December 14,2008

476 123 116
                                    


Gusto kong sumigaw.

Ngunit hindi ko magawa.

Mga wala silang awa!

Anong kasalanan ko sa kanila para gawin nilang lahat ito sa akin.

Pinagkatiwalaan ko sila.

Pero bakit?!

Bakit nila binusalan ang bibig ko.

Bakit nila itinali ang katawan ko sa upuang ito.

Bakit nila ako ikinulong sa mabahong lugar na ito.

Ano ang gagawin nila sa akin?!

Jusko!

Natatakot ako.

Pinilit kong iginalaw ang dalawang kamay ko kahit na may nakataling makapal na lubid dito.

Hindi ko ito maalis dahil sadyang napakahigpit nito.

Kumakalam na ang tiyan ko dahil kahapon pa ako walang kinakain.

Kahapon.

Kahapon nila ako dinala dito.

Pauwi na sana ako ng bahay ng sapilitan nila akong isinakay sa mabaho nilang sasakyan.

Sinusubukan kong manlaban.

Ngunit sinuntok ako ng isa sa mga lalaki sa tiyan.

Nang hina ako at may pinaamoy pa sila sa akin na nakakahilong amoy mula sa panyo.

Wala akong nagawa hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Nakatali na ako dito ng magising ako.

Ramdam ko parin hanggang ngayon ang sakit ng tiyan ko.

Batid kong may pasa ito dahil sa lakas ng suntok na natamo ko.

Mga hayop sila!

Kailangan kong makatakas sa lugar na ito sa lalong madaling panahon.

Naalala ko ang cellphone ko.

Abot langit ang dasal ko na sanay hindi nila ito nakuha mula sa bulsa ng pantalon ko.

Pinilit kong iginalaw ang kamay ko papunta sa bulsa sa kaliwa ng pantalon ko sa harapan.

Nanghina ako lalo ng wala akong makapa.

Ngunit hindi ako tumigil pinilit ko ring kapain ang kanan kong bulsa kahit na sobrang sakit na ng kamay ko.

Laking pasasalamat ko ng makapa ko ang cellphone ko.

Maingat ko itong dinukot.

natagalan ako bago ko ito makuha dahil sa nakatali nga ang kamay ko.

Hirap man ay pinilit ko itong gamitin.

Agad kong tinawagan ang kapatid ko.

Calling.....Toot

Hindi!

Hindi maaari.

Bakit ngayon pa ako naubusan ng load!

Bakit ngayon pa, kong kailan mas kailangan ko.

Napahagulgol nalang ako dahil sa kawalan ng pag-asa.

Paano ako makakahingi ng tulong para makalabas sa impyernong lugar na ito.

Sumapit ang alas dyes ng gabi pero wala parin akong magawa para makatakas.

Nanghihina na ako dahil sa gutom.

Mabilis kong itinago sa bulsa ang cellphone ko kahit mahirap dahil may mga naririnig akong mga yapak na patungo sa pinto ng lumang bahay na ito.

Bago pa sila makapasok ipinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring tulog.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pati narin ang pagpasok ng mga demonyo.

"Tulog pa rin sya hanggang ngayon"

"Ano nang gagawin natin sa kanya?"

"Oh basta ako muna ang mauuna"

"Sige lang lahat naman tayo makakatikim"

"Hahaha"

Rinig kong usapan nila.

Mga hayop kayo!

Pinigilan kong mahalata nila na gising na ako kahit nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa takot.

"Gawin nyo na ang gusto nyong gawin sa kanya basta siguraduhin nyo lang na malinis nyong maliligpit ang mga kalat nyo"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa aking mga nakapikit na mata dahil sa boses na yon.

Hindi!

Hindi maaari!

Hindi lang yun basta kong kaninong boses lang.

H-hindi.

Hindi nya to magagawa sa akin!

"Catarina"

Bakit?!

Bakit sa dami ng taong magpapahamak sa akin.

Bakit ikaw pa?!

Ikaw pa na k-kapatid ko?!


                           Liham mula sa iyong----,
                                      Marissa

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now