Chapter 18

322 18 9
                                    

CHAPTER 18

[ Threat ]

---

Alex's Point of View

"Wala kang magagawa Kuya, dito tayo magi-inuman ngayon."

Hindi na nga ako naka-angal dahil si Nathalie na mismo ang nag palawak ng pagka-kabukas ng pintuan ko, magkasunod pa silang pumasok ni Jonathan.

"Si Adam ang mayroong kaarawan tapos dito tayo sa bahay ko magi-inuman?" kunot noong lingon ko habang abala sila sa pag salakay ng kusina at sala ko.

"Una sa lahat, hindi pwede sa bahay ni Adam dahil may bata," hirap na hirap na sabi ni Jonathan sabay lapag ng isang case ng Emperador sa sahig ng sala ko, "Pangalawang dahilan, sa dalawang natitirang single sa ating apat. Ikaw ang may pinaka may malinis na bahay."

"May nobya ako."

"Hindi naman kayo nagli-live in!" sabat ni Nathalie at nakarinig na nga ako ng mga kalampag ng kubyertos sa aking kusina.

"Isa pa kami ni Mark ang tinutukoy kong single, feeling ka?" iling iling na gatong pa ni Jonathan. 

Lumapit si Reiner kay Jonathan kaya naman awtomatikong lumayo ito.

"Alex, baka bahingin ako," pakikisuyo ni Jonathan kay Reiner kaya agad kong binuhat si Reiner papunta sa likod bahay kung nasaan ang dirty kitchen.

"Kumusta, buntis?" tanong ko sabay kutkot ng noo ni Jona, gusto ko sana siya ipakilala kay Jonathan pero allergic nga si Jonathan sa mga pusa.

Antok lang akong tinitigan ni Jona at humiga na muli, napansin kong wala nang lamang tubig yoong tubigan nila kaya bago ako bumalik ng sala ay nilagyan ko muna iyon.

"Si Mark?" tanong ko nang makabalik ako.

"Wag kang ano, imbitado rin siya," pangunguna sa akin ni Jonathan habang nagka-kalikot sa cellphone.

Napakunot naman ako ng noo, wala pa naman akong sinasabi.

Mayamaya lang rin ay iniharap niya saakin ang cellphone niya, "Inaabala niya muna si Adam. Wala pa iyong cake."

"Sinong kumukuha ng cake?" ani ko habang tinitignan ang sarili kong cellphone, ngayon ang uwi ni Jazzquin galing Puerto Princesa. Gusto ko nga siyang sunduin mula sa airport pero ayaw niyang sabihin saakin kung anong oras ang lapag niya.

Binantaan pa niya ako na kapag humugot ako ng koneksyon para malaman kung anong oras ang lapag niya ay hiwalay na kami. Parang bata lang.

"Si Wojtek," sagot ni Jonathan sa tanong ko at dinuro ako, "Oh alam na ha? Walang usapan patungkol sa mga kaso kaso."

Tumango na lang ako na parang hindi ko kinonsulta si Wojtek patungkol sa kaso ni Jenny. Ayoko nang makarinig ng pangaral ni Jonathan, lalo na ni Nathalie.

Agad nawala ang atensyon ko sa aking cellphone at nanlaki ang mga mata nang maglabas si Jonathan ng isang photo frame ni Cash.

"Tang ina ka Jonathan, saan mo nakuha iyan?" hindi ko naiwasang matawa dahil nakakatawa nga naman ang itura ni Cash sa litrato.

"Kung alam niyo lang ay marami akong tinatagong litrato ninyo," sakto namang dumantay ang hintuturo ni Jonathan kay Nathalie dahil kalalabas lamang nito ng kusina, "Hintayin niyo, isang araw na lang magugulat kayo na may album nang naka upload sa Facebook 'Detective files'."

Nagkatinginan kami ni Nathalie, sa simpleng tinginan na iyon ay nakabuo agad kami ng plano.

"Mga kaibigan huwag ninyo nang ituloy, mayroon akong back-up sa laptop ko sa bahay," tila nagyayabang na sabi ni Jonathan habang isinisilid ang cellphone sa bulsa, "Ang mahalaga nandito si Cash, kumpleto tayo mamaya."

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon