ENDING

142 36 33
                                    

Wala akong ginawa maghapon kung hindi pagmasdan lang silang magpakasawa sa droga at magpakalasing sa alak.

Halos hindi narin sila magkaugaga sa pagluluto ng mga pagkain..

Dahil ang napag-usapan nila ay sama sama nilang sasalubungin ang bagong taon na mangyayari mamaya.

Pinapakaba naman ako ng pagkakalma nila pagdating sa akin ngayon.

Para bang may mali.

Pero hindi ko alam kung ano.

Nang sumapit ang gabi ay halos lahat ng mga lalaki ay wala na sa matinong pag-iisip dahil kahapon pa sila lango sa droga at alak.

Saksi ako kung paano sila suminghot at lumaklak nito.

Kinabahan naman ako ng nakangising lumapit sa akin si Dave.

Akala ko gagawan na naman niya ako ng kahalayan pero inalis niya lang pala ang tali sa kamay ko.

At lalo akong nagulat ng kalasin niya lahat ng tali na nasa aking katawan.

Nagtaka naman ako ng akayin niya ako palapit sa mahabang mesa na puno ng mga pagkain.

Pinaupo nila ako doon at binigyan ng pinggan.

Takang taka talaga ako sa kanilang ginagawa sa akin.

Anong nangyari at bigla nila akong naisipan na pakainin ng napakaraming pagkain sa harap ko.

"Ano pa bang hinihintay mo Marissa kumain kana sige ka!masamang paghintayin ang mga pagkain baka mamaya magtampo yan sayo hahaha!"

Halos naramdaman ko naman ang aking labis na pagkagutom dahil sa mababangong amoy na mga pagkain sa haparan ng mesang ito.

Ilang araw narin akong walang kain kaya naman hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano at kumuha na agad ng mga pagkain na malapit sa akin.

Ngunit isusubo ko na sana ito ng maalalang hindi ko nga pala mangunguya ng maayos dahil wala na akong mga ngipin pa.

Kaninang umaga lang nawala ang epekto ng anesthesia sa aking bibig at doon ko na naramdaman ang pananakit at pamamaga nito.

Ngunit dahil dala narin ng sobrang gutom ay basta ko nalang nilulunok ang mga pagkain na nakukuha ko.

Hindi ko narin inisip ang madudumi Kong kamay.

Para akong mauubusan ng pagkain sa aking ginagawang paglunok.

Nakita ko naman ulit ang matinding pandidiri sa mukha ni Josh.

At ang pagkatuwa ng iba sa aking ginagawa.

Para bang ako ang mahal nilang alaga na ganang gana sa pagkain.

Ngunit hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglantak sa mga pagkain.

"Isang oras nalang sasalubungin na natin ang bagong taon mga kaibigan,Hindi pa ba sya tapos kumain?"

Kinabahan naman ako ng magsimula silang mag-usap sa may hindi kalayuan.

"Hindi pa eh,teka kumukulo na ba ang mainit na tubig Josh?"

Mainit na tubig para saan?

"Oo kanina pa at tsaka sigurado kaba Jerome na kasya sya doon hindi kaya---"

Kasya sya doon?

Teka!

Ako ba ang pinag-uusapan nila?!

Napatigil ako sa pagkain at mabilis kong nailibot ang aking tingin sa paligid.

May nakita ako!

Isang napakalaking kaldero na nakita ko rin kahapon.

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now