CONTINUING

113 40 14
                                    

Bakit ko sila susundin?!

Kung alam kong pagsumama ako sa kanila maaaring hindi na talaga nila ako buhayin!

Mayroon akong pagpipilian.

Susunod sa kanila o pipilitin paring tumakas!

Tumakbo ako pabalik ng gubat tanda na mas pinipili ko na iligtas ang sarili ko sa kanila.

Hindi ako lumingon kahit sandali man lang.

Ayoko kong makita ang mga pagmumukha nila!

Ilang beses ulit akong nadapa pero patuloy akong bumabangon.

Pagod na ako!

Pagod na akong masaktan!

Ayoko na!

Kaya gagawin ko na ang lahat para naman maprotektahan ko naman ang sarili ko kahit papaano.

Kahit nagtataka kung bakit hindi nila ako hinahabol ay nagpatuloy parin ako sa pagtago.

Halos inabot ako ng gabi sa pagtatago dito sa likod ng malaking puno ng nara.

Nang makarinig ako ng mga ingay at kaluskos ay kinabahan ako ka-agad.

Mabuti nalang at mga ibon lamang pala ito.

Nang medyo nakakaramdam na ako ng antok ay umakyat ako sa isang puno na sigurado akong hindi nila ako makikita.

Ilang sandali pa ay tuluyan na akong nagkatulog dahil sa sobrang pagod.

              December 28,2008
_______________________________________

Mula nang napunta ako sa gubat na ito ay ngayon lang ako nakaramdam ng kaginhawahan.

Hindi nila ako nasaktan ng isang araw.

Hindi narin nila ako hinahap.

Marahil ay sumuko na sila o napagod.

Ngunit maingat parin akong bumaba ng puno kung saan natulog kagabi.

Naalala ko na muntik narin akong mahulog rito dahil sa himbing ng aking pagkakatulog.

Mabuti na lamang ay nakakapit agad ulit ako.

Nang sa wakas ay nakababa ako ng puno ay mabilis kong hinanap muli ang labasan ng gubat na ito.

Ngunit gaya ng kahapon ay hindi ko agad ito makita.

Umabot ulit ng tanghali at patindi ng patindi ang sikat ng araw.

Tiniis ko ito pati narin ang gutom na aking nararamdaman.

Pahapon na ng tuluyan kong nahanap ang pinakalabasan ng gubat.

Pero dahil sa nangyari kahapon ay mas naging maingat ako sa naging galaw ko.

Para akong nabuhayan ng hindi ko sila makita dito sa bako-bakong kalsada.

Sinusubukan kong maghintay ng sasakyan o tao na daraan man lang ngunit walang dumaraan.

Nasaan ba ako?

Ano bang klaseng lugar ito!

May bigla naman akong naalala na pinag-usapan nila Jerome noong hinahanap nila ako.

"Sigurado ka bang hindi pa yun nakakalayo dito Josh?!"

"Sana ay hindi pa dahil malalagot talaga tayo kay Catarina pag nakatakas yun"

"Libutin natin ng buong gubat, sigurado akong hindi yun makakalabas dito dahil mahina ang katawan nun at walang ibang dumadaang sasakyan sa lugar na ito,dalian nyo!"

Kaya pala kahit anong hintay ko sa lugar na to ng sasakyan ay walang dumaraan.

Posible kayang nasa probinsya ako?

Teka saan ba talagang lugar ito.

Wala man lang akong makitang pangalan ng lugar o mga bahay man lang.

Ganito ba talaga ako kamalas?

Isang paraan nalang ang naiisip kong paraan para makaalis sa lugar na ito.

Iyon ang maglakad.

                December 29,2008
_______________________________________

Malayo-layo na ang aking nalakad.

Ngunit wala parin akong nakikitang mga bahay na maaari kong mahingian ng tulong.

Para bang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.

Dito narin ako nagpalipas ng gabi sa may gilid ng kalsada.

Pagkagising ko kanina ay nagpatuloy agad ako sa paglalakad.

Hindi ko iniinda ang sobrang init at gutom.

Para naman akong nabuhayan ng loob ng may makita akong isang kubo hindi kalayuan.

Pagod na pagod akong tumungo papunta doon.

Pinapanalangin ko na sana ay mayroong taong makakatulong sa aking sitwasyon.

Nang sa wakas ay nakarating ako sa tapat ng pintong kawayan ng kubo ay malakas ko itong kinatok.

"T-tulong!may tao po ba dyan sa loob?!"

"Tao po!"

"P-parang awa na po tulungan niyo ako!"

Nangilid ang aking luha ng kahit isa'y walang sumagot o nagbukas man lang ng pinto.

Maya-mayay napahiga na ako sa matigas na lupa dahil sa matinding pagod at gutom dahil sa ginawa kong paglalakad maghapon.

Nanlalabo ang aking paningin at sa tingin ko ay mawawalan ako ng malay.

Ngunit para bang nasayang lang lahat ng pagod na naranasan ko ng marinig ko sila sa aking ulo-han na masayang nag-uusap-usap.

"Sabi ko naman sa inyo boys!wala kayong dapat ipag-alala dahil hindi yan makakatakas,tingnan nyo at sya pa mismo ang naglapit ng sarili nya sa atin."

"Hahaha kaya nga hindi nasayang ang paghihintay natin sa lugar na ito"

"Ang galing mo talaga Catarina!"

"Hahaha ano pang hinihintay nyo bumalik na tayo sa gubat at simulan na natin ang party!"

"Ayon! yes sa wakas!"

Pwede ba kong nababasa mo to.

Gumawa ka naman ng paraan?

Ang sakit lang kasi,yung asang-asa ka na makakatakas kana.

Pero ang masaklap hindi pa pala.

Dahil sabi nga nila ako na mismo ang nagdala ng sarili ko sa kanila.

Ngayon tanggap ko na.

Tanggap ko na ang magiging katapusan ko.

Miss na miss na kita!

Wag mo sana akong kalilimutan.

Mahal na mahal kita---




                            Liham mula sa iyong----,
                                   Marissa

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now