December 17,2008

232 98 60
                                    

Akala ko mawawala na ang isa sa pag-asa ko.

Mabuti na lamang bago nila ako makita ay naitapon ko ang cellphone ko sa madilim na parte ng dingding na malapit sa akin.

Hindi nila ito makikita dahil may mga basurang nakakalat doon.

Sana lang talaga ay huwag nila itong makuha sa akin.

"Mabuti naman pala at gising kana,akala namin nasa mahimbing ka pang pagtulog mahal na prinsesa"nakangising pang-aasar na sambit sa akin ni Dave.

"Haahaha pwede ko naman syang gisingin Dave pare eh"pabirong sagot naman sa kanya ni Josh.

Tiningnan naman sya ng masama ni Dave

"Ako ang mauuna Josh tandaan mo yan"seryosong pagbabanta nito.

"Pare hindi ba pwedeng sabay nalang tayo"

Hindi ko alam kong ano ang pinag-uusapan nila pero kung ano man yun hindi maganda ang kutob ko dito.

"Depende"nakangisi paring sabi ni Dave habang titig na titig sa akin.

Nakadama ako ng takot ng unti-unti akong nilapitan ni Josh at hinawakan ang pisngi ko.

Sasaktan na naman ba nila ako?

"Ayon naman pala eh,bakit hindi pa natin simulan ngayon Dave?"

Nanginig ang buo kong katawan ng dahan dahan niyang ibinaba ang kamay niya sa aking binti at hinimas iyon.

Manyakis!

Pilit kong iniiwas ang aking binti ngunit dahil nakatali ako ay malaya niyang nagagawa ang kanyang gusto.

Napaluha na lamang ako dahil sa takot sa mga maaari niyang gawin sa akin.

"Mamaya mo na gawin yan"walang emosyong sambit ni Dave kay Josh sa paghipo sa aking binti.

"Kunin mo muna ang mga gamit sa sasakyan at dalhin mo dito sa loob"utos niya pa rito.

Labag man sa loob ni Josh ay itinigil niya ang paghawak sa akin at mabilis siyang lumabas sa lumang lugar na ito.

Nang makalabas si Josh ay lumapit sa akin si Dave.

Dahil nga nakahandusay ako sa sahig kasama ang upuan na ito ay lumuhod siya sa tapat ko.

Nagulat ako ng itinayo nya ang upuan sa sahig kong saan ako nakatali.

Bakit parang ang bait nya ata sa akin?

Totoo ba ang pinapakita niya o nagpapakitang tao lang sya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil kanina pa sya titig na titig sa mukha ko.

Hindi sya nagsasalita kaya naman hindi ko alam kong anong kailangan nya sa akin.

Naputol ang pagtitig niya sa akin ng pumasok sa pinto si Josh at may dala itong supot na malaki.

Umalis sa tapat ko si Dave at pumasok sa lumang banyo ng lugar na ito.

Lumapit naman sa akin si Josh at marahas niyang inalis ang pagkakatali sa bibig ko.

Tatangkain ko na sanang sumigaw ng takpan niya ng mahigpit ang bibig ko.

H-hmm

"Wag mo nang subukan pang sumigaw baka gusto mong putulan kita ng dila binibini!"nakangising babala sa akin ni Josh.

H-hmmm!

"Hayaan mo na sya"pigil na naman sa kanya ni Dave na kakalabas lang ng banyo.

Pagkabitaw palang sa akin ni Josh sumigaw na agad ako para makahingi ng tulong.

"Tulooong!"

"Tulungan nyo ako parang-awa nyo na!"

"Tulong!"

"Palabasin nyo ako dito!"

Napatigil ako sa pagsigaw ng malakas silang tumawa na parang may nakakatawa sa ginawa ko.

"Kahit sumigaw ka pa magdamag dito mga puno lang ang makakarinig sayo"walang emosyong sambit sa akin si Dave.

"Anong akala mo sa amin tanga para ikulong ka sa maraming tao?"

Hindi ko sila pinakinggan at nagpatuloy lang sa paghingi ng tulong.

Inis na lumapit sa akin si Josh at sinampal ako.

Sinabunutan niya pa ako ng mahigpit at iniangat ang mukha ko.

Ahhhh!

"Tumigil ka kakasigaw nakakarindi ka! baka gusto mo talagang putulan kita ng dila magsabi ka lang!"

Hayop ka!

"Wala akong ginagawang masama sa inyo bakit nyo to ginagawa sa akin?!"

At dahil malapit sya sa akin dinuraan ko siya sa mukha.

Napalayo naman siya sa akin at galit niya akong tiningnan habang pinupunasan ang mukha niya na dinuraan ko.

Hindi ako nagpatalo sa kanya at galit ko rin syang tiningnan.

Hindi ako magpapatalo sa kanya.

Mga hayop sila!

Inis naman na lumapit sa akin si Dave.

Akala ko sasaktan niya rin ako pero kinalagan niya ang kamay kong nakagapos at iniabot sa akin ang supot na bitbit kanina ni Josh pagkapasok kanina.

"Kumain ka, masyado kang maingay!"

Para naman akong patay gutom na nilantakan agad ang pagkain.

Napahagulgol na lamang ako habang kumakain.

Sa wakas pinakain na nila ako pagkatapos ng ilang araw.

Wala akong pakialam kong tinitingnan nila ako ng may pandidiri dahil para akong patay gutom na kinakamay ang pagkain na binigay nila.

"Pagkatapos mong kumain maligo ka na maglalaro pa tayo!"

"Hahaha ayon sa wakas"

Nanginginig ako sa takot ng sabihin nila yon.

Hindi ako tanga para hindi malaman kong anong masamang binabalak nila sa akin.

Hindi!

H-hindi maaari!

Parang awa nyo na pakawalan niyo na ako.

Bago pa nila babuyin ang katawan ko.

T-tulong!

Parang-awa mo na!


                       Liham mula sa iyong----,
                                 Marissa

How I Die(BOOK ONE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant