Chapter 19

313 20 3
                                    

CHAPTER 19

[ Team ]

---

Alex's Point of View

"Alex."

Napalingon ako nang tawagin ako ni Papa, pero hindi rin kalauna'y ay nag patuloy ako sa pag i-impake ng damit.

"Saan ka lilipat?" tanong niya saakin.

"Sa Intramuros," simpleng sagot ko habang nagla-lapag ng mga damit sa bag, "Mas malapit sa Malayan."

Hindi siya nakasagot.

Siguro ay nakapagta-taka na kung kailan ako nagi-impake ay saka lang siya magta-tanong kung saan ako lilipat.

Sa loob ng siyam na taon na pananatili ko sa puder niya ay hindi naman kami nagkaroon ng matinong konbersasyon ni Papa. Kahit pa nasa i-isang bubong lang kami, kahit pa sa i-isang lamesa kami kumakain at i-isang banyo na pinagliliguan.

Walang komunikasyon, hindi katulad ng ibang mag ama.

Nakakasagap lang kami ng balita sa isa't isa kada may iu-uwi siyang babae o kaya naman kada nakaka-resolba ako ng panibagong kaso. Ang tanging nasasabi lang yata namin sa isa't isa ay...

"Oo,  medyo kumplikado yung kaso."

"Ah, si Apple pala. Taga diyaan lang."

Pero ngayong wala na ako sa NBI at sapat na ang naipon ko para makapag pundar ng sariling bahay ay pwede na akong umalis.

Hindi, pwede na akong lumaya.

Mula sa galit ko kay Sebastian, hanggang sa personal na problema ng pamilya ko.

Gusto ko na maging normal, hindi ko makakalimutan ang lahat pero gusto kong lumikha ng mga positibong alaala malayo sa mga bagay na magpapaalala saakin ng mga bangungot.

"Mag gu-guro ka na, huh?" pagi-iba niya ng tapika, "Mas bagay nga saiyo iyon, malumanay na trabaho. Kagaya ng Mama mo."

Mahapdi kong naisara ang zipper ng bag. Gusto kong ibulalas na wala siyang karapatan na banggitin si Mama para lang makausap ako, gusto kong ibulalas na wala siyang karapatan na magbigay ng konklusyon patungkol sa ugali ko, na wala siyang karapatan na makibalita sa kung ano ang bago sa buhay ko.

"Balita ko malakas ang kita ng talyer mo,  ipagpatuloy mo lang iyon," tanging nasabi ko sabay sukbit ng bag sa balikat ko, "Babalikan ko iyong ibang gamit ko, hindi pa ako nakakabili ng aparador."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nilampasan na siya.

Habang nababa ako ng hagdan ay agad nahagip ng mata ko si Vergel. Kapatid ko sa ama pero anak ng pangalawang kabit ni Papa.

Mas bata siya saakin ng apat na taon, sumakatuwid ay matagal tagal na rin pa lang nagta-taksil si Papa kay Mama.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Mag si-sindi ng damo?" diretsahan niyang pag amin.

Hindi katulad ko na tago ang galit sa ama, iba si Vergel. Hindi kami gaano nagu-usap dahil walang matinong konklusyon kapag nagu-usap kami, pero hindi ko maiwasang isipin na kahit papaano ay may natitira pa akong kapatid.

"Sa tingin ko hindi magandang ideya iyon," pangaral ko sakaniya.

"Ah, oo nga pala. Pulis ka nga pala, anong gagawin mo? Maglalabas ka ng posas at sasabihing may karapatan akong manahimik at kumuha ng sariling Abogado?" maangas na tanong ni Vergel, "Ay, kung tama ang naalala ko ay hindi ka na Pulis. Paano mo ako isu-suplong kung noong Pulis ka pa ay hindi mo nagawa?"

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now