Chapter 13

331 16 9
                                    

WARNING: I know na nasa Note na ito pero kailangan for this chapter. This chapter contains serious scenes na hindi talaga kaaya aya sa mga batang readers, please kung hindi niyo talaga kaya o gustong makabasa  ng 'extreme' themes ay i-skip niyo na yoong ibang scenes. Ayokong magkulang sa paalala kaya for the first time ay nag warning ako sa isang Chapter.

#RapeIsNotAJoke 

CHAPTER 13

[ Love ]

---

Alex's Point of View

Year 1990

Dear Alex, 

You might be wondering who wrote this letter. If you want to know, meet me after school beside the Zero waste.

Secret Admirer.

Napakamot ng ulo ang labing dalawang taong gulang na ako habang binabasa ang love letter na isinilid ni Alyssa sa bag ko.

Minsan ko nang na checkan ang papel ni Alyssa at tandang tanda ko kung paano siya mag sulat ng letter 'a'  kaya agad kong nalaman na siya ang nag bigay nito.

Pink highlighter din ang  ginamit pang sulat ng nagbigay ng letrang ito, sigurado ako na ang paboritong kulay ni Alyssa ay pink dahil halos lahat ng gamit niya ay iyon ang kulay.

Katatapos lamang ng klase at naga-ayos ako ng gamit nang makuha ko ang letrang hawak ko ngayon, iginala ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung naroon pa si Alyssa pero wala na siya. Ako na lang at yoong iba kong kaklaseng lalaki na magka-katropa ang natira.

"Alex! Sama ka? Laro tayo ng text kila Simon?" aya ng mga ito saakin.

Ngumiti naman ako at umiling, "Maga-aral pa ako."

"Sipag naman talaga!" kantyaw saakin ng mga ito, "Nakita pala namin si Alyssa noong recess, naglagay ng letter sa bag mo."

Natawa naman ako sa panlalaglag nila sa kaklase naming babae, kinantyawan pa nila akong galingan sa pangba-basted kay Alyssa dahil iyon naman ang palagi kong ginagawa.

Ilang beses na bang nagta-tapat saakin si Alyssa?

Simula pa iyon noong Grade 4 kami. Ang sabi ko ay masyado pa kaming bata para sa mga ganoong bagay, akala ko naman ay naintindihan niya at sinabi pang maghi-hintay siyang lumaki kami pero tumuntong lang kami ng Grade 5 ay nag tanong siya ng  'pwede na?'

Ngayong Grade 6 kami ay heto nanaman siya, umaarangkada. 

Uwian na kaya hindi na ako nagulat nang maraming estudyante akong nakita na nagsi-silabasan mula sa iba't ibang classroom sa hallway, may ibang high school pang nag ka-klase dahil kalimitan sakanila ay 5:30 ang uwi.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang imbis na daan papunta sa gate ang tinahak ko ay lumihis ako papunta sa pinaka likuran ng eskwelahan kung saan naka destino ang Zero waste.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang imbis na daan papunta sa gate ang tinahak ko ay lumihis ako papunta sa pinaka likuran ng eskwelahan kung saan naka destino ang Zero waste

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon