Chapter 9

337 21 4
                                    

CHAPTER 9

[ Safe Haven ]

---

Alex's Point of View

After One Month...

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng tutuluyan ni Nelly, hindi ito kalayuan sa kung saan ako nakatira kaya mas pabor saakin.

Katulad nga ng inaasahan namin ni Mrs. Melanie ay hindi nagbago ang desisyon ni Nelly makalipas ang isang buwan, mas pinili pa rin nitong tumira sa bahay ng isa sa mga kaibigan niya kaysa tumira sa i-isang bubong kasama ang kaniyang ina at step father.

Nilingon ko si Nelly na nakasukbit na ang bagpack sa likuran, tinaasan niya ako ng kilay nang mapansin na hindi pa rin ako kumikilos para umalis.

"Naihatid mo na ako, pwede ka nang umalis."

Napakamot na lamang ako ng ulo dahil wala akong masabi at kinuha ang cellphone na ipinapabigay ni Mrs. Melanie kay Nelly.

Nang i-abot ko iyon kay Nelly ay kumunot ang noo niya, mga ilang segundo niya iyong pinagmasdan bago bumaling ang tingin saakin.

"Kung kay Mama galing iyan, pakibalik na lang sakaniya,"  ani niya sabay martsa papunta sa tapat ng bahay ng kaibigan, "May phone pa naman ako."

Agad ko namang siyang pinigilan sa braso kaya napalingon siya sakin, nakita ko kung paano bumakas ang magkahalong gulat at inis sa mata niya.

"Hindi ito galing sa Mama mo," pagsi-sinungaling ko, tinaasan niya ako ng kilay, "Ako ang bumili nito dahil ako ang may hawak ng kaso ng Papa mo."

"Hindi mo ako responsibilidad," sagot niya saakin sabay alis ng kamay ko sa braso niya, halatang nai-ilang.

"Pinakawalan ka ng DSWD, oo, pero hindi ibig sabihin noon ay papakawalan ka na rin ng NBI," pagtatapat ko sakaniya, "Kung wala ka talagang kasalanan, ta-tanggapin mo ang cellphone na ito."

Pinanlisikan niya ako ng mata sa sinabi ko, lihim naman akong napalunok dahil alam kong medyo mahapdi ang mga sinabi ko pero wala na akong maisip na ibang palusot para tanggapin niya ang cellphone.

Padabog niyang kinuha saakin ang cellphone at kinalikot ito,  nakita kong pumunta siya sa contacts at bahagyang natawa na ako ang nagi-isang nakalista doon.

"Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka," sabi ko sabay turo sa cellphone na ibinigay ko.

"Ano ka? 911?" ikot mata niyang sabi.

"117," pagtatama ko sa sinabi niya sabay talikod, "Kung gusto mo magdagdag ng contacts. It's fine."

Hindi na siya umuntag ng sagot at narinig ko na rin ang pagpasok niya sa gate, napailing na lamang ako at sumakay na muli sa motor ko.

Traffic pero hindi naman problema iyon dahil naka motor ako, tamang pag daan lang sa gilid o kaya naman tamang pag sunod lamang kapag may dumaan na ambulansya. 

Nang makarating ako sa Headquarters ay dumiretso agad ako sa opisina upang umpisahan ang weekly report ko ukol kay Nelly, may contact na rin ako ng kaibigan na pags-stayan niya.

Isinaad ko sa report na walang pagbabago sa ugali ni Nelly, walang senyales na kasabwat siya ng ama niya o ng kinakasama nito sa mga krimeng nangyari.

Matapos iyon ay kinuha ko ang pinaka makapal na folder na hawak kong kaso, sinimulan ko muli itong deduksyunan sapagkat pinagsama sama ko na ang papel ng Shaw Boulevard massacre, murder ni Cash at murder ni Atty. Eusebio.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now