December 27,2008

134 49 18
                                    

Akala ko ay tuluyan na akong makakatakas kagabi pero hindi dahil muntikan na akong mahuli.

Oo muntikan lang dahil determinado talaga akong makatakas sa kanila ay nagsarili nang humanap ng matataguan ang aking sariling katawan kagabi.

Kagabi..

Nang marinig ko ang mga boses nila na palapit sa aking direksyon ay mabilis akong tumakbo patungo sa nakita kong maliit na kubo.

Ngunit hindi lang ito basta kubo dahil isa pala itong kulungan ng mga baboy.

Halos magkandapa-dapa ako palapit rito.

Halos masuka naman ako sa baho ng amoy ng lugar na ito.

Pero hindi na ako nag-inarte pa ng marinig ko na talaga ang boses nila sa may likuran ko.

Agad na akong pumasok sa kulungan at nakisisiksik sa malalaking baboy na narito.

"Sigurado ka bang hindi pa yun nakakalayo dito Josh?!"

"Sana ay hindi pa dahil malalagot talaga tayo kay Catarina pag nakatakas yun"

"Libutin natin ng buong gubat, sigurado akong hindi yun makakalabas dito dahil mahina ang katawan nun at walang ibang dumadaang sasakyan sa lugar na ito,dalian nyo!"

Oinkk! oinkkk!

Halos kapusin ako ng paghingi ng mag-ingay ang mga baboy dito sa loob.

Shhh!

Pakiusap wag kayong maingay!

Naririnig ko ang mga yapak nilang papalapit dito.

Halos masuka naman ako ng lumapit lahat sa akin ang mga baboy at amoy na amoy ko ang mga dumi nila sa katawan.

Pigil-pigil ko ang sarili ko na wag masuka.

Naipikit ko na lang ang aking mga mata ng tinapatan nila ng flashlight ang loob ng tangkal kung nasaan ako.

Paulit-ulit lang akong nananalangin na sana hindi nila ako makita.

Dahil ayoko nang bumalik sa kanila.

Ayoko ng maghirap pa!

"Jerome!Dave banda dito!may nakita akong tumatakbo bilisan niyo!"

Nakahinga ako ng maluwag ng tumakbo na sila sa ibang direksyon na sinabi ni Josh sa kanila na may nakita raw silang tumatakbong babae.

Kung sino man yun ay nagpasalamat ako sa kanya.

Siguro ay magpapalipas muna ako dito ng gabi kasama ng mga baboy.

Bukas!

Sisimulan ko na ang pagtakas.

Present day..

Ngayon na medyo maliwanag na ay napagdesisyonan ko na gawin na ang binabalak ko.

Dahan-dahan akong lumabas mula dito sa kulungan ng baboy at maingat na naglakad paalis.

Sigurado ako na wala na sila dahil gabi gabi lang sila pumupunta rito.

Marahil ay para hindi sila paghinalaan ng kanilang mga magulang.

Ngunit nanigurado parin ako.

Dahil nakahubad ako ay humiga ako sa basang lupa at binalot ang buong katawan ko ng putik.

Para hindi nila ako madaling makita kung sakali ay gumapang nalang ako paalis dito sa impyernong lugar na ito.

Halos maligaw-ligaw ako sa loob ng gubat kaya naman natagalan ako bago mahanap ang bukana ng gubat.

Lumabas narin ang haring araw kaya mas lalo akong nahihirapan.

Ang putik na nakabalot sa akin ay unti-unti nang natutuyo at para bang nagsilbi ito sa akin bilang saplot sa aking kahubadan.

Halos magsaya naman ako ng may nakita akong puno ng bayabas na mayroong hitik na hitik na mga bunga.

Dali-dali ko itong inakyat at kumuha ng makakain.

Nang mabusog ako ay tsaka ako nagpatuloy sa paghahanap ng daan palabas.

Ngunit dahil sa kinain kong maraming bayabas ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

Kaya naman tumigil ako sa may damuhan at doon ako dumumi.

Namroblema naman ako ng ipapanghugas ko sa aking pwet.

Nakakita ako ng malaking dahon at ito nalang ang ginawa kong tissue para makapagpatuloy na ako sa paglalakad.

Ilang oras pa ay tuluyan ko nang nakita ang bako-bakong kalsada ng lugar na ito tanda na ligtas na ako.

Napasigaw ako sa sobrang tuwa ng makakita ako ng sasakyan na paparating.

Agad ko itong pinara.

Pero agad rin akong nagsisi dahil kilalang kilala ko kung sino sino ang mga sakay ng sasakyan.

Nakangisi nila akong tiningnan at tsaka nila binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Ano pang hinihintay mo?sumakay kana bago pa kumalat ang utak mo dito sa kalsada Marissa!"

N-no!

Akala ko ba makakatakas na ako?

Akala ko ba makakaalis na ako sa impyernong lugar na ito?!

Pero bakit?

Ano bang ginawa kong masama para mangyari lahat ng ito sa akin?!

Ha?!

A-ano bang ginawa ko?!


                            Liham mula sa iyong----,
                                     Marissa




Author's note:
Ano sa tingin nyo ang mga susunod na mangyayari mga sweetheart?

Let me know your opinion guys!

How I Die(BOOK ONE)Where stories live. Discover now