December 16,2008

293 120 97
                                    


Hindi ko akalain na aabot sa ganto ang pagkainggit nya sa akin.

Sa puntong kaya nya akong ipapatay sa mga demonyong para lang makuha nya ang lahat ng bagay na pinaghirapan kong makuha.

Ang atensyon nila mom at dad,ang pagkakaroon ko ng sariling sasakyan,condo at ibang mga gamit.

Lahat yun gusto nyang makuha mula sa akin.

Dahil noon paman batid ko na talagang ayaw nya sa akin.

Ayaw nya sa bunso nyang kapatid.

Dahil gusto nya sa kanya lang lahat, ang atensyon ng lahat ng tao na malapit sa akin, pati narin ang mga pagmamay-ari ko gusto nya nang akuin.

Hinahayaan ko lang sya dati dahil akala ko hanggang doon lang ang hangganan niya.

Pero hindi!

Nandito siya sa harapan ko kasama ng mga papatay sa akin.

Matapang kong iminulat ang aking mga mata para harapin sila.

"C-catarina bakit?!"

"Bakit mo to ginagawa?!"

Napahagulgol na lamang ako ng wala man lang akong makitang pagkaawa sa akin.

Sa halip ay parang sayang-saya pa sya na makita akong naghihirap sa upuan na ito.

"Parang awa muna pakawalan niyo ko!"pakiusap ko sa kanila dahil hindi sila nagsasalita at nakangisi lang silang lahat sa akin na parang mga demonyo.

Lumapit sa akin si Catarina.

Akala ko papakawalan niya na ako pero hindi dahil mahigpit niyang sinabunutan ang ulo ko at itiningala ako sa kanya tsaka sya nagsalita sa mismong mukha ko.

"Maawa?ha!bakit naawa kaba noong nakiusap ako sayo na kausapin mo sila mom at dad na tulungan ako na piliting wag makipaghiwalay sa akin ang boyfriend ko!diba Wala kang ginawa?!mahal na mahal ko ang boyfriend ko dahil sa lahat ng tao sya lang ang nakakaunawa sa akin!tapos ano makikita pa kita na kaharutan ang boyfriend ko sa labas mismo ng bahay nya?!Wala na nakipaghiwalay na sya sa akin dahil malandi ka--

"Mali ka ng iniisip Catarina!"putol kong sigaw sa kanya

Nandoon ako sa bahay ng boyfriend nya dahil pinapakiusapan ko ito na wag hiwalayan si Catarina dahil alam ko na hindi kakayanin ni Catarina na mawala ang boyfriend nya.

Pero hindi ko sya napilit dahil Wala na daw siyang balak balikan pa si Catarina dahil nasasakal na raw ito.

Hindi ko alam na nakita pala kami ni Catarina nung araw na iyon.

At napagkamalan pa niyang nilalandi ko ang boyfriend niya.

Kaya pala noong araw na iyon ay naabutan ko magulo at sira-sira ang mga gamit sa kwarto ko.

Nakita ko naman na nagulat siya sa paraan ng pagsigaw ko sa kanya dahil buong buhay ko hindi ko sya magawang pagtaasan ng boses o kaya magalit sa kanya.

"Mali ka ng akala gina----"

Arghh!

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng suntukin ako ng isa sa mga lalaki sa sikmura.

Halos manlabo ang paningin ko dahil sa sakit na nun.

Sinuktok niya ako sa tiyan ko na may pasa!

Ahhhh!

Namimilipit pa ako sa sakit ng sipain nya na naman ako sa may mismong dibdib ko.

Natumba ako sa malamig na sahig kasabay ng upuan kong saan ako nakatali.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko maimulat ng aking mga mata dahil sa labis na sakit at panghihina ng katawan ko.

Hindi ko makita kong ano ang reaksiyon ni catarina pero mukhang nasisiyahan pa siya, dahil wala siyang ginagawa para pigilan ang lalaking ito na saktan ako.

Malinaw sa akin na si Jerome ang lalaking sumuntok at sumipa sa akin.

Ang dati kong kasintahan.

Hindi ko alam kong bakit niya rin to ginagawa.

Akala ko malinaw na sa kanya na tapos na kami.

Hiniwalayan ko siya dahil masyado syang seloso to the point na sinasaktan nya na ako kahit nakikipagusap lang naman ako sa lalaki kong kaklase.

Hindi ko malilimutan ang gabing minsan niya na akong bugbugin.

Mabuti nalang ay napigilan agad siya ng mga kaibigan niya na ngayon ay nandito rin kasama niya sa kademonyohan.

Pinagkatiwalaan ko sila na hindi nila ito magagawa sa akin.

Mga hayop sila!

"Wala kang karapatan na pagtaasan ng boses ang babaeng mahal ko Marissa.Yan ang nababagay sayo! humalik ka sa lupa kapalit ng pagsayang mo sa akin,Mabuti nalang at nandito si Catarina para damayan ako sa pakikipaghiwalay mo sa akin noon.Tingnan mo nga naman at kami pa ang nagkatuluyan sa huli."malademonyong sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ng mahigpit ang mga panga ko.

N-nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Hindi ko man lang magawang ipaglaban ang sarili ko.

Ahhhhh!

Tuluyan ng nandilim ang paningin ko ng malakas niya kong sinuntok sa mukha.

Hindi ko na alam kong magagawa ko pa bang makaalis dito.

Kaya naman.

Tulungan mo ako.

P-pakiusap!

                            Liham mula sa iyong----,
                                        Marissa

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now