Chapter 12

327 19 4
                                    

CHAPTER 12

[ Possessiveness ]

---

Alex's Point of View

Nagising ako dahil sa tunog ng mantikang pumuputok putok sa kusina.

Agad akong napabalikwas nang pagkakahiga at agad naghanap ng orasan upang tignan kung sumobra ako ng tulog.

Madilim pa sa labas ng bintana kaya wari ko'y madaling araw pa lang. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makita ko sa cellphone ko na mayroon pa akong trenta minutos bago dapat magising.

Kahit pa ramdam ko pa rin ang labis na pagod ay wala na ako sa modong matulog kaya napagdesisyunan ko na lang mag ligpit ng higaan.

Dumako ang paningin ko sa kusina at agad kumunot ang noo ko nang makita si Nelly na nakatalikod mula sa pwesto ko, nagluluto.

"Uy," bungad niya saakin nang marating ko ang entrada ng kusina, pungay pa ang mga mata ko at pakiramdam ko ay nakakatawa talaga ang itura ko dahil pinipigilan niyang ngumiti habang nakatingin saakin.

"Ang aga mo ata?" puna ko sakaniya habang kumukuha ng baso, naglakad naman ako sa kabilang dako ng kusina at nagsalin ng tubig dito.

Hindi niya ako sinagot dahil bahagya siyang dumukwang sa niluluto niya at tinikman ito gamit ang kutsarita.

May toyo at suka na nakalagay sa gilid ng kalan, base na rin sa lamang karne ng tupperwear na katabi ng mga iyon ay alam ko na agad ang ulam na niluluto niya.

Adobong manok.

Matapos kong ilagay ang baso sa lababo ay agad hinanap ng mata ko ang takure, wala kasi iyon sa lagi kong pinaglalagyan.

"Hmn! Ito oh."

Taka naman akong napalingon kay Nelly sa sinabi niya, nakaturo yoong hintuturo niya sa takure sa kalan na nakapatay ang apoy.

"Bakit ang aga mo?" kyuryus na tanong ko muli sabay kuha ng takure na nasa tabi lamang ng kalan na pinaglu-lutaan niya.

Napakibit balikat siya, "Naalimpungatan ako eh, hindi na ako nakatulog ulit."

Napatango na lamang ako  bilang sagot.

"Tikman mo nga," biglang aya niya saakin, nagulantang na lang ako nang pagkaharap ko sa gawi niya ay naka abang na ang kutsarita na may kaunting sabaw saakin.

Napataas pa ang dalawang kilay ko dahil yoong isang kamay niya ay nasa ilalim ng naka abang sa aking kutsarita, para pansalo kung sakaling matapon.

Ilang na lang akong tinanggap iyon.

"Ayos naman," sa totoo lamang ay hindi ako sigurado, wala pa akong panlasa.

"Hindi maalat?" paninigurado pa niyang tanong.

Ngumiti naman ako ng tipid sabay tango, lumabas ang dimples niya sa mag kabilang pisngi sabay talikod muli upang ipagpatuloy ang ginagawa.

Nagsimula na naman akong mag lagay ng tubig sa main body ng coffee maker, pagkatapos ay isinarado ko na ito sa pamamagitan ng pagla-lagay ng top lid sabay bukas ng switch.

Habang naghi-hintay ako sa kape ay agad akong naalarma nang mag handa si Nelly ng pinggan.

"Ah Nelly," pigil ko sakaniya sa pamamagitan ng pag muwestra ng kamay, napatigil naman siya sa pagla-lapag ng pinggan dahil sa ginawa ko.

Ngumiti ako ng tipid, "Hindi kasi ako kumakain ng agahan."

Bahagyang umuwang ang labi ni Nelly sabay tingin sa inihahanda niyang pinggan, mukhang magpa-palusot pa siyang para sakaniya lang iyon pero dalawang pinggan at pares ng kutsara't tinidor ang kinuha niya.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now