December 25,2008

131 57 36
                                    

Hindi na ako nagulat ng mabilis niya akong sugurin at sampalin ng pagkalakas-lakas.

Kinuha niya mula sa akin ang cellphone ko at itinago niya iyon sa bulsa.

Dali-dali nyang tinanggal ang lubid na nakatali sa aking kamay at paa.

Dahil wala na syang masasabunutan na buhok ay sa paa niya ako kinaladkad.

Gusto kong lumaban mula sa kanya!

Pero wala akong makuhanan ng lakas.

Halos lahat ng parte ng katawan ko ay masakit at namamaga.

Para akong laruan na malayang pinaglalaruan.

Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking likod.

Ramdam ko na unti nalang mawawalan na ako ng balat dito.

Masyadong magaspang ang sahig at talagang napakasakit nito.

"Wala kang karapatang gamitin ang mga bagay na dapat ay akin Marissa!"

Malakas na sigaw niya sa akin.

Hindi na ako sumagot.

Para saan pa?

Hindi niya naman ako pinapakinggan.

Dahil ang isang demonyo ay kay satanas lamang nakikinig.

Isang demonyo si Catarina!

At ang satanas na magpapatigil sa kanya ay hindi pa dumadating.

Napansin ko na nandito na kami sa labas ng lumang bahay.

Wala syang tigil sa pagkaladkad sa akin.

At tuwang tuwa pa sya na nakikitang may naiiwan na dugo sa sahig.

Hinang-hina kong nilibot ang aking paningin.

Tama nga sila gubat nga ang lugar na ito.

Wala akong ibang makita kung hindi mga naglalakihang puno.

Sa kalayuan ng gubat ay may natanaw akong isang maliit na kubo.

Nakakarinig rin ako ng mga tunog ng baboy mula rito.

Napahinto ako sa pagsulyap sa kubo ng dumating sila Josh at masaya pang tinitingnan ang ginagawa sa akin ni Catarina.

"Salamat nga pala sa katawan mo Marissa nag-enjoy talaga kami,sa susunod ulit ha! hahahaha"

Mala-demonyo rin na sabi sa akin ni Dave.

Lumabas narin ang totoo niyang ugali!

"Wag lang kayong tumunganga dyan tulungan niyo akong ipatiwarik to sa puno!"

P-pakiusap tama na.

Tumigil na kayo!

"Napakatalino mo talaga Catarina, paanong hindi mo nakalimutang pasko ngayon?magtatayo ka pa ng sarili mong Christmas tree hahaha!"

Mga hayop talaga kayo.

Mga wala kayong awa!

Akala ko wala si Jerome pero sumulpot nalang siya bigla na may dala nang mahabang lubid.

Agad silang lumapit sa akin at sinimulan nila akong lagyan ng lubid sa kamay at paa.

Napakahigpit nito na parang hinahati ang mga laman ko!

Hindi nakalagpas ang hubad kong katawan sa mga malilikot na kamay nila.

Para itong mga gutom na hayop na pinang-gigigilan ang kahubaran ko.

Kahit pigilan kung hindi umiyak ay kusa na lamang tumutulo ang luha ko.

A-yoko na!

"Tama nayan!ibitin nyo yan sa may puno ng langka malapit sa may puno ng nara, siguraduhin nyong hindi yan makakatakas kung hindi malalagot talaga kayo sa akin!

Nang marinig nila ang sinabi ni Catarina ay mabilis nila akong binuhat at pinagtulungang ibitin patiwarik sa puno ng langka.

Nang matapos nila akong isabit ay matagal nila akong tiningnan at sabay sabay silang pumalakpak na parang mga sira-ulo.

"Kita mo nga naman marissa hindi kalang pala pampalipas oras,pwede ka ring gawing Christmas ball sa mumunti naming Christmas tree."

"Haahahaha nag-eenjoy kaba Marissa"

"Nasaan ang mga ugali nyo?!batiin nyo sya!"

"Woah merry Christmas Marissa!"

"Maligayang pasko mahal na prinsesa hahaha"

Hagulgol nalang ang naging tugon ko sa kanila.

Paano nila nasisikmura na gawin to sa akin.

Ngayong gabi kung saan ako nakabitin ay ang oras kung saan ako inabutan ng pasko.

Nakakapanghina!

Nasaan ka na ba?!

Matagal na kitang hinihintay!

Parang-awa mo na.

Tulungan mo na ako!

Hirap na hirap na ako dito.

Ang paskong ito!

Ito marahil ay huli ko nang mararanasan.

Ang paskong dati ay lagi naming hinihintay.

Ngayon ay wala na sa aking buhay.

Wala na akong pag-asa!

P-patawad!

Hindi na kita mahihintay.

Sana ay lagi kang mag-iingat.

Wag mo sana akong kalilimutan.

P-paalam!





                            Liham mula sa iyong----,
                                        Marissa

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now