December 18,2008

212 90 44
                                    

"Pagkatapos mong kumain maligo ka na maglalaro pa tayo!"

"Hahaha ayon sa wakas"

Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang sinabi nila sa akin kani-kanina lang bago nila ako sapilitang ipasok dito sa banyo para maligo.

Kahit pinakain nila ako ay hindi nabawasan ang nararamdaman kong panghihina.

Hindi parin magaling ang mga sugat ko at pasa.

Nilibot ko ang tingin ko sa banyong ito at naghanap ng daan para makatakas ngunit walang kahit isang makakatulong sa akin.

Tanging maliit na timba na may tubig,tabo,sachet ng shampoo,sabon, toothpaste at toothbrush lang ang meron dito sa loob.

Naghahanap pa ako ng maaaring nakatulong sa akin ng makarinig ako nylg malakas at sunod-sunod na katok mula sa pinto mg banyo kung nasaan ako.

"Bilisan mo! naiinip na kami dito,paligayahin mo naman kami kahit papaano!"sigaw sa akin ni Josh na para bang normal lang sa kanya ang hinihiling niya.

Nagpanic naman ako at hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

"Bakit hindi ka sumasagot nag--"

"Hayaan mo muna sya Josh"

Naririnig kong usapan nila.

Nang hindi na ako kinakatok ni Josh ay nagpatuloy lang akong naghanap ng paraan na makakatulong sa akin.

Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan at kailangan kong dumumi.

Nang matapos ako ay bubuhusan ko na sana ang duming inilabas ko sa kubeta ng may naisip bigla.

Bakit ko kailangang sumunod sa kanila na linisin ko ang sarili ko.

Edi mas malaki ang chance na mas Lalo nila akong galawin.

Kung gawin ko kayang mas mabaho ang sarili ko para hindi na nila ako malapitan o mahawakan man lang?

"Dave pare sigurado ka bang hindi tayo matatakasan nun?"

"Gawin mo na ang gusto mo Josh wala akong pakialam,pinapatawag ako ni Jerome at Clarissa may gagawin kaming importante para walang makaalam sa ginagawa natin"

"Sabi mo yan Dave ah sige ikamusta mo na lang ako sa kanila!"

Narinig kong sumara ang malaking pinto ng bahay na ito.

Umalis na si Dave!

Sino pa ang magpipigil kay Josh na gawin ang gusto nya.

Hayop ka Dave akala ko iba ka sa kanila kahit papaano.

Akala ko kasama ka sa mga pag-asa ko na makatakas dito.

Pero mali ako dahil ikaw pa mismo ang  nagtulak sa kasamahan mo na gawin ng gusto niya.

Demonyo ka rin Dave!

Mga wala kayong awa!

"Marissaaa~"nanginig ako sa takot ng tawagin ako ni Josh na parang hinahanap niya ako.

"Lumabas ka na jan sa banyo,wala ng aabala sa atin wag kang mag-alala"

N-no please no!

Naririnig ko ang yapak niyang papalapit sa pintuan

Tumakbo ako palapit sa pinto at inilock ko ang doorknob.

Tahimik akong umiyak hanggang sa mapasigaw ako ng kinalabog niya ang pinto.

"Diba sinabi ko lumabas kana hindi 
ka ba nakakaintindi?!"

Patuloy lang niyang kinakalabog ang pinto habang ako'y umiiyak na nananalangin na sana hindi niya mabuksan ang pinto.

"Akala mo ba talaga,tanga ako?ha!"

"Hahaha"

"Hindi kita hahayaang pumunta sa banyo kung alam kong pwede ka jang magtago marissa."

"May susi ako! naririnig mo!may susi ako hahaha!"

Nang marinig ko yun ay ginawa ko na ang binabalak ko kahit labag sa kalooban ko.

Nilapit ko ang kamay ko sa bowl ng kubeta at kinuha ko ang nilabas kong dumi kanina.

Hindi ko na pinansin ang mabahong amoy nito.

Napapikit na lamang ako habang pinapahid ko ang dumi ko sa buo kong katawan pati narin sa mukha.

Gagawin ko ang lahat wag niya lang akong magalaw.

Gagawin ko ang lahat para makaligtas.

Hihinintayin kita.

Naniniwala ako na malapit mo na akong mahanap.

Maliligtas mo ako.

Nagtitiwala ako sayo!

                           Liham mula sa iyong----,
                                      Marissa

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now