December 23,2008

139 67 45
                                    


Lumapit si Jerome kay Catarina at matagal silang naghalikan sa harapan naming lahat.

Pero napansin ko na sa katawan ko nakatitig si Jerome.

Nahuli naman siya ni Catarina at para bang mas lalong humaba ang sungay nito.

Mabilis niyang itinulak si Jerome at kinuha ang container na dala ni Dave.

Walang awa niyang ibinuhos sa akin ang laman nito.

Halos mawalan naman ng kulay ang buo kong mukha ng maamoy ko kung ano ito.

Gasulina!

At matinding takot pa ang naramdaman ko ng makitang hawak na ni Catarina ang posporong may sindi at handa na itong ibato sa akin.

"Alam mo ba kung kailan ka mamamatay Marissa?!"nakangising tanong sa akin ni Catarina habang pinaglalaruan pa ang posporo sa kanyang kamay.

Humagulhol ako kasabay ng matinding pag-iling.

Wag Catarina!

"P-par-ran-ng-a-awa-a m-m- Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!"

Matinding palahaw ang aking ginawa dahil sa sobrang sakit ng aking nadarama ng bigla niya ng tinapon sa akin ang posporong may sindi.

Nararamdaman kong unti-unti nang nasusunog ang aking balat ko.

"A-ahhhhhhhhhhhhhhh!!"

Wala akong nagawa kong hindi ang umiyak sa sakit.

Habang ako'y unti-unting kinakain ng apoy.

Naririnig ko ang mga halakhak nila.

At ang isinisigaw sa akin ni Catarina.

"Ngayon kana mamatay Marissa hahahaha!"

Iyon ang pinakahuli kong narinig na salita bago ako kainin ng matinding kadiliman.









Dug.dug.dug.dug

Napakalakas ng tibok ng aking puso tanda na ako ay buhay pa.

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata dahil sa nararamdaman kong may tumatapik sa akin.

Jusko!

Napakasamang bangungot!

Akala ko ay nasunog na talaga ako ng buhay kagabi.

Mabuti na lamang ay nagbago pa ang isip ni Catarina at hindi niya ako tuluyang sinunog ng buhay.

Tumulo naman ang aking mga luha ng maalala ko ulit ang nangyari kagabi na akala ko katapusan na ng aking buhay.

Lumapit si Jerome kay Catarina at matagal silang naghalikan sa harapan naming lahat.

Pero napansin ko na sa katawan ko nakatitig si Jerome.

Nahuli naman siya ni Catarina at para bang mas lalong humaba ang sungay nito.

Mabilis niyang itinulak si Jerome at kinuha ang container na dala ni Dave.

Walang awa niyang ibinuhos sa akin ang laman nito.

Halos mawalan naman ng kulay ang buo kong mukha ng maamoy ko kung ano ito.

Gasulina!

At matinding takot pa ang naramdaman ko ng makitang hawak na ni Catarina ang posporong may sindi at handa na itong ibato sa akin.

"Alam mo ba kung kailan ka mamamatay Marissa?!"nakangising tanong sa akin ni Catarina habang pinaglalaruan pa ang posporo sa kanyang kamay.

Humagulhol ako kasabay ng matinding pag-iling.

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now