Chapter 29

304 18 0
                                    

CHAPTER 29

[ Mislead ]

---

Alex's Point of View

Krus ang dalawang braso ko habang nakapatong ito sa ibabaw ng lamesa.

Nasa visitor's area ako ng Manila City Jail at nag hihintay kay Ms. Hannah Madrid, katulad nang napag-usapan namin ni Jonathan noong nakaraang araw ay susubukan kong kausapin ang ginang patungkol sa mga Augustus, kinasama niya si Mr. Goliath kaya hindi malabong mayroon siya alam.

Mayamaya lang rin ay pumasok na siya sa abot ng makikita ko, napansin kong mas nagkalaman si Ms. Madrid kumpara noong una at huling beses ko siyang nakita. Naka dilaw na inmate shirt siya at maluwag na nakatali ang buhok.

Nang mapansin ang presensya ko ay agad na nanlisik ang mga mata niya saakin, paniguradong kilala niya ako dahil ako lang naman ang dahilan kung bakit sila nahuli ni Mr. Goliath.

Akala ko ay tatalikuran niya ako at tatangging makipag usap saakin pero hindi, mabibigat na martsa ang pinakawalan niya papalapit sa pwesto ko. Nakita ko rin kung gaano kahigpit ang pagka-kakuyom ng kaniyang dalawang kamao.

"Anong ginagawa mo dito?" normal pero alam kong may pagbabanta sa boses niya.

Napatunog ako ng isang daliri at minuwestra ang upuan sa harapan ko.

"Hindi rin naman ho ako magtatagal, may iilan lang akong mga katanungan."

Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ko, napa 'ha!' pa muna bago umupo sa aking harapan.

"Mapapakawalan mo ba ako dito kung sasagutin ko ang mga tanong mo?" tanong niya saakin na may halong sarkasamo sa boses.

Ang totoo niyan ay hindi na ako masyadong nagulat sa inaakto niya ngayon, hindi niya ako pwedeng saktan ngayon dahil maraming mata ang nakatingin. Idadaan niya lang sa mga masasakit na salita.

"Hindi," agaran kong sagot, "Pero siguro ay luluwag ang mga nangyayari dito sa selda."

Natawa si Ms. Madrid sa sinabi ko.

"At aanhin ko iyon, Agent Schwarz?"

Napakibit balikat ako, "Sa naririnig ko ay pinag-iinitan ka dito sa loob, ano kaya ang pakiramdam na alipustahin at pagkaisahan sa loob ng selda ng paulit ulit?"

Umigting ang panga ni Ms. Madrid sa sinabi ko, kung napipikon na siya sa presensya ko pa lang kanina ay mas lalo ngayon.

"Iyon ay dahil wala dito ang mga gamit ko," gigil na sabi niya saakin, "Bigyan mo ako ng maso o kahit na ano, lahat ng maririnig mong nangyayari saakin dito ay babaliktad."

May kung ano siyang dinura pero mabuti na lang ay hindi tumama saakin at lumampas lang ito sa tagiliran ko, hindi ko inalis ang tingin sakaniya dahil alam kong ginawa niya iyon bilang distraksyon.

"Pero kahit bigyan mo ako ng maso para patayin lahat ng kumakatay saakin dito ay hindi pa rin ako magiging kumbinsido na sagutin ang mga katanungan mo," dagdag niya kaya naningkit ang mga mata ko, "Ang gusto ko ay ang kalayaan ko."

"Hindi ko kasalanan kung pumatay ka ng mga inosente at nag pahuli."

Bahagyang umawang ang labi ni Ms. Madrid sa sinabi ko at napatawa ng malakas. Ang ibang taong nabisita at binibisita sa paligid namin ay awtomatikong napalingon sa gawi namin.

"Hindi ko alam kung saang parte ng sinabi ko ang nakakatawa, Ms. Madrid," sabi ko, kalmado pa rin ang tono.

Unti unting humupa ang tawa ni Ms. Madrid, kung kulang pa ako sa impormasyon at kung wala talaga akong kahit na anong intensyon ay madi-disturbo ako sa inaakto niya.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now