December 26,2008

120 54 32
                                    

You can play the song "Ili Ili tulog anay"in this chapter para damang-dama mo lalo ang pagbabasa.
_______________________________________

Halos bumagsak ang aking talukap ng mata ng marinig ko ang malamyos na pag-awit niya sa akin.

                    Ili Ili tulog anay
              Wala diri imong nanay
            Kadto tienda,bakal papay  

                  
                  Ili Ili tulog anay

                 Ili Ili tulog anay
            Wala diri imong nanay
          Kadto tienda,bakal papay

                Ili-ili tulog anay
           Mata kana,tabangan mo
           Ikarga ang nakompra ko
       Kay bug-at man sing putos ko
          Tabangan mo ako anay.

Ngunit hindi ko kailangan ang tinig nya!

Hindi ito makakatulong sa akin!

Mula sa pagkakabitin ay pilit niya akong sinubuan.

Ngunit halos isuka ko lamang ito, pero sadyang napakatiyaga niyang pakainin ako upang magkalaman ang aking sikmura.

Hindi ko na alam ang sunod niyang ginawa sa akin dahil tuluyan na akong nagkatulog dahil sa patuloy nyang pag-awit.

                   Ili Ili tulog anay
              Wala diri imong nanay
            Kadto tienda,bakal papay  

                  
                  Ili Ili tulog anay

                 Ili Ili tulog anay
            Wala diri imong nanay
          Kadto tienda,bakal papay

                Ili-ili tulog anay
           Mata kana,tabangan mo
           Ikarga ang nakompra ko
       Kay bug-at man sing putos ko
          Tabangan mo ako anay.

                
Salamat.

Dahil sinamahan mo ako kahit sandaling oras lamang.

P-paalam.

Nagising ang aking diwa at halos malula naman ako ng maimulat ko ang aking dalawang mata.

Oo nga pala nandito parin ako.

Naniniwala ba kayo na halos isang araw na akong nakabitin patiwarik dito sa puno ng langka?

Halos namamanhid na rin ang buo kong katawan.

At pakiramdam ko ay lalabas na mula sa aking bibig lahat ng laman loob ko sa tiyan.

Hilong hilo akong pumikit muli.

Hindi ko alam kong anong ginawa ko sa kanila para gawin nilang lahat to sa akin.

S-sana may pag-asa pa akong mabuhay.

Gusto pa talaga kitang makasama.

Miss na miss na kita.

Mahina akong napahagulgol dahil sa aking kalagayan.

Pagod na pagod na ako.

Matatanggap mo kaya pag ako ay nawala?

Maging matatag kalang.

Dahil lagi naman kitang sasamahan.

Mahal kita wag mo yang kalilimutan.

Nagitla ako ng isang malakas na kulog ang ginawa ng kalangitan, maya-mayay sinabayan na ito ng malakas na hangin at ulan.

Halos gumalaw ang katawan ko dahil tinatangay ng hangin ang mga sanga ng puno.

Isang oras na ang nakakalipas at mas lalo pang lumakas ang hangin at ulan.

Lamig na lamig ako at halos malunod ako sa tubig na pumupunta sa aking ilong.

Craakk!

Mayroon akong narinig na parang nabibiyak.

Boghsss!

Ilang sandali pa ay nahulog ako dahil nabiyak ang sanga kung saan ako nakabitin.

Halos dumaing ako sa lakas ng impact ng aking pagbagsak sa lupa.

Ngunit nagpasalamat ako sa kalikasan dahil parang ito na mismo ang gumagawa ng paraan para ako'y makatakas.

Kahit namimilipit sa sakit ay pinilit kong bilisan ang pagtanggal ng tali sa aking binti.

Nang maalis ko ito ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakas.

Ngunit dahil madilim na ang kalangitan at sinabayan pa ng malakas na ulan at hangin ay wala akong masyadong makita.

Patuloy lang ako sa paglalakad at umaasang wag akong mahuli nila Catarina.

Ilang beses akong natapilok at humalik sa lupa ngunit hindi ito makakapigil sa pag-alis ko sa lugar na ito.

Napaupo naman ako dahil sa malakas na kidlat na nilikha ng langit.

Nang dahil rin sa kidlat ay nagbigay ito ng panandaliang liwanag sa paligid.

Sapat na para makita ko ang kubo sa hindi kalayuan kung saan nagmumula ang mga ingay ng baboy.

Kumidlat pa ulit at nagbigay na naman ito ng panandaliang liwanag.

Ngunit halos manginig ang buo kong katawan ng makita ko sila Jerome na naghahanap sa paligid kahit na umuulan dala ang kanilang mga flashlight.

Kahit hindi ko sabihin.

Alam kong ako ang hinahanap nila.

Pero wala nang makakahadlang sa akin.

Tatakas ako.

At wala nang makakapigil sa akin.

 


                            Liham mula sa iyong----,
                                    Marissa
         

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now