Chapter 24

277 19 7
                                    

CHAPTER 24

[ Away ]

---

Alex's Point of View

Mayroong nagbago.

Alam ko. Kahit isang gabi pa lang ang lumilipas, kung ano ang kinakulay ng araw namin ni Jazzquin kagahapon ay siyang kinaputla ngayon.

Para kaming nag-explore ng daang daang kulay kagahapon tapos bigla na lamang bumaba sa tatlo.

Alas tres na ng hapon at napag desisyunan naming umakyat ng norte papuntang Pagudpud, may mga dinaanan pa kaming simbahan at ibang tourist spot kanina, pero panay kuha lang ng litrato ang inatupag namin ni Quin.

Kinakausap ko naman siya minsan kahit medyo naga-alangan pa rin ako sa pag tingin niya sa short report ko kagabi. Pansin ko rin na yoong bukas na bukas niyang mga pintuan kahapon ay sarado ngayon.

Hindi gaanong halata kung ito ang normal na araw araw namin sa Maynila, pero dahil pinakitaan niya ako ng kakaiba kagahapon ay nakikita ko na ang pagkakaiba.

Mood swing? Paniguradong may nag trigger. Pero bakit naman siya magkakaroon ng mood swing kung ginagawa ko lang ang trabaho ko?

Pinagmasdan ko si Jazzquin na nakatanghod lamang sa rebulto ng Biag ni Lam-Ang, napapalibutan ito ng tubig at hindi naman ganoon iyon kataas kaya pwedeng lusungin pero mukhang masaya na si Quin na titigan lamang ito sa tamang distansya.

"So artistic," rinig kong komento muli ni Quin sa rebulto.

Hindi ito ang unang pagka-kataon na sinabi niya iyon pero ngayon lang may nanumbalik sa isipan ko.

"She is art-centered. Ito ang pinaka importante."

Pakiramdam ko buong kalamnan ko ay bumagsak sa sahig, bahagya pa akong napa-atras habang pinagma-masdan ang likuran ng nobya ko.

Bakit hindi ko agad napansin? Bakit hindi ko agad nade-duksyunan? Nagtanong siya saakin patungkol kay Jenny matapos naming mag make love ng isang beses at naroon siya noong nakita namin ang bangkay ni Atty. Eusebio.

"Do you want coffee?"

Napaigting ako ng panga sa naalala ko.

Noong tinanggihan ko ba siya sa pag-aya niyang iyon ay may binabalak siyang gawin saakin? Kaya ba siya nainis dahil hindi niya naisakatuparan ang plano niya?

Pero...

Parang namang pelikulang pumasok sa utak ko ang ilang mga scenario na magkasama kami ni Quin, simula nang mag-away kami sa bahay niya, sa unang may nangyari saamin, yoong unang beses niya akong sinabihan ng 'I love you', yoong pag-aya niya saakin na mag stay sa tahanan niya noong ibinahagi kong may nagba-banta sa buhay ko.

Hindi ko na alam, naisip ko nang bahagi iyon ng manipulasyon pero parang ayaw tanggapin ng utak ko.

Doon ko napagtanto ang bilis ko at hindi ko ginagawa ang proseso ng deduksyon ko ng maayos.

Nagpanic lang siguro ako dahil ngayon ko lang napagtanto samantalang ilang buwan ko nang karelasyon si Quin.

"Alex."

Nabalik ako sa kasalukuyan nang tawagin niya ako, ramdam ko ang pagdududa sa ekspresyon ng mukha ko kaya agad ko iyong inayos upang hindi siya makahalata.

"Hmn?" kurap kurap kong sabi.

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako ng ilang segundo. Lihim naman akong napalunok nang dumantay ang mga mata ko sa mga patay niyang mga mata.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now