December 19,2008

195 79 49
                                    

Halos masuka ako sa dumi na nasa katawan ko ngunit hindi ko ito pinansin pa.

Nakita kong pumihit na ang doorknob.

Binuhos ko ang natitirang tubig sa timba para wala na talagang paraan para malinisan nya ako.

Walang tubig ang gripo dito dahil luma na talaga ang bahay na ito at ang tubig na nasa timba kanina ay galing lang sa mineral water na dinala nila kanina.

Nagtataka naman ako ng hindi nya binubuksan ang pintuan.

Nang walang ano-ano ay.

Boghsss!!!

Ahhhh!

Sinipa nya ang pinto at muntikan na akong matamaan sa mukha kong hindi ako nakaatras.

"Akala mo ba---akdgsks pwe"

Hindi nya na naituloy ang kanyang sinasabi dahil sa nakita at naamoy niya sa kung anong ginawa ko sa sarili ko.

Tama ang hinala ko madidirihin sya dahil ng kumakain ako kanina ng nakakamay ay halos hindi nya ako matingnan.

Halos hinang-hina sya habang sumusuka.

Sino nga bang hindi masusuka sa ginawa ko?

Hindi ko na siya binigyan pa ng pansin at kinuha ko na itong pagkakataon para makatakas.

Tumakbo ako patungo sa pinto kahit hirap na hirap dahil sa sakit ng katawan ko.

Buong lakas kong pinihit ang doorknob ng malaking pintong ito.

Sa wakas makakalabas na ako sa impyernong lugar na ito.

Sisiguraduhin kong mabubulok silang lahat sa kulungan.

Mga hayop sila!

Hindi bumukas ang pintuan!

H-hindi!

Nakalock ito.

Susi!

Kailangan ko ng susi.

Lilingon na sana ako para kuhanin ang susi kay Josh ng may biglang pumalo ng malakas sa likod ko.

Arggggg!

Napabulagta ako sa sahig dahil sa lakas ng palo nya sa akin.

Nang makita ko kung ano ang ginamit nyang pamalo sa likod ko ay lalo kong naramdaman ang sakit.

Ang upuan kung saan ako nakatali kanina ay syang pinampalo sa likod ko ngayon.

Pakiramdam ko ay may nabali na buto sa likod ko.

Nararamdaman ko rin na may umaagos na mainit na likido dito.

Arggggg!

Sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko.

Napansin kong hindi nya magawang lumapit sa akin dahil parin sa amoy ko.

Galit lang syang nakatingin sa akin.

Kahit hirap na hirap ako dahil sa sakit na aking nararamdaman ay pinilit kong tumayo.

Nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa panghihina.

Wala na akong sinayang na oras at tumakbo na ako palapit sa kanya.

Hindi para saktan siya kong hindi para pahinain siya gamit ang duming nasa aking katawan.

Naisip niya siguro ang binabalak ko kaya lumayo sya sa akin.

Ngunit nahawakan ko sya sa kanan niyang braso.

Yun pa lamang ang ginagawa ko ay halos masuka na sya.

Kaya naman niyakap ko na siya mula sa harapan at pinahid ang kamay kong may dumi ko sa mukha niya.

Tinulak niya ako ng pagkalakas-lakas para lang makawala sya kaagad sa akin.

Tulad ng aking inaasahan ay nanghihina na naman sya habang sumusuka.

Kinuha ko itong pagkakataon para kuhanin ang susi na nasa may likuran ng bulsa niya.

Nang makuha ko ito ay agad akong tumakbo sa pintuan.

Nang mailagay ko ang susi ay malakas ko ulit pinihit ang doorknob.

Nang mabuksan ko ito ay nagulantang ako dahi--

"May balak kang takasan kami?!Marissa!hindi ka dito makakatakas tandaan mo yan!"

Arggggg!

A-aray!

Pagkabukas ko ng pinto ay si Catarina ang bumungad sa akin kasama sila Jerome.

Pagkakita nya sakin ay agad syang nag-apoy sa galit at kinaladkad niya ako gamit ang aking mahabang buhok.

Arrggg!

Kinaladkad niya ko sa magaspang na sahig na ito kaya naman mas nadagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko sa likod ko.

Naramdaman ko rin ang malakas ng pag-agos ng dugo dito.

Hindi man lang siya nandiri na hawakan ako kahit na ganito ang itsura ko sa halip ay sinampal niya pa ako ng pagkalakas-lakas.

A-aray!

"Ang mga maduduming katulad mo nararapat na maligo!"

Tsaka niya ko ulit kinaladkad patungo sa banyo.

Halos magmakaawa ako sa kanya na itigil nya na ito dahil masyado na akong nasasaktan ngunit tumawa lamang siya na parang demonyo.

"Kahit na sino ay hindi maaawa sayo dahil yan!yan ang nababagay sayo! naririnig mo?!"

Napahagulgol ako dahil sa ginagawa niya sa akin.

Kapatid ba talaga ang turing nya sa akin?

Bakit ganyan niya ko ituring.

Gusto niya na ba talaga akong mamatay.

"Catarin--"

Ahhhh!

Halos mandilim ang paningin ko ng iuntog niya ang ulo ko sa matigas na bowl na nasa harap namin.

"Wala kang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko!"

"Dahil hindi naman talaga kita kapatid!"

"Hindi ko kayo kapatid!ampon lang ako!"

"kaya nga wala kayong pakialam sa akin lagi diba?!

"Diba Marissa?!"

Umiling iling ako sa kanya dahil hindi ko alam kong anong pinagsasabi niya.

Kahit kailan kahit alam kong ampon lang siya nila mom at dad hindi namin siya tinuring na iba.

Tinuring ko siyang kapatid ngunit hindi ko alam kong bakit niya to ginagawa sa akin.

Nababaliw na sya!

Hindi na sya ang kapatid na kilala ko.

Ang dugong tumutulo sa nuo ko ay dumiretso sa bowl ng kubeta.

"Ahhh mamatay kana!mamatay kana!"

Wala na akong magawa ng ilublob nya ang mukha ko sa bowl na may tae at dugo ko.

Halo-halong sakit ang nararamdaman ko.

Sakit ng katawan.

At sakit ng kalooban.

Dahil ang kapatid na itinuturing ko ay ninanais na ako'y mamatay.

Ilang sandali pa ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

S-sana kung may pagkakataon pa man na maidilat ko ulit ang aking mga mata.

Sana makita na kita.

Sana makasama na kita.

S-sana mahanap mo na ako.

              

                            Liham mula sa iyong----,
                                     Marissa
     

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now