Chapter 23

306 19 5
                                    

CHAPTER 23

[ Almost ]

---

Alex's Point of View

Kulay asul na ang kalangitan habang binabagtas namin ang North Luzon Expressway.

Alasingko kami ng umaga umalis ng Intramuros, suot suot ang dark blue short sleeve polo na iniregalo saakin ni Nathalie noong nakaraang kaarawan ko at puting khaki short na ibinigay saakin ni Jonathan dahil hindi daw kasya sakaniya. 

"Whose car is this?"

Saglit akong napatingin kay Jazzquin, hindi ko maiwasang hindi purihin ang ganda niya. Wala pa siyang ligo ng tatlong araw at linis lang ng katawan ang ginagawa dahil sariwa pa ang sugat niya.

Yoong buhok niya ay inaalon ng malakas na hangin, ang sunglasses niya ay pirming naka sabit sa button down silk vintage shirt na ngayon ko lang nakita. Paniguradong isa ito sa mga binili niya tatlong linggo na ang nakakaraan.

Bumalik ang paningin ko sa daanan habang pinapatong ang palad sa ibabaw ng manibela, "Kay papa." 

Naramdaman ko iyong titig niya, hindi ko makita ang ekspresyon pero alam kong may halo iyong pagtataka.

"It must be really awkward," konkluda niya, "How can you talk and ask him to borrow his car? If I were you, I'll make him pay for leaving your mother."

Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Quin, wala talaga siyang pasensya at mapagtanim siya ng galit. Hindi sa sinasabi kong malusog iyon tignan sa relasyon namin, pero hindi ko maiwasang ma-appreciate na yoong tono niya ay tunog concern.

"Galit ako sakaniya, baby."

"It's not obvious," natatawa niyang sabi, may halo iyong sarkasamo.

Natawa na lang rin ako, "Hindi ko na lang siguro china-channel yung galit ko sakaniya. The last time na nagawa ko iyon, wala akong napala."

Natahimik si Jazzquin sa sinabi ko ng ilang segundo, ako naman ay sinarado ng bahagya ang sariling bintana dahil  nalulunod ako sa hangin.

"Noong napatay ng kasamahan mo iyong nang rape saiyo?" panghuhula niya.

Napakurap na lang ako sa klase ng mga bokubolaryong ginagamit niya.

Walang sala sala. 

"Yeah," kalmado kong sagot na may kasama pang pag tango, "I thought na kapag nahuli ko na siya, magiging masaya na ako. Pero... wala."

Hindi nakasagot si Jazzquin sa sinabi ko.

Ito na ang perpektong pagkakataon na magsimula ng panibagong tapika, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Pinangunahan agad ako ng pangamba, paano kung hindi niya sagutin? Paano kung kwestyunin niya kaagad itong plinano kong pagpunta sa Ilocos? Paano kung magalit siya? Paano kung magduda siya at mag konkluda na pinagdu-dudahan ko siya.

Lihim akong napalunok, isinantabi ang mga iniisip at agad nag isip ng magandang panimula.

"Sinong kamukha mo?" panimula ko, lihim naman akong napamura sa loob loob ko nang makita kong kumunot ang noo ni Quin.

"What?" blankong tonong sagot niya.

"Ang ibig kong sabihin, sa mama at papa mo," kagat pisngi kong paglilinaw at pinasadahan siya ng tingin para gawing mas natural ang akto ko, "Hindi ko pa kasi sila nakikilala, I wonder kung sino ang mas kamukha mo?"

Nadagdagan ang kaba sa dibdib ko nang matagal siyang hindi nakasagot, napaayos pa ako ng pagka-kaupo sa driver sit dahil pakiramdam ko ay nag-iba ang ihip ng hangin.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum