December 30,2008

121 36 36
                                    

Nagising ako ng maramdaman ko na parang may inaalis sa bibig ko.

Nang maimulat ko ang aking nanlalabong mata ay agad na bumungad sa akin si Catarina na may hawak na Pliers at injection.

Hahawakan ko na sana ang bibig ko dahil may nararamdaman talaga akong tumutulo mula rito ng makitang nakatali pala ang buo kong katawan sa puno ng langka dito sa labas ng lumang bahay kung saan ako dati nakakulong.

Nagtataka naman ako dahil may tumutulo talaga sa aking bibig at namamanhid ito.

Nang dumami ng dumami ang tumutulo na likido sa aking bibig ay napunta ito pababa sa aking katawan.

Doon ko lamang napagtanto na dugo pala ang lumalabas mula sa bibig ko.

T-teka.

A-anong----

"Nagustuhan mo ba ang handog kong libreng bunot ng ngipin kapatid?!Hahaha naiirita kasi ako sa ngipin mo!masyado akong nasisilaw, masyadong nagmamataas sa akin, kaya ayan! ako na mismo ang magtatanggal para sayo Marissa.Wag kang mag-alala apat nalang naman ang natitira sa unahan hahaha!"

Hayop ka Catarina!

Lahat nalang gusto mong mawala sa akin!

Pilit ko namang iniiwas ang aking mukha ng balak niya na namang bunutin ang ilang natitira kong ngipin.

"Oh! wag kang matakot,may anesthesia naman akong nilagay eh hindi mo nararamdaman ang sakit, promise!ah kana marissa!ah!"

Tila ba doctor ito kung kumausap sa akin at talagang nakasuot pa sya ng pang doctor na lab coat.

Nasisiraan na talaga sya ng ulo!

Hindi ko sya pinakinggan at pilit paring iniiwas ang aking mukha at itinikom ko ng masyado ang aking bibig.

Nakita ko naman na parang napipikon na siya sa akin.

Napasigaw nalang ako sa sakit ng kurutin niya ang aking balat sa tiyan gamit ang Pliers.

Arggggg!

Sobrang sakit ng kanyang ginawa!

Masaganang dugo agad ang lumabas mula rito papunta sa aking hita at ari.

Nakita ko namang napangisi si Catarina sa kanyang ginawa at sa naging reaksiyon ko.

J-jusko tulungan niyo po ako!

Ahhhh!

Napadaing na naman ako sa sakit ng marahas niyang hinawakan ang panga ko at sapilitang ibinuka ang bibig ko.

"Ginagalit mo talaga ako marissa!ganyan ba talaga katigas ang bungo mo?!ha!ngumanga ka!nganga!"

Hindi ako makasagot sa kanya dahil halos mabilaokan na ako sa dugo na pumupunta sa lalamunan ko.

Nakita ko naman kung paano niya binunot isa-isa ang mga natitira kong ngipin.

Namamanhid ang bibig ko dahil nilagyan niya ito ng anesthesia at tanging pagdaloy lang ng dugo ang nararamdaman ko.

Kaya pala sya may hawak na injection kanina!

A-aray!

Sobrang hapdi naman ng aking tiyan at patuloy lang itong nagdurugo.

Habang sila Jerome ay masaya lang na nag-iinuman at nag hihithit ng droga sa hindi kalayuan.

Napansin ko rin ang pagkalaki-laking kaldero na para bang kasya na ang isang malaking baboy sa loob.

Marami rin silang hinahandang pagkain at may mga bago silang mga kasamahan na hindi na mabitawan ang drogang mga hawak nila.

Pak!

Pak!

Napatigil ako sa pagtingin sa paligid ng dalawang beses akong sinampal ni Catarina sa aking pisngi.

Halos tumalsik lahat ng dugo sa aking bibig.

Masama niya akong tiningnan at itinapat sa aking mukha ang Pliers na hawak niya.

"May balak ka na naman bang agawin ang boyfriend ko marissa?! masyado kang malandi para tingnan ang boyfriend ko ng ganyan!bakit?!nagsisisi ka na ba na hiniwalayan mo sya?kawawa ka naman pala,dahil kahit boyfriend mo dati eh nagagawa kang saktan. hahaha umaayon talaga sa akin ang tadhana,bravo!"

Para siyang demonyo na may mga mahahabang sungay habang nagsasalita sa harapan ko.

Gigil na gigil siya na paduguin ang katawan ko.

Pero maya-maya ay nag-iba ang reaksiyon niya at masaya na siyang nakatingin sa akin.

"Magpahinga kana kapatid marami pa tayong gagawin bukas,samahan mo kaming magdiwang ng bagong taon bukas ng gabi ha.Wag kang mawawala,sige mauuna na ako!"

Malamyos ang mga tinig niya at para bang ibang tao siya ngayon sa harapan ko.

Mahinhin siyang naglakad palayo pero agad ring tumigil at humarap sa akin ng may mala-demonyong ngisi sa mukha.

"Sya nga pala!nalimutan kong sabihin na,bagay sayo ang walang ngipin hahahaha!

Demonyo ka Catarina!

Nababaliw ka na!

Pag ako nakatakas dito.

Sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan.

Hintayin niyo lang!



                            Liham mula sa iyong----,
                                     Marissa

How I Die(BOOK ONE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora