INTRO

23.3K 434 122
                                    

"You can do it, Jules." Bulong ko sa sarili ko.

Mag-isa akong pumasok sa napakalaking stadium arena suot suot ang VIP tag sa palapulsuhan ko. Nasa concert ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa 'kin para manood dito.

Matagal na rin ang nakalipas simula nang huli ko siyang makita ng personal but I always watch all his guesting and shows on TV and on social media, I even bought all his albums. Kahit malayo ay sinusuportahan ko pa rin siya.

Kasi hanggang ngayon ay siya pa rin.

Hanggang ngayon at hanggang sa susunod na mga araw, buwan at taon.

Nakatayo ako sa gitna ng maraming tao sa VIP box habang pinapanood sa stage ang pagkanta ng nagiisang lalaki na bumago sa buhay ko. Pinapakinggan ang pagbagsak ng bawat nota, ang pagtunog ng mga gitara, at ang boses niya na para bang lumuluha at dinaramdam pa rin sakit. He was singing with so much passion as the crowd went wild, and his voice sang to me. Kada bitaw ng linya sa kanyang kanta ay para bang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko.

Lahat ng sakit ay bumabalik kasabay ng pagbalik ng saya na naramdaman kasama siya.

With a 4/4 beat, playing in C major, he sang his song...

We were sitting under the dark cloudy skies
Singing my song as you sleep in my arms and I
Learn by heart your face and every angles of
Your beauty, like a lull before the storm

You take my breath away when you smile but it's
All in my head since you walked away and left
Crashing down like waves as I wept in tears
Heavy rain falls down from the monsoon skies

I lie awake every night
Thinking 'bout where we went wrong
It should be 'bout love
And romance, my monsoon skies
Oh I, I, I

Still holding onto you with a vise-like grip
I can't let you go, can't forget these memories
As I watch, up above, you are still mine, my monsoon skies.

Nagtama ang mga mata namin at napatigil siya  sa pagkanta. Biglang natahimik ang buong stadium nang mahulog sa pagkakahawak niya ang gitara. It happened for a split second but for us it was a lifetime.

Napaatras ako nang bigla siyang tumayo at umakto na para bang bababa sa stage. Naglapitan ang mga bouncer sa kaniya nang makababa siya ng steps at kita pa rin ang gulat sa mga mata niya.

Hindi niya siguro ini-expect na makita ang taong nagpahirap sa kaniya.

Ang tanging naghihiwalay na lang sa 'min ngayon ay ang barricade sa harap ng VIP box.

Pinagtitinginan na kami ng nga tao sa paligid at ang mukha ko ay naka-flash sa big screen habang palapit siya ng palapit sa 'kin.

Napailing ako sa kaniya, kinakausap gamit ang mga mata at sinasabing 'wag niya akong lapitan. I walked back as he stepped closer.

Naalala ko lahat ng mga patagong sulyap, pasimpleng mga yakap at patakas na pagsasama na para bang kalaban namin ang buong mundo.

It was the only time we got. And it was our secret.

Pero hindi na ngayon.

Because I left him alone.

For a good reason.

And just like before, I ran.

Again.

I scurried away at hindi na nahirapan tumakbo palayo para makatakas dahil binibigyan ako ng daanan ng libo libong tao na nanonood. They cleared my way and let me pass as I carried my heavy heart with me.

Maybe this was going to be the last time I would ever ran away from him.

Because this was the last time I would see him.

I'm sorry, Archer. I'm sorry for not keeping my promise.

Stars and Monsoon Skies (Sky Series 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora