December 15,2008

349 122 81
                                    

Habol ang hiningang iminulat ko ang aking mga mata.

Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa aking buong katawan.

Ilang segundo pa ay sumunod ko nang naramdaman ang sobrang sakit na bumabalot sa akin.

Napahagulgol na lamang ako.

Jusko panginoon tulungan mo po ako.

Ilang minuto rin akong umiyak at nagdasal.

Nang medyo kumalma ay tsaka ko lang nagawang ilibot ang paningin ko.

Madilim na!

Ilang oras kaya akong walang malay at nakahandusay sa malamig na sahig na ito?

Kru~

Halos pigain ko ang aking tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.

Ilang araw na ba akong walang kinakain o iniinom man lang.

Mga wala ba talaga silang awa!

Ang cellphone ko!

Baka nakuha na nila Ito mula sa akin.

Hindi!

Gamit ang nakatali paring kamay ay hirap kong kinapa ang cellphone ko.

Nandito!

Marahan ko itong dinukot mula sa aking malalim na bulsa.

Hindi ko alam kong bakit hindi nila alam na mayroon akong cellphone sa bulsa.

Pero malaki ang pasasalamat ko dahil hindi nila ito nakuha mula sa akin.

May pag-asa pa ako.

Napansin kong meron pa itong 30% na battery.

Pero ang ipinagtataka ko talaga.

Bakit kahit isa wala man lang tumatawag o nagtetext sa akin.

Bakit?

Dati naman ay oras-oras nila akong tinatawagan para lang kamustahin.

Anong nangyayari?!

Naging malinaw lang sa akin kong bakit.

Yun ay dahil walang signal sa lugar na ito.

Napansin kong ala's onse na pala ng gabi.

Halos isang araw pala akong nawalan ng malay.

Kinutingting ko ang aking cellphone ngunit wala talaga akong makitang makakatulong man lang sa akin.

Hanggang sa napadpad ako sa isang apps na madalas niyang gamitin.

Isang apps na kina aadikan niyang gamitin sa cellphone ko.

Ang wattpad apps.

Grabe miss ko na sya!

Hinahanap niya kaya ako.

Malamang nag-aalala na rin siya sa akin.

Kilala ko siya hindi niya hahayaang mapahamak ako.

Sana ay mahanap na niya ako ka-agad dahil hirap na ako dito.

Pinag-aralan kong masyado ang wattpad apps na Ito.

Nakita kong maraming story ang nakalagay sa library.

Karamihan tapos niya ng basahin ang iba naman ay hindi pa niya nasisimulan.

Ibat ibang genre ang meron bawat storya.

Mayroon ding mystery/thriller.

Kaya niya siguro ito nagustuhan.

Nagpatuloy pa akong pag-aralan Ito.

Kanina ko pa napapansin ang maliit na box sa gitna na may nakalagay na logong lapis.

Siguro'y dito isinusulat ang mga storyang nasa library ng apps na ito.

At tama nga ako dahil pagkapindot ko palang dito ay tumambad ang nakasulat na.

"Create a new story"

Dahil sa aking kuryosidad ay pinindot ko ito.

Nakita ko naman ang nakalagay dito.

Mayroong story information na hinihingi.

"Cover"

"Story Title"

"Story Description"

Depende kong anong story ang gagawin mo.

Pero agad akong napatigil sa ginagawa ko.

Dahil nakarinig na naman ako ng mga yapak papunta rito.

Huli na ang lahat para maitago ko ang cellphone ko sa bulsa dahil binuksan na nila ang pinto.

N-no!

Hindi nila ito maaring makuha mula sa akin.

Bukod sayo ay ito lang ang pag-asa ko.

K-kaya nagmamakaawa ako sayo!

P-please.

Hanapin mo na ako.

Hihinintayin kita!

I-ipinapangako ko yan.



                            Liham mula sa iyong----,
                                       Marissa

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now