December 21,2008

166 79 50
                                    

            
Nanghihina at nananakit parin ang aking buong katawan.

Ngunit hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko ngayong araw.

Guess what?

Hindi na kasi ako nag-iisa.

"Hahahaha"

Malakas akong napatawa dahil sa kiliting nararamdaman ko sa aking dalawang tenga at ibang parte ng katawan.

Kalaunan ay masaya ko na silang tinitingnan.

"Szzfgknzshfdzz"

Para bang musika sa aking tenga ang mga tunog nila.

Mabuti pa ang mga langaw na ito ay naisipan akong samahan.

Hindi naman pala puro pasakit lang ang makukuha ko sa impyernong lugar na ito.

Nagka instant kaibigan pa ako.

Sana hindi rin nila ako traydorin katulad ng ginawa nila Catarina sa akin.

Nangangalay na ako dahil kanina ko pang madaling araw hawak ang cellphone ko.

Meron nalang itong 15% na battery.

Gusto ko nga sana itong ipabitbit sa mga bago kong alaga katulad ng pinapagawa ni Cinderella sa mga alaga niyang ibon.

Kaya lang nahihiya pa ako sa kanila.

Kaya wag na lang,pagtitiyagaan ko nalang itong hawakan sa isang kamay.

Kruuuuu~

Napawi ang ngiti sa aking labi ng maramdaman ko ang matinding pagkulo ng aking  tiyan.

Para bang binubulyawan ako nito na wala akong kwenta dahil hindi ko sila nagagawang pakainin.

Nasaktan naman ako dahil sa sariling naisip.

Paano kung pati ang tiyan ko ay magalit rin sa akin katulad ng pagkagalit sa akin nila Jerome at Catarina?

Sasaktan rin ba ako ng sarili kong tiyan?!

H-hindi!

Hindi maaari!

Gagawa ako ng paraan para hindi sya lubusang magalit sa akin.

Naghanap ako ng maaaring kainin sa paligid gamit ang aking paningin.

Ngunit wala akong makita kahit na ano.

"Szzfgknzshfdzz"

Gumawa ulit ng tunog ang mga langaw na nasa katawan ko.

Para bang natutuwa pa sila na nagagalit sa akin ang sarili kong tiyan.

Pati ba naman sila pagtatawanan ako?

Wala na ba talaga akong makikitang mabuting kaibigan?

Hindi ko alam kung bakit napangisi nalang ako habang tinitingnan ang mga langaw na nagkukumpulan sa aking maduming kamay.

Kung pwede nila akong traydorin siguro naman pwede ko rin gawin yun sa kanila diba?

Masaya kong itiniklop ang aking mga kamay at napangiti na naman ako ng marami akong nakuha.

Ang ibang nakatakas naman ay malayang lumipat ng pwesto sa ibang parte ng aking katawan.

Nang walang ano-ano ay sinubo ko ang aking buong kamay.

Nadama ko ang paggalaw ng mga langaw sa aking bibig na syang ikinatuwa ko.

Nagsimula na akong nguyain sila at nadama ko ang mainit na mga katas nila.

Grabe napakalinamnam!

Bakit ba ngayon ko lang ginawa ito?

Paulit-ulit ko lang ginawa ang ginawa ko kanina para makain ulit sila.

Tumigil lang ako ng mapansing kakaunti nalang sila.

Hindi ko sila pwedeng ubusin.

Kailangan ko pa ng makakasama hanggang hindi mo pa ako natatagpuan.

Itinapon ko ulit ang cellphone ko sa dati nang makarinig na ako ng yapak na patungo rito.

Parang bumalik ako sa katinuan at nakadama ulit ng takot ng marinig ko ang pinag-uusapan nila pagkapasok palang ng pinto.

"Kailangan na natin siyang iligpit, bago pa may makaalam na hawak natin siya Catarina!"

"Hindi mo ba talaga ako naiintindihan Jerome!ang gusto ko,mas lalo pa syang maghirap!kulang pa ang mga sugat na nasa katawan niya!hindi ako papayag na yan lang ang matamo niya!"

"Bahala kana sa buhay mo basta labas na ako jan!"

"At anong gusto mong palabasin ha?na iiwan mo kami sa ere!kung makukulong man tayo sama sama tayong mabubulok sa kulungan! naiintindihan nyo?!"

Halos mabingi ako sa lakas ng sigawan nilang dalawa.

Teka makukulong na sila?

Ibig bang sabihin makakalabas na ako dito?

Sa---

"Wag na kayong magtalo, walang makukulong!Wala namang pakialam ang mga magulang niyan eh!at tsaka walang nakakaalam na nandito siya at mas lalong walang nakakaalam na hawak natin siya kaya kumalma kayo!"

Galit na pag-awat sa kanila ni Dave.

Tama ba ang narinig ko?

Walang pakialam sa akin ang mga magulang ko?

Hindi naman siguro yun totoo diba?

D-diba?

Sabihin mo na namang hindi oh!

Diba hahanapin nyo pa ako!

Kaya hindi pwedeng mawalan kayo ng pakialam sa akin.

Kasi naghihintay pa ako na maliligtas niyo ako.

Naghihintay ako!



                             liham mula sa iyong----,
                                      Marissa

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now