahil gusto mong mahanap ang pumatay sa nakababatang kapatid mo."

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now